KABANATA CCXXXIX

687 6 1
                                    

Ang isang batang nurse na pumasok sa operating room nang unang beses ay naluha sa sobrang takot matapos makita ang kondisyon ni Dax.

Siguradong hindi makakaligtas ang isang pangkaraniwang tao na nagtamo ng ganito katinding mga sugat sa sandaling dalhin siya sa ospital.

Naguluhan dito si shellyy, pero nagawa niya pa ring humanga sa ginawang paglaban hanggang sa sandaling ito ni Dax.

Hindi maaaring patulugin si Dax dahil sa tindi ng mga sugat na kaniyang tinamo. Pero hindi pa rin siya gumawa ng anumang ingay sa operasyong nagtagal ng pitong oras habang nararamdaman ang anumang bagay na ginagawa ng mga doktor sa kaniyang katawan. Pero hindi na rin niya kinaya at tuluyan nang nawalan ng malay pagkatapos ng kaniyang operasyon.

Nagulat diti si Saul, agad na namula ang kaniyang mga mata matapos marinig ang mga sinabi ni Shelly.

"Si Dax ang nag iisang tagapagmana ng pamilya Sanders! Sinusubukan niyo bang tapusin ang aming pamilya? Ipinapangako ko, Donoghue Dixon, na pagbabayaran ng buo mong pamilya ang nangyaring ito!" Isip ni Saul.

Hindi na ito isang basta bastang hinanakit na magagawa pang masulusyunan.

Isa pa itong asay ng dalawang mga pamilya!

"Old Master, Madam, may hindi po magandang nangyari!"

Sa mga sandaling ito, isang nakababatang miyembro ng kanilang pamilya ang nagpapanic na tumakbo papunta kina Saul at Nancy.

Agad naman siyang sinermunan no Saul. "Ano bang problema mo? Bakit mo nagawang mag ingay sa lugar na ito. Ano bang nangyari?"

Humingal naman ang binata habang sinasabi na. "Old Master, dinala ni Donoghue ang kaniyang mga tauhan para kunin ang Dax street."

Ano?

Ang Dax street ng Donghai City ay ipinangalan kay Dax. Ito ay dahil pag aari ng pamilya Sanders ang ninety percent ng mga tindahan sa kalyeng iyon.

Ang mga shop na ito ay konabibilangan ng mga hotel, KTV, mga bar, mga internet café at mga billiard hall na nagbabayad sa pamilya Sanders ng proteksyon.

Hindi lang nagawang sugatan ni Donoghue si Dax. Nagawa rin nitong sakupin ang buong Dax street na katumbas ng pagsira sa pinagkakakitaan ng pamilya Sanders.

Nanginig ang buong katawan ni Saul habang nababalot ng naglalagablab na galit anh kaniyang mga mata! Nagsara nang husto ang kaniyang mga kamao habang malakas na sinusuntok ang pader.

"Pamilya Dixon ng Yunshou City, hinding hindi kauo mahkakaroon ng kapayapaan hanggat may miyembro pang miyembro ang pamilya Sanders na nakatayo sa mundong ito."

Grabe.

Gumawa ang suntok ni Saul ng isang malaking butas sa kongkretonh pader ng ospital na sinundan ng isang napakalakas na shockwave.

Hindi na nakapagsalita pa ang mga nakapaligid na hospital staff habang napapapigil ng hininga sa kanilang nakikita.

"Iniisip niya na wala nang natira sa pamilya Sanders?"

Dito na umabante si Nancy na may nanlalamig na mukha.

"Sumunod kayong lahat sa akin, hinding hindi tayo magpapahinga hanggat hindi natin napapatay si Donoghue!"

Dadalhin na ni Nancy ang kaniyang mga tauhan para umalis nang matapos ito sa pagsasalita.

"Huwag kang magpadalos dalos Nancy."

Pero agad siyang hinila ji Saul sa mga sandaling ito.

Napatigil naman si Nancy at nanginginig na sinabing. "Grandpa. Nasugatan nang husto si Dax at ang karamihan ng ating mga tauhan nang dahil sa Dixon, at ngayon ay nagawa naman nilang kunin ang ating mga territoryo. Hinding hindi ko ito mapapalampas!"

Itinango ji Saul ang kaniyang ulo at sinabing. "Alam ko. Maghihiganti rin tayo, pero masyado pang malakas ang mga Dixon sa mga sandaling ito. Kaya hindi natin aila matatalo nang direkta. Umuwi na muna tayo para gumawa ng isang maayos na plano."

.....

SA ELYSIAN ISLAND

Dahan dahang nang bumalik ang malay ni Darryl.

Level Five Master!

Napahinga nang malalim si Darryl. Mukhang napakaepektibo nga ng Jasper Ginseng na kaniyang kinain! Halos magkaroon na siya ng isang paychotic break nang gamitin niya nang mali ang ginseng pero mabuti na lang at maayos na ang lagay niga ngayon.

Nakaramdam ng thrill si Darryl sa kaniyang loob pero agad siyang nagulat nang matamdaman ang isang bagay sa kaniyang ilalim.

Hindi ito maaari.

Makikita pa rin ang kaunting pamumula sa mukha ni Monica habang tinititigan nang maigi si Darryl na nasa kaniyang ibabaw. Naupo ng galit, hiya at kalituhan ang kaniyang pag iisip.

Siguradong ito na ang katapusan ni Darryl.

Agad na tumulo ang malamig na pawis sa ulo ni Darryl matapos niyang marealize na maari nga na napagsamantalahan niya ang Cult Mistress. Siguradong ito na anh katapusan niya!

Dito na agad na naging blangko ang isip ni Darryl!

"Mistress, ako po...."

Agad na pinutol ni Monica ang kaniyang pagsasalita bago pa man siya makapagsabi ng anumang salita. "Puwede banh tumayo kana, Darryl?"

Muling nagblush ang mukha ni Monica habang nagsasalita.

Si Monica ang kataas taasan at walang kapantay na Cult Mistress, at nagawa ng lalaking ito na gumawa ng kalapastanganan sa kaniya. Mukhang hinahanap na talaga nito ang kaniyang katapusan.

Ilang taon nang kasal si Monica sa Cult Master. Kahit matanda na ang Cult Master, naging maganda at mukha pa ring bata si Monica!

"Mistress, ako po...." Agad na nakabalik sa realidad si Darryl at nagmamadaling tumayo.

Gupitin mo na ang taling ito ngayundin. "Sabi ng walang kahit na anonh ekspresyong si Monica.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now