KABANATA CCXCI

474 6 2
                                    

Tumawa si Darryl at tumingin sa manghuhula bago sinabing. “Hindi ako interesado.”


“Hindi po sir!” nagpapanic na sigaw ng manghuhula. Palihim siyang sinabihan ni Kent na abalahin si Darryl. Hinawakan nito ang kamay ni Darryl at nagkunwaring hinuhulaan ito.

“Hindi maganda ang mga bagay na naghihintay sa iyo iho.”


“Oo, tama ka nga! Dahil noon pa lang ay hindi na nagging maganda ang kaniyang buhay!” ditto na sumabog sa katatawa ang sumisigaw na si Kent.


“Kayong lahat! Napakaaccurate talaga ng ginagawang prediksyon ng manghuhulang ito!”

“Hindi ako interesado sa panghuhula. Alisin moa ng kamay mo sa akin.” Naiinis na sinabi ni Darryl.


Pero hindi tumigil ang manghuhula habang sinasabi na. “Hindi iho. Itinadhana talaga na magkita tayong dalawa para mabasa ko na wala kang magagawa kundi tumira sa proteksyon ng isang tao bilang isang nakikitirang manugang sa buong buhay mo.”


Hahahah!


“Wala na siyang magagawa kundi maging isang nakikitirang manugang sa buong buhay niya!”


Sumabog sa katatawa ang mga tao sa kanilang paligid nang marinig ang mga salitang iyon.




Tinapik ni Kent ang balikat ni Darryl at nagbuntong hininga habang nagpapakita ng nasasaktang itsura. “Narinig mob a iyon? Sinabi ng manghuhula na wala ka na raw magagawa kundi maging isang nakikitirang maanugang sa buong buhay mo. Ito ang iginuhit ng kapalaran sa palad mo kaya naaawa ako sa iyo.”


Hindi naman nakangiti rito si Megan, napakagat siya sa kaniyang labi habang nakakaramdam ng matinding awa kay Darryl.

“Ganoon na ba talaga kasama ang kapalaran ni Darryl? Sinabi na maging ng manghuhula na wala na siyang magagawa kundi maging isang nakikitirang manugang habang buhay!”


Ngumiti si Darryl habang tinitingnan ang manghuhula. Nagawa niyang mapansin na kakaiba ang bigote nito na para bang nakadikit sa kaniyang mukha.


“Huwag k asana mainis, Darryl…” bulong ni Megan sa pagsasalita.


Naniwala siya sa mga sinasabi ng manghuhula dahil masyado nang nagging accurate ang ginagawa nitong pagbabasa ng kapalaran.


Tumatawa namang pinigilan ni Darryl si Megan sa pagsasalita. “Naniniwala ka talaga sa bagay na iyan, Megan? Puro lang ito kasinungalingan at kalokohan.”


“Ganito na ba talaga katindi ang mga manloloko ngayon?”



Agad na nagpanic si Megan matapos marinig ang mga sinabi ni Darryl. Hinila niya ang braso nito at seryosong sinabi na. “Okay siya, Darryl. Nagawa niya akong hulaan kanina at agad ko ring nalaman na totoo ang mga sinabi niya.”


Nagpakita naman si Kent kay Darryl ng isang malademonyong ngiti, hindi na niya mapigilan ang kaniyang sarili na asarin ito. “Okay lang na mainis ka ng ganiyan, Darryl. Puwede mo namang gawin ang lahat para itanggi ang mga sinabi niya, pero paano mo siya magagawang pagdudahan? Paano mo nasabi na nagsisinungaling lang ang manghuhulang ito?”



“Hayop ka, Darryl.” Isa itong pambihirang pagkakataon para kay Kent na ipahiya si Darryl.


Hinawakan ng manghuhula ang kaniyang bigote at hindi nagmamadaling sinabi na. “Binigyan ako ng ganitong klase ng kakayahan ng kapalaran para magsabi ng mga propesiya at hindi mga kasinungalingan. Nakakatuwa ka matapos mong sabihin na nagsisinungaling ako.”



“Nagkukunwari pa rin ba siya?”



Natuwa rito si Darryl. “Talaga?” sagot nito.



“Bakit hiondi mo kaya sabihin kung ano ang nabasa mo kay Megan?”


Ang Geomancy ng Yin at Yang ay mayroong ilang mga technique sa panghuhula maliban sa Feng Shui kaya natural lang na malaman ni Darryl ang basics sa paggawa nito.



Tumingin ang manghuhula kay Megan at kalmadong sinabi na. “Ang babaeng naroroon ay may elemnto ng Metal, na bumabangga sa element ng kahoy…”



Ditto na siya biglang sumigaw ng. “Nako po! Kayo ang element sign ni Darryl! Ms. Castello kinakailangan mo nang lumayo sa kaniya mula sa araw na ito!”


Huh? Nagkaroon sila ng nagbabanggaang mga sign? Ditto na biglang napataas si Megan sa kaniyang kinatatayuan.



Ginamit naman ni Kent ang pagkakataong ito para hawakan ang kamay ni Megan at sabihing. “Narinig mob a iyon, Meg? Hueag mong kakalimutan na lumayo sa nakikitirang manugang na iyan!”


Tumawa naman si Darryl habang nakatitig sa manghuhula. “Tama ka nga sa unang kalahati ng iyong mga sinabi. Metal nga ang element sign ni Megan, pero nagkamali ka naman sa mga kasunod nito. Ang eight siagram mirror ni Megan ay bundok. Ang aking element sign ay Kahoy pero ang aking eight diagram mirror ay isa ring bundok.”


Hindi maiwasang  bumungisngis ni Darryl habang namumuhing nakatingin sa manghuhula. “Parehokaming bundok. Kata sabihin mo sa amin kung ano ang nagbabangga rito?”



Ano? Mahirap intindihin ang kaniyang mga sinabi! Namangha rito ang mga tao sa kanilang paligid.



Ditto na natigilan ang manghuhula kung saan tumulo ang malamig na pawis sa kaniyang noo. Kinuha siya ni Kent para magkunwaring manghuhula na manloloko kay Megan.



“Bakit nagging ganito kaapropesyonal ang nakikitirang manugang na ito?”


Makikita rin ang napakatinding pagkagulat sa mukha ni Megan. “Darryl, marunong ka rin bang manghula?”



Alam niyang may kaalaman si Darryl sa mga Feng Shui at antiques, pero marunong din kaya ito sa panghuhula?

Punong puno talaga ng surpresa ang lalaking ito.



Bahagyang ngumiti si Darryl at sinabing. “Kaunti lang.”



Nagpanic naman nang husto si Kent . magpopropose na sana siya kay Megan pero hindi niya maaaring hayaan na sirain ni Darryl ang buo niyang plano!


Tumingin siya sa manghuhula na nagbigay ditto ng hudyat na kumilos.


Mabilis namang nagpatuloy ang manghuhula sa pagsasalita. “Mr. Darby, nababasa ko rin na mamalasin ka nang husto. Ang sinumang lalapit sa iyo ay mahahawa ng iyong kamalasan. Ang iyong asawa at mga kaibigan ay agad na masstuck sa kamalasan at disgrasya.”


“Anong sinabi mo?” Dito na nawala ang ngiti sa mukha ni Darryl, at napalitan ng matinding panlalamig.



“Ikaw…”


Nanginig ang boses ng manghuhula, nakaramdam ito ng takot sa tingin na ginawa sa kaniya ni Darryl.


“Ang sinasabi ko lang ay sa kasamaang pala—“


“Paano kaya kung bigyan din kita ng prediksyon?” dura ni Darryl na pumutol sa kaniyang pagsasalita.


“Isang delubyo ang naghihintay sa iyo ngayong araw.”



Isang delubyo?



Ditto na natigilan ang manghuhula habang nabablangkong tiningnan si Darryl. “Anong delubyo?”

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now