KABANATA CCXLI

789 10 6
                                    

KABANAT CCXLI

"Okay po baa ng 'Shadow Skill' na ito Madam?" nasasabik na tanong ni Darryl.


Nakangiti namang sumagot si Monica ng. "Isa itong koleksyon ng alaala sa totoo lang."


Huh? Isang koleksyon ng mga alaala?


Agad na nanigas ang mukha ng nacoconfuse na si Darryl. Nagbibiro ba siya? Paano makakatulong ang isang alaala para manakaw niya ang scripture.


Kalmado namang nagpaliwanag ditto si Monica. "Walong daang taon na ang nakalilipas, mayroong tagasunod ang Heaven Cult na nakakuha sa titulo ng First-Ranked Godly Theif noong Song Dynasty. Biniyayaan siya ng isang pares ng mga malilikot na kamay na nagbigay sa kaniya ng kakayahang makapagnakaw ng kahit na ano ang hindi napapansing ng kahit na sino."


Sa mga sandaling ito. Naiintindihan na ni Darryl kung tungkol saan ang libro ng mga alaalang ito. Ito ay ang koleksyon ng mga alaala ng isang magnanakaw. Ayon kay Monica, nagawa ng magnanakaw na itong makuha ang titulo ng Godly Thief kaya siguradong napakahusay nito sa kaniyang ginagawa.


"Ano na po ang nangyari pagkatapos nito?" nasabik nang husto si Darryl kaya gusto pa niyang malaman ang iba pang tungkol dito.


Sinalinan ni Monica ang kaniyang sarili ng tsaa. Nagpatuloy ito matapos humigop sa kaniyang tsaa.


"Agad niyang nakukuha ang anumang bagay na kumukuha sa kaniyang interes. Nagkaroon pa nga ng isang insidente noon na kung saan ay nagawa niyang nakawin ang lahat ng kayamanang nakatago sa loob ng isang palasyo sa loob lang ng isang gabi. Ang Godly Thief ang may pakana sa pagnanakaw na ito."


"Grabe! Napakagaling niya!" namamanghang sinabi ni Darryl.


Nang pag aralan niya ang pagsusuri sa mga antique noong nasa elementary level pa lang siya, nagkaroon din siya ng interes sa kasaysayan kaya agad niyang nalaman ang tungkol sa pagnanakaw na ito sa isang palasyo mula sa mga libro. Alam niya rin na mahuhusay ang mga bantay ng palasyo noon kaya hindi magagawa ng kahit na sinong tao na hindi mapansin ng mga ito. Pero nagawa ng Godly Thief na nakawin ang buong kayamanan ng palasyong ito nang walang nakakapansin na kahit na sino.


Nagpatuloy si Monica sa pagsasalita.


"Isang Godly Police ang nagsimulang humabol sa Godly Thief dahil sa dami ng krimen na nagawa nito, pero hindi siya nagawang mahuli ng Godly Police matapos ang napakaraming taon ng paghabol nilang ito sa kaniya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nainlove ang Godly Thief sa anak ng Godly Police."


"Pero hindi niya alam na ang babaeng iyon ay ang anak ng Godly Police. Isang araw, nagnakaw ang Godly Thief sa isang mayamang negosyante nang abangan siya ng Godly Police sa loob ng bahay matapos malaman ang impormasyong tungkol sa balak nitong gawin. Sa kasamaang palad, aksidente niyang napatay ang Godly Police noong tangkain nang tumakas ng Godly Thief.


"Nalaman niya lang noong bisitahin niya ang babae na aksidente niyang napatay ang kaniyang biyenan. Hindi nagawang gumanti sa kaniya ng babae dahil mahal na mahal nito ang Godly Thief at namatay pagkatapos ng dalawang taon."


"Matapos mamatay ng pinakamamahan niyang babae, nagdusa nang husto si Godly Thief, ditto na siya nangako sa diyos na ititigil na ang anumang klase ng pagnanakaw na kaniyang ginagawa. Pero ayaw niya namang mabura ang angkin niyang galling sa pagnanakaw sa mundo kaya napagdesisyonan niyang ipunin ang lahat ng kaniyang mga karanasan at kaalaman sa librong ito."


"At mula noon, itinago na ng Grandmaster ang memoir na ito, isang taon na ang nakalilipas, natakot ang ating Grandmaster nab aka naiinip na ako sa islang ito kaya napagdesisyunan niyang ibigay sa akin ang librong ito."


Ditto na ngumiti si Monica at sinabing. "at ngayon, ibibigay ko na ito sa iyo. Sana lang ay makatulong ito sa hinaharap at sana marami kang matutunan sa koleksyong ito ng mga alaala."


"Maraming salamat po, Madam!" Kalmadong sagot ni Darryl habang nasasabik na kumakabog ang kaniyang dibdib.


May isang napakaganda at nakakaantig na love story sa likod ng koleksyong ito ng mga alaala.


"Sige, iyo na ang koleksyong ito. Umuwi ka na at pag aralan ito." Sabi ni Monica na nakaramdam ng pagkabog sa kaniyang puso habang naalala ang mga nangyari kagabi. Isang kulay pink na blush ang biglang nakita sa kaniyang mukha.


Tumango naman si Darryl ditto.


Matapos ang sampung minuto, naghanda si Monica ng isang Bangka na magdadala kay Darryl pabalik sa Donghai City.


"Haha... nakabalik na rin ako! Grabe, hindi ito nagging madali!" isip ni Darryl habng nagrerelax na ineenjoy ang malakas na hangin ng dagat habang nakahiga sa Bangka na siya ring nakapagpagaan sa kaniyang pakiramdam.


Napakaganda ng Heaven Cult Island na may naggagandahang mga tanawin maliban sa pakiramdam ng pagkakulong na naramdaman ni Darryl. Pero nagawa pa rin niyang makakuha ng ilang mga benepisyo mula sa paglalakbay niyang ito. Habang nag iisip, nakaramdam siya ng kasiyahan matapos makapag uwi ng ilang mga spiritual herbs maliban sa nangyari sa kanila ni Monica.


"Oo, nga pala. And Godly pill."


Ditto niya biglang naalala na isa nga pala siyang Level Five Master kaya nasabik niyang nalabas ang isang Godly Pill na agad niyang ininom.


Gulp.


Nilagay niya ang pill sa kaniyang bibig nang walang pag aalinsalng at umaasang umupo sa kaniyang kinauupuan.


Bam!


Isang napakalakas na enerhiya nag sumabog sa kaniyang energy field pagkatapos ng kalahating oras. Habang binubuksan ang kaniyang mga mata, dalawang mga ray ng nagliliwanag na ilaw ang lumabas mula sa mga ito.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now