KABANATA CCXLIX

583 7 1
                                    

Alam ni Darryl na mabisa ang pill pero kailangan pa magpahinga ni Dax matapos ito inumin. Kaya naman kagulat gulat na nakarecover ito kaagad, sobrang nasugatan si Dax at halos lahat ito ay pisikal. Hindi siya makakarecover kahit uminom ito ng pill kung masters ang bumugbog sa kaniya.

Hindi naman makagalaw si Nancy sa isang sulok habang nanginginig ang labi nito. Alam at narinig ng mga tainga nito na kahit ang pinaka advance na treatments ay hindi magagamot si Dax at kailangan na nito mag wheelchair habang buhay. Pero napagaling ito ng maliit na pill, isang himala!

Tumatalon pa si Dax na para bang bata na nasobrahan sa excitement at hinablot nito ang balikat ni Darryl. "Tara sa bar!"

Umangal naman si Nancy. "Grabe naman! Kakarecover mo lang. Puwede bang alalahanin mo naman yung mga taong nag aalala sayo? Si lolo nasa bahay pa rin at nag aalala sayo."

Pinadaanan ng kamay ni Dax ang kaniyang buhok. "Tama ka, uuwi nalang ako at mag iinom. Masusurprise si lolo nun!"

"Ikaw...." Umiling si Nancy, pinadyak ang paa, at pinag toothbrush ito. Hindi naintindihan ni Dax ang point ng asawa, ayaw nitong uminom siya ng alcohol dahil kaka recover niya pa lang.

...

Sa Sanders Mansion, 7pm.

May special name na nakalaan para sa mansion nito na kilala bilang Sanders Mansion. Ilang araw na ang nakaraan, naisip pa nitong bumili ng Golden stick para i-display sa sala.

May heart warming dinner ang pamilya sa first floor dining room.

Anim na tao ang naroon -- Darryl, Dax, Nancy, lolo ni Dax, at dalawa pa na mukhang pinsan ni Dax.

Ang nakatatandang pinsan ay si Daisy Palmer habang ang mas bata naman ay si Daphne Palmer. Pareho silang hindi taga Donghai City pero may magandang relasyon ang mga ito kay Dax.

Nagmimistulang center of attraction ang mga ito kahit saan sila magpunta, may mature na ganda at nakakaakit na pangangatawan si Daisy habang may youthful na ganda at charming na mukha naman si Daphne. Noong narinig nilang nakarecover na ai Dax ay agad na bumisita ang mga ito.

Excited ang mga ito hanggang sa nakita nila so Darryl. Cheap ang suot nito at nagmukha siyang mahirap dahil doon.

Espesyal ang okasyon ng pamilya ng araw na iyon kaya naman hindi nila maintindihan kung bakit ito sinama ni Dax.

Napag alaman pa nila na na-injured si Dax dahil sa kaniya, kaya naman hindi na nila nagustuhan si Darryl umpisa palan

Hindi rin nila maintindihan kung bakit nakipagkaibigan si Dax sa hampas lupang gaya nito.

Habang iniisip nila ang mga ito, mas lalong bumababa ang tingin nila kay Darryl at cold ang pakikitungo dito. Kung hindi lamang dahil sa kanilang lolo ay umalis na sila sa hapag kainan, pangit tingnan kung kakain sila kasama ang nasa lower-class.

Hindi pinansin ni Darryl ang malamig na pakikitungo nina Daisy at Daphne, masaya siyang nakipag kuwentuhan kay Dax. Siyempre ay hindi niya nakalimutang isama ang lolo ni Dax sa kuwentuhan dahil lagi siyang nagbibigay galang sa nakatatanda.

Makalipas ang ilang sandali, nakangiting tumingin kay Dax ang lolo nito.

"Apo ko, natutuwa akong makita na nakarecover kana. Nabalitaan mo na ba ang Hexad School ay naitayo na sa Donghai City dalawang araw na ang nakalipas?"

"Opo narinig ko ang balita." Tumango si Dax.

Nagpatuloy ang lolo nito. "Pumirma ako para makapag aral kayong tatlo doon. Ikaw, si Daisy at si Daphne."

Masayang tumango si Daisy at Daphne dahil alam ng mga ito na palaging maganda ang desisyon ng kanilang lolo.

Umaasa ang mga tingin ng lolo nito sa kaniya. Alam nito na mag i-stand out si Dax dahil sa mga talento at kakayahan nito.

Posible rin na maging Elder of the Six Sect ang apo, makapagbibigay ito ng karangalan sa pamilya Sanders pag nagkataon.

Hindi lang mukhang masyadong excited si Dax,mukha rin itong concern.

"Lolo, sinong magbabantay sa family business natin kung papasok ako sa Hexad School?"

Concern na tanong nito dahil nag retire na ang kaniyang lolo ilang taon na ang nakalipas.

Ngumiti ang kaniyang lolo. "Huwag kang mag alala tungkol dito. Kapag nakapasok ka na sa school, nariyan si Nancy para tumulong sa business at tutulungan ko rin siya kapag kailangan."

Tumango si Nancy bilang pag sang ayon.

Nakangiti ring tumango si Dax. Tumingin ito kay Darryl. "Bro, ano sa tingin mo? Gusto mo ba sumama?"

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now