KABANATA CCXXXVIII

748 5 0
                                    

Isa si Dax sa mga kilalang tao sa Donghai City. Kaya siguradong mapapasok sa isang malaking gulo si Donoghue matapos nitong bastusin si Dax na may hindi pa ring malamang kundisyon hanggang sa mga oras na ito.

Nag alala ng husto si Lily sa pangyayari kagabi.

Hindi rin nakapanood si Donoghue ng ginawa niyang live stream kaninang umaga.

"Maaari kayang may nangyari na ring hindi maganda sa kaniya?"

Dito na napuno si Lily ng mga bagay na nagpatindi sa kaniyang pag aalala.

Ding ding.

Biglang nagbeep ang cellphone ni Lily sa mga sandaling ito.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone at agad na natuwa matapos makita ang isang text message mula kay Donoghue.

Nagpadala lang ito ng maiksing message sa kaniya. [Lily, sana lang ay hindi ka natakot sa nangyari kagabi?] Kahit ang kaniyang paraan sa pagtetext ay masyadong gentleman.

Gumaan ang loob ni Lily habang umaaliwalas ang kaniyang mood matapos mabasa ang text ni Donoghue.

Naisip ni Lily na ligtas si Donoghue mula sa pangyayaring iyon kagabi.

Mabilis namang nagreply so Lily ng, [Okay lang ako. Kamusta ka naman? Makapangyarihan si Dax sa Donghai City. Hindi ka niya pakakawalan nang basta basta matapos mo siyang bugbugin nang ganoon katindi. Mag iingat ka.]

Ngumiti naman si Donoghue habang nasa kabilang dulo ng kanilang conversation. [Huwag kang mag alala. Kahit na makapangyarihan dito si Dax, hinding hindi siya magiging banta sa akin. Hinding hindi niya rin ako magagawang saktan kaya huwag ka nang mag alala.]

Agad namang gumaan ang loob ni Lily sa naging reply ni Donoghue.

Sa mga sandaling ito, muling nagsend si Donoghue ng isa pang text message. [Lily, sinira ng pesteng Dax na iyon ang date natin kagabi. Paano kaya kung magdate ulit tayo sa Dynasty Bar ngayong gabi? Hindi ko alam pero natutuwa ako sa tuwing kasama kita. Nawawala ang lahat ng aking problema sa sandaling makita ko ang iyong presensya.]

Naglagay din ito ng smiley face sa dulo ng kaniyang text message na ito.

Masyadong well-mannered si Donoghue na marunong sing mangflatter. Maliban pa ito sa pagiging mayaman at guwapo niyang lalaki. Paano naging posible na makuha ng isang lalaki ang lahat ng katangiang ito?

"Paanong hindi mahuhulog sa ganitong klase ng lalaki ang kahit na sinong babae?" Isip ni Lily.

[Sige, see you tonight.] Walang pag aalinlangang sagot ni Lily.

........

SA DONGHAI CITY FIRST HOSPITAL.

Daan daang mga matitipunong lalaki ang diretsong nakatayo sa ikalawang palapag ng inpatient department! Lahat sila ay nagpakita ng itsurang naglalabas sa hindi mapigilan nilang galit habang naglalabas ng nakakamatay na aura ang kanilang mga katawan. Napuno ng kanilang presensya ang buong ikalawang palapag ng hospital.

Ang mga ito ay walang iba kundi ang mga tauhan ni Dax.

Walang sinuman ang nagawang maglibit sa ikalawang palapag. Maging ang mga doktor at nurse ay hindi nagawang magsalita ng kahit na ano. Siguradong matatakot ang kahit na sino sa lakas bg presensyang nilalabas ng mga matitipunong lalaki na ito.

Pinapamunuan ang mga matitipunong lalaki na ito ng isang matandang lalaki na nakasuot ng kulay puting tang suit. Makikita ang matinding pag aalala sa mukha ng matandang lalaki.

Ang matandang lalaki na ito ay walang iba kundi ang lolo ni Dax na si Saul.

Nasa loob ng suburbs manor noon si Saul dahil sa napakaganda nitong kapaligiran habang abala sa paghahardin at pagkalikot sa kaniyang mga antique.

Agad na nagulat at nagalit si Saul nang marinig nito ang tungkol sa pambubugbog kay Dax kaya agad siyang sumugod sa ospital kagabi.

Nasa kalagitnaan parin ngayon si Dax ng operasyon na magliligtas sa kaniyang buhay.

Habang puno naman ng pag aalala at galit si Saul.

Maraming taon na ang nakalipas mula noong magsumikap ng husto si Saul sa Donghai City para makilala ang pangalan ng pamilya Sanders gamit ang dalawa niyang mga kamay. Yumuko sa harap niya ang bawat isang prominenteng pamilya sa Donghai City na buong pusong gumagalang sa kanilang pamilya.

Pero nagawang sumobra ng isa sa mga ito at saktan ang mahal niyang apo! Isa itong bagay na hindi mapapalampas ni Saul.

Omakikita sa mukha ni Nancy ang mga marka ng luha habang bagsak na nakaupo sa isang upuan na katabi ni Saul.

Nawasak ang kaniyang puso matapos Makita nag duguang katawan ni Dax kagabi.

Nakarating kinalaunan ang isang dosenang mga tauhan ni Dax sa Dynasty Bar kagabi para sugurin ito. Pero hindi nila inasahan na nasa higit isang daan ang mga tauhan ni Donoghue na sumugod sa kanila.

Kaya natural lang na matalo ng mga ito ang tauhan ni Dax at masugatan nang husto matapos ng isang napakatinding laban, kasalukuyang nakaconfine rin ang mga ito sa ospital kung saan inooperahan si Dax.

Ipinagdasal ni Nancy ang pag ayos ng kalagayan ng kaniyang asawa.

Kinakailangan niyang magrecover.

Sa mga sandaling ito, bumukas ang pinto papasok sa operating room habang naglalakad si Shelly suot ang puti niyang coat.

Si Shelly na mismo ang nagperform ng operasyong ito dahil alam niyang malapit na magkaibigan sina Dax at Darryl.

Inabot ang operasyong ito ng pitong oras mula kagabi hanggang sa mga sandaling ito.

Pagod na pagod si Shelly habang nababalot ng pawis ang kaniyang noo. Magiging mahirap para sa kahit na sinong magsagawa ng isang operasyon nang ganoon katagal.

"Chief Shelly, kamusta na si Dax?"

"Kamusta na ang apo ko?"

Agad na nilapitan nina Nancy at Saul si Shelly. Magkaiba ang sinabi ng dalawang ito pero nagkaroon parin ito ng tononh nahahaluan ng pag aalala.

Huminga ng malalim ang nagdadalawang isip na si Shelly bago sabihing. "Hindi maganda ang kasalukuyan niyang kondisyon, hindi ko masisiguro na makakasurvive siya sa mga tinamo niyang sugat. At kahit na magawa niyang makasurvive, malaki ang posibilidad na mabaldado ang buo niyang katawan."

Sa totoo lang, sa dinami rami ng taon nang doktor ni Shelly, hindi pa siya nakakakita ng isang tao na nagtamo ng ganito katinding pinsala.

Sinaksak si Dax ng thirty six times sa buo niyang katawan. Hindi na tama ang porma ng kaniyang laman at maging ang kaniyang muscles sa braso at binti ay tuluyan nang napunit. Nabalot ng mapulang dugo na nanggaling kay Dax ang operating table kung saan siya inoperahan.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now