KABANATA CCLXXI

1K 19 6
                                    

Agad din itong ginatungan ni Miles na nang iinsulto kay Darryl. “Isa kalang nakikitirang manugang – kaya paano mo nagawang kuwestiyunin ang elixir na binigay ni Declan? Naiinggit ka lang siguro.”


Bumungisngis si Darryl habang nakatingin kay Declan.


“Walang duda na isa ngang Spirit Pertrification Elixir ang pill na ibinigay mo. Pero alam mo ba na ang pill na ito ay dapat na itago sa isang madilim, malamig at isang humid na kuwarto o lalagyan? Hindi ito maaaring masinagan ng araw. Ang Spirit Pertrification Elixir ay mayroon talagang dark yellow na kulay. Agad itong magkukulay light yellow sa sandaling tamaan ito ng araw. Dahil light yellow na ang pill na hawak mo, maaaring nabilad na ito sa araw noong mabili mo ito sa naggagalang mangangalakal sa inyo.” Normal na nagpaliwanag si Darryl na nakapagpatahimik sa buong kuwarto.


“Ano naman kung nabilad na ito sa araww?” natatawang tanong ni Declan.


“Epektibo pa rin kaya ito?”


“Akala siguro ng mapagkunwaring Darryl na ito na pinaniniwalaan natin ang mga kalokohang pinagsasabi niya rito ngayon.”


Iniling ni Darryl ang kaniyang ulo at sinabing. “Hindi naman mawawala ang orihinal na epekto nito, pero magkakaroon lang ng ilang pagbabago sa mixture ng mga sangkap na ginamit sa paggawa nito.”


“Ano naman ang mangyayari kung inumin ito ng isang tao?” singhal ni Declan.


“Hindi ko alam.” Tawa ni Darryl.


Hindi nga ito alam ni Darryl. Iniskip niya lang ang Spirit Pertrification Elixir sa Infinite Elixir Manual, hindi niya ito inaral nang husto. Kaya hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa sandaling kainin ito ng isang tao matapos nitong mabilad sa araw.


“Haha! Hindi mo na ito ngayon maipaliwanag tama?” tawa ni Declan matapos makitang hindi na makapagpaliwanag si Darryl.

“Hindi mo na kayang gumawa pa ng mga kasinungalingan. Iniisip ko pa naman na isa kang expert kanina.”


Ditto na tumawa ang lahat. Napakakulang talaga sa pansin ng mapagkunwaring lalaki na ito.


Napabuntong hjininga nalang si Katherine habang iniinom ang elixir, hindi nito pinaniwalaan ang mga sinabi ni Darryl.


Tumayo naman si Miles at nang asar. “Kilala ka na ng lahat, Darry, kaya parang awa mon a, huwag ka nang magpanggap na isang eksperto. Tingnan mo nga ang sarili mo! Hindi ka na makagawa pa ng mga kasinungalingan. Nag aalala ako sa iyo.”


Hahha!


Ditto na muling sumabog ang buong room sa tawanan.


“Huwag na kayong magpapaniwala sa walang kuwentang manugang na ito.” Sigaw ni Daisy.


“Iniisip niya lang na alam niya ang lahat pero sa totoo lang ay isa talaga siyang mangmang.”


Hindi naman sumasang ayon na tumingin kay Darryl si Katherine. Hindi niya naisip na magagawa nitong magsinungaling nang ganito. Isa talaga siyang disappointment sa klaseng ito.


Agad na hindi pinansin ng lahat si Darryl matapos ng pagtatalong iyon, nagpatuloy sila sap ag inom at pakikipag usap sa isa’t isa.


Umupo naman si Darryl sa isang tabi. Nakaramdam na siya ng inip kaya naisip niya na pumunta na lamang sa washroom. Habnag palabras ng washroom, nakita niya ang nagbubulungang sina Miles at Declan habang nakatayo sa isang tabi.


Dahan dahan siyang lumapit sa mga ito para mapakinggan ang kanilang usapan.


“Hayop talaga nag Daisy na iyon! Nagawa niyang umorder ng Romanee-Conti. Siguradong aabutin ng twenty million dollars ang halaga ng salo salong ito o higit pa.” mahinang sinabi ni Declan habang nagsisindi ng isang sigarilyo.


Agad na napatalon si Miles sa kaniyang puwesto ng marinig ang  halagang ito. “Ganoon kamahal?”


Nasa ten thousand ddollars lang ang kaniyang natatanggap na pocket money buwan buwan. Pero nagawa ng salo salong ito na magkaroon ng presyong nasa twenty million o higit pa.


Humithit si Declan sa hawak niyang sigarilyo. Umikot ang kaniyang mga mata at sinabing. “Sa tingin mo? Buwisit, nagawa ko nang mang hingi ng twenty million ksy Dad bago pa mag enroll sa Hexad. Maaaring hindi pa ito sapat para mabayaran ang kinain natin ngayon!”


Nag alala rito si Declan. Naisip niya na aabot lang sa isang milyong dolyar o higit pa ang gagawin niyang panlilibre ng pagkain sa buo niyang klase sa pinakamagandang restaurant sa buong Donghai City. Sino ng aba ang mag aakala na masyado nang malayo sa kaniyang inaasahan ang standards ng Oriental Pearl? Malapit nang matapos ang kanilang dinner, pero hindi na niya ito magagawang bayaran. Masyado itong nakakahiya.


Nag isip si Miles sa loob ng isang sandal, at pagkatapos ay biglang nagliwanag ang mga mata nitong puno ng pag asa.


“Huwag kang mag alala Declan.” Siguro ni Miles.


“Mayroon akong ideya! Bakit hindi kaya magkunwari tayong lasing sa sandaling dumating na ang oras para bayaran ang bill. Sigurado naman ako na mababayaran ng iba nating mga kaklase ang bill para sa dinner na ito.”


“Huwag ka na siyempre umasa kay Darryl. Talunan ang basurang manugang na iyon.”

Hayop.

“Ano bang ginawa ko para ganituhin ako ng lahat?” isip ni Darryl. Hindi niya maiwasang mapamura sa kaniyang sarili.

“Oo nga, hayop ang Darryl na iyon. “ dagdag ni Miles.


“Nagawa ko lang bigyan si Ms. Katherine ng elixir pero andami na niyang nasabi tungkol dito.”


Ditto na siya bumalik sa dati nilang topic. Iniling niya ang kaniyang ulo at nagtanong ng. “Paano tayo maagkukunwaring lasing? Masyadong Malaki ang halaga ng dinner na ito. Sino ba sa atin ang makakaafford nito?”

Dalawang araw na ang nakalipas mula noong magsimula ang kanilang klase kaya alam na ni Declan ang estadong pampinansyal ng mga pamilyang pinagmulan ng bawat isa niyang kaklase. Kahit na mayayaman ang mga ito, iilan lang sa kanila ang may kakayahang gumastos ng twenty million dollars sa loob ng ganito kaiksing panahon.


Napakamot na lang sa kaniyang ulo si Miles, mukhang nawala na ito sa kaniyang mga iniisip. Bigla siyang napahampas sa kaniyang binti habang sinasabi na. “Oo nga! Paano kung si Circe Newman ang sumagot ng bill sa dinner na ito? Anak siya ng pamilya Newman na nagmula sa Kyoto City. Barya lang para sa kaniya ang twenty milliom dollars. Kaya sa sandaling magkunwari tayong lasing – at walang kahit na sino ang makapagbayad sa dinner – siguradong siya na ang sasagot nito!”

“Pero mukhang hindi naman iyon tama.” Simangot ni Declan.


Si Circe ang Belle ng Hexad. Isa siyang diyosa sa kanilang klase. Masyado nang nakakahiya ang pag asa rito na mabayaran ang kanilang mga ginastos, maliban pa sa epekto nito sa kaniyang pagkalalaki.

Agad na nabasa ni Miles ang isip ni Declan. “Huwag kang mag alala, humingi ka na lang ng tawad sa school bukas.” Alok nito.


“Sabihin mong nalasing ka lang pero ikaw dapat talaga ang magbabayad sa bill natin ngayon. Isa na itong oportunidad para mapalapit sa kaniya. Magaganit din natin ang dahilan na babayaran mo siya para makuha ang kaniyang phone number!”

Kumislap ang mga mata ni Declan matapos marinig ang plano ni Miles. Tinapik nito ang likod ni Miles at nakangiting sinabi na. “Napakagaling mo para makaisip ng ganitong klase ng ideya. Halika na!”


Hahhaha!


Nagawa na niyang solusyunan ang kaniyang problema at makuha ang number ng isang diyosa habang ginagawa ito – two birds in one stone ika nga!


Masayang bumalik ang dalawa sa dining room.


Si Darryl – na nakikinig sa usapan ng dalawa – ay biglang nakaisip ng isang ideya. Hindi sapat ang pera ng lalaking ito pero nagawa niyang ilibre ang buong klase sa Oriental Pearl? Napakahambog. At nagawa pa niyang umasa na babayaran ni Circe Newman ang nagastos nila rito? Mangarap ka! Ditto na bumalik si Darryl sa dining room.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now