KABANATA CCXL

805 12 6
                                    

Agad na sinuot ni Darryl ang kaniyang mga damit, kinuha ang gunting at ginupit ang tali.

Hindi naman nagsalita ng kahit na ano si Monica at mabilis na pumunta sa gilid para magbihis.

Napapaatras namang tumayo si Darryl sa isang tabi na para bang isang batang nakagawa ng isang malaking pagkakamali.

Sa mga sandaling ito, masyadong napuno ng tensyon at panganib ang hangin sa loob ng kuwarto.

Napakagat sa kaniyang labi si Monica matapos isuot ang kaniyang mga damit. "Darryl, kikilos ako na para bang walang kahit na anong nangyari ngayong araw, pero sa sandaling sabihin mo sa kahit na sino... Sinisiguro ko sa iyong papatayin ko ang buo mong pamilya."

Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa sandaling malaman nila na nagkaroon ng isang ilinagbabawal na relasyon ang Cult Mistress at ang kaniyang tauhan?

Gustong gusto na patayin ni Monica si Darryl, pero nagawa pa rin nitong iligtas ang kaniyang buhay.

"Huwag po kayong mag alala, Mistress. Wala po akong  sasabihin na kahit na ano tungkol dito."

Mabilis na tumango si Darryl habang pinapanatili ang seryoso niyang ekspresyon.

Phew.

Nagpapasamat si Darryl na hindi nagbago ang isip ni Monica. Dahil kung hindi, siguradong ililibing na siya sa Elysian Island ngayong gabi.

Hindi na nagsalita ng kahit na ano si Monica habang bumabalik sa kilos na kaniyang ginagawa bilang Cult Mistress, ikinaway nito ang kaniyang kamay kay Darryl at sinabing. "Wala na akong kailangan pa. Lumalalim na ang gabi kaya dapat ka nang bumalik sa kuwarto mo para magpahinga."

"Masusunod po, Mistress." Sagot ni Darryl habang mabilis na pumupunta sa kaniyang kuwarto.

Habang nakahiga si Darryl sa kaniyang kama, hindi niya maiwasang maalala ang nangyari sa kaniya kanina.

Pero dahil sa pagod ay mabilis siyang nakatulog sa kaniyang kinahihigaan.

Naging mahimbing ang tulog ni Darryl noong gabing iyon.

Kinabukasan.

"Hooahh!"

Nagising si Darryl sa sunod sunod na sigaw habang dahan dahang minumulat ang kaniyang mga mata para tumingin sa bintana. Dito niya nagawang marinig ang mga disipulo ng kulto na nagsasanay sa plaza na hindi kalayuan sa kaniyang kuwarto. Malakas na sumisigaw ang mga ito ng kanilang battle cry nang sabay sabay.

"Grabe, hindi ako makatulog sa aga ng ginagawa nilang pagsasanay." Isip ni Darryl.

Sa totoo lang, masyado talagang masisipag ang nga elite na desipulong iyon ng kulto.

Inunat ni Darryl ang kaniyang katawan at bumangon sa kaniyang kama.

Sa mga sandaling ito, biglang binuksan ni Monica ang pinto at pumasok sa kaniyang kuwarto.

Nanatiling kalmado ang napakaganda niyang mukha.

Na para bang walang kahit na anong nangyari sa kaniya kagabi.

Buwisit.

Bakit nandito ngayon ang Cult Mistress at?

Nagsimula nang mag alala ni Darryl nang makita niya si Monica sa kaniyang kuwarto. Natatakot siya na baka nagpunta ito ngayon para tuluyan na siyang patahimikin.

Nakasuot ngayon si Monica ng isang mahaba at kulay purple na dress na nagpakita sa napakagandang hubog ng kabuohan niyang itsura.

Naging kahanga hanga at kaakit akit ang kaniyang itsura.

Tumingin ai Darryl kay Monica nang sandali bago alisin ang kaniyang tingin na para bang ayaw niya itong bastusin.

Dito na niya dahan dahang sinabi na. "Ano po ang nagdala sa Mistress dito sa ganito kaaga?"

Dahan dahan namang naglakad si Monica papunta sa isang upuan at umuoo rito.

"Darryl, hayaan mong paalalahanan kita na ibaon sa limot ang nangyari kahabi. Kung hindi, ang lahat ng kakilala mo ay siguradong mamamatay. Naiintindihan mo ba?"

"Opo, makakasiguro po kayo rito, Mistress. Huwag po kayong mag alala. Hindi ko po ito sasabihin sa kahit na sino." Sabi no Darryl habang magalang na tumatango kay Monica.

Itinango naman ni Monica ang kaniyang ulo bilang tanda ng kaniyang pagtanggap sa naging sagot ni Darryl habang kumakalma ang kaniyang noses.

"Huwag mo ring kalilimutan ang assignment na ibinigay ko sa iyo kahapon. Sa sandaling makabalik ka sa Donghai City, gawin mo ang lahat para makuha ang scripture na iyon para sa akin."

"Masusunod po." Tango ni Darryl sa kaniyang ulo habang nakakaramdam ng pagkabagsak at kawalan ng pag asa sa kaniyang loob.

Madaling isipin kaysa gawin ang pagnanakaw sa isnag scripture.

At nasabi rinn ni Monica na ang taong nagsisilbing principal ng Hexad School ay isa nang eksperto mula sa sekta ng Wudang.

Kapapasok lang ni Darryl sa Level Five Master. Kaya masyado pang malayo ang pagitan ng kanilang lakas  sa isa't isa na nakapagpanipis sa kaniyang tiyansa na makuha ito. Bente taon pa lang ding nabubuhay si Darryl sa mundong iti at hindi pa niya nagagawang magnakaw ng kahit na ano maliban sa isang phone noon.

Tumawa naman si Monica at naglabas ng isang sinaunang libro.

Alam ko naman na mahirap para sa iyo ang bagay na ito, kaya napagdesisyunan kong ibigay sa iyo ang regalong ito. Maaaring makuha mo na ang scripture sa sandaling mabasa mo ang librong ito." Mahinang sinabin ni Monica habang ibinibigay abg libro kay Darryl.

Ano ang bagay na ito?

Isang lihim na martial arts manual?

Nasasabik na tinanggap ni Darryl ang libro. Makikita sa dilaw nitong cover ang dalawang nakabold at simpleng mga salita "Shadow Skills."

Shadow Skills?

Maganda ang naging title ng librong ito. Maaari kaya na isa rin itong walang katulad na secret manual na na kagaya ng Ascension of the Nine Dragons?

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now