KABANATA CCLXXXIV

494 7 1
                                    

Si Xavier King ay isang Level Five Master General mula sa Kunlun Sect.



Ang pinakamalaki niyang problema ay ang pagiging isa niyang manyak. Uhaw siya sa mga kababaihan. Agad niyang napansin sina Lily at Yvonne sa unang araw ng kanilang klase kaya sinubukan niyang malapit sa mga ito.



Hindi siya natuwa sa pagiging malapit ng dalawang ito kay Darryl, kaya agad niyang binato ito ng bola nang walang pag aalinlangan.


“Pasensya na, nadulas sa kamay ko ang bola kanina!” ngiti ni Xavier.



“Okay lang.” walang pakialam na sinagot ni Darryl.




Kinuha ni Xavier ang bola at bumalik na sa court.



Nagpatuloy si Darryl sa kaniyang pakikipag usap kay Circe. “Sige, pag uusapan natin kung saan tayo kakain mamayang uwian.”



Ililibre siya ng belle ng school kaya isang kamangmangan ang pagtanggi rito.



Habang paalis si Circe, tahimik itong nagbunyi sa kanilaang sarili, pero  hindi niya ito ipinakita sa kahit na sino. Pinanatili niya ang nanlalamig niyang itsura.



Ipinulupot ni Lily ang kaaniyaang braso sa braso ni Darryl habang nagtatanong ng. “Bakit siya humihingi ng tawad sa iyo? Bakit ka niya ililibre mamaya?”



Nacurious din ditto si Yvonne. Sabagay, si Circe ang belle ng school. Kaya natural lang na maraming lalaki ang nanliligaw ditto pero bnabigo silang lahat. Pero nagawa nitong lapitan si Darryl nang personal! Sa sandaling ito agad na nagging magkakampi sina Lily at Yvonne.



Tumawa rito si Darrl, pero noong sasagutin na niya si Lily, isang bola ang muling lumipad papunta sa kanila. Pero sa pagkakataong ito, tumama ang bola kay Lily at hindi kay Darryl.




Naiyak si Lily sa sakit na kaniyang naramdaman. Nagliyab naman sag alit si Darryl habang tinitingnan ang direksiyon na pinagmumulan ng bola. Nakita niyang nagmulaa ito kay Xavier, malinaw na sinadya niya ang bagay na ito.



Tumakbo si Xavier palapit sa kanila at hindi pinansin si Darryl habang sinasabing. “Nako po, pasensya ka na! masakit nga talaga ang pagkakatama ng bolang iyon, hayaan mong hawakan ko muna ito para sa iyo.” Ngiti ni Xavier.



Hahawakan n asana nito si Lily nang pigilan siya ni Darryl.



“Humingi ka ng tawad kay Lily.” Nanlalamig na sinabi ni Darryl.



Agad na nagalit ditto si Xavier. “Ano ang sinasabi mo?” simangot nito.



Direkta at bastos namang sumagot si Darryl ng. “Bingi ka ba? Sinabi kong humingi ka ng tawad kay Lily.”



Pinalibutan sila ng kanilang mga kaklase na nag abang sa mga susunod na mangyayari. Wala na ba talaga sa kaniyang sarili si Darryl? Paano niya nagawang magsalita nang ganoon sa isang guro?




Maging si Kent Hough ay umabante mula sa mga nakapaligid na tao at sinabing “Ikaw ang mali, Darryl.”




Deklara nito. “Huwag ka nang magkunwari na isa kang mataas na hindi mapapantayang nilalang. Hindi ito sinasaadya ni Mr. Xavier kaya paano mo siya nagawang sabihan na humingi ng tawad? Sino ka ba sa tingin mo? Isa ka lang namang nakikitirang manugang.”



Ditto na sumabog ang tawanan sa paligid.


Hindi naman siya pinansin ni Darryl na nagsasabing. “Uulitin ko ang mga sinabi ko, humingi ka ng tawad sa kaniya.” Ulit nito.



Matapoos Makita ang sitwasyon, hinila ni Lily ang manggas ni Darryl at bumulong. “Okay lang ako Darryl.”


Alam niyang sinadya ni Xavier ang bagay na iyon. Pero nasa loob pa rin sila ng Hexad School. Maaari ngang tama si Darryl pero hindi pa rin siya mananalo sa isang guro rito.



Nag iinit sa mga sandaling ito si Xavier. Matapos silang panoorin ng lahat, hindi na niya magagawa pang humingi ng tawad sa isang estudyante.



Nagmula ang kaniyang mukha habang nanenermong sinasabi naa. “Hayop ka, naghahanap ka na ba ng ikamamatay mo? Sige!”



Naghahanda na si Xavier na sumuntok.


Tumawa ang ibang mga estudyante sa kaniya matapos Makita ang mabugbog na si Darryl. Deserve niya ang bagay na ito!



Nabagabag naman ditto sina Lily at Yvonne. Kahit na marunong si Darryl na makipaglabaan, hindi pa rin siya mananalo sa isang PE teacher.



Nagging kalmado si Darryl habang tumatawa sa kaniyang sarili. Sigurado siya na sa sandaling siya ang unang sumuntok ditto, hindi maganda ang mangyayaring pagkamatay ni Xavier.



At noong tatami na ang suntok ni Xavier kay Darryl, isang mataas na tili ang narinig mula sa malayo.



“TIGILAN MO IYAN!” hindi ito isang dumadagundong na sigaw pero masyado pa rin itong malakas. Isang sexy na babae ang lumapit sa kanila, malinaw na makikita na punong puno ng galit ang mukha nito.



Ito ayh walang iba kundi si Katherine.



“Mr. Xavier, paano mo nagawang mambully ng isang estudyante?” tanong ni Katherine.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now