KABANATA CCLXXVIII

459 9 2
                                    

Naglagay si Katherine ng isang print out ng QR code sa blackboard.

Dito na nagsimulang i-scan ng mga estudyante ang QR code at nagsimulang magdonate. Ang iba ay nagdonate ng two hundred thousand. Pero mayroon ding mga mapagbigay na nagdonate ng nasa isang milyong dolyar.

Nagging motibasyon ng mga ito ang reward na ibibigay sa sinumang may pinakamataas na donation gaya nng sinabi ni Katherine kanina.

“Magkano ang dinonate mo?”

“Wow! Five hundred thousand.”

“Hindi na rin masama ang dinonate ko. Nagdonate ako ng six hundred thousand.”

Ipinagmalaki nang lahat ang kanilang mga donasyon. Tama nga si Katherine. Nagpakita ng isang listahan ang online platform ng school na nagpapakita ng mga estudyanteng may pinakamalaking donasyon.

Tumitig ang mata ng lahat sa listahang ito.


Nang biglang may isang estudyante mula sa kabilang klase na nagdonate ng isang 1.8 million dollars.


“Tingnan ninyo! Nagdonate si Declan ng two million!” sigaw ng isa sa mga estudyante.


Dito na umingay ang kanilang klase. Ipinakita ng listahan na si Declan Noel mula sa class 16 ang kasalukuyang may pinakamataas na donasyong umaabot sa dalawang milyon.


Napatingin silang lahat kay Declan. Dalawang milyon. Siguradong mayaman ang isang ito.


Tumatango namang sumang ayon dito si Katherine. Hindi talaga siya binigo ng klase niyang ito. Kahit na hindi nagging seryoso ang mga ito sap ag aaral, nagkaroon naman sila ng mabuting puso.


Pinuri ng lahat si Declan na nagmalaki sa kaniyang sarili. Iwinagayway niya ang kaniyang phone sa harapan ni Darryl at nagsabing. “Tingnan mo Darryl, nagdonate ako ng two million. Hindi ba’t ikaw ang nagsabi na hindi koi to magagawang bayaran?”

Dito na niya bahagyang sinuntok ang dibdib ni Darryl. “Isa ka lang nakikitirang manugang.” Dura nito.


“Huwag mo na akong gawing dahilan para makalusot sa pagnanakaw mo ng mga cellphones, hindi ba’t napakapathetic nito?”


Dito na sumali ang iba pa nilang mga kaklase.



“Oo nga! Mukhang kulang ang pera ni Declan?” isa isa nilang sinuntok si Darryl.


Dito na nagsimulang maniwala ni Katherine sa sinasabi ng kaniyang mga estudyante. Tumitig siya kay Darryl at nagtanong ng. “Nagnakaw ka ba talaga ng cellphone na pag mamay-ari ng kaklase mo Darryl?”



Kasalukuyang masama ang kaniyang mood matapos malaman na bumagsak siya ng dalawang levels nang walang rason. Mas lalo pa itong pinalala ni Darryl.



Tumayo si Miles at sinabing. "Miss Katherine, ninakaw po ni Darryl ang cellphone ni Circe!"



Tumango naman ang iba nilang mga kaklase bilang pagsuporta rito.



Dito na napuno ng pagkadismaya si Katherine habang sinasabi na, "Nagawa kitang dipensahan kanina, Darryl." sermon nito.



"Hindi ako naniniwala na magagawa mong magnakaw. Okay lang maging mahirap pero magkaroon ka naman sana ng kahit kaunting dignidad. Naiintindihan mo ba?"



Nagdilim ang mukha ni Darryl habang nakatingin kay Katherine at sinabing. "Akin na po ang phone ko, Miss Katherine. gusto ko pong magdonate." sabi nito.



Haha! Gustong magdonate ng mangmang na ito? Masyado na siyang mahirap kaya wala na siyang nagawa kundi magnakaw ng mga cellphone. magkano naman kaya ang kaya nitong idonate? sinusubukan ba niyang protektahan ang kaniyang self esteem? tawa ng klase sa kaniya.



Hindi natutuwang sinabi ni Katherine na, "Darryl, ibabalik ko ang phone mo sa dalawang kondisyon. Una, huwag na huwag kang maglalaro nito sa klase. Dahil sa susunod na makumpiska ko ito, hindi mo na ito mababawi. At pangalawa, huwag na huwag kang magpapahuli sakin na nagnanakaw ka ng kahit na ano. Dahil kung hindi ay agad akong magfafile ng isang police report. Huwag na huwag mong iisipin na poprotektahan kita dahil isa ka sa mga estudyante ko. pero gaya ng sabi ko, okay lang maging mahirap pero magkaroon ka naman sana ng kaunting dignidad."



"Kung wala kang kahit na anong plano na magbagong buhay, ano pang silbi ng buhay mo? Kung mahirap ka, magtrabaho ka ng maigi. Maaari ngang nakakapagod ang paraang ito pero masasabi mo naman na pinaghirapan mo ang bawat sentimong matatanggap mo mula rito." Dagdag ni Katherine.



Isang dis appointment si Darryl sa kaniyang mga mata.



Hindi nagsasalitang naglog in si Darryl sa online donation platform ng school.




Nang aasar si Daisy kay Darryl  mula sa likuran ng klase. "Magkano naman ang idodonate mo Darryl? Ilang daang dolyar ang maidodonate nito!"



"Nabubuhay sa pagnanakaw ng cellphone si Darryl," gatong ni Daphne.




"Sigurado akong aabot naman sa ilang daang dolyar ang maidodonate nito!"




Dito na muling sumabog sa katatawa ang buong klase.



"Grabe...."




Ang sumunod dito ay ang katahimikan na nagmula sa klaseng ito. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita sa nagdonate!




Ang kasalukuyang may pinakamalaking donasyon ng five million, ay walang iba kundi si Darryl Darby mula sa class 16!

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now