KABANATA CCCII

655 12 6
                                    

May ilang mayayamang babae ang nakasunod kay Samantha papuntang ward.


Ang isa rito ay nakasuot ng fox tur coat, kuwintas, at maraming singsning.



Namangha si Darryl.


‘Haha nagsuot ito ng fox fur coat pagtapos mismo ng Mid-Autumn Festival. Nagmukha siyang mayaman, pero hindi bat mainit at hindi ito kumportable?’


Agad na lumapit si Samantha at nag aalalang nagtanong. “Lilybud, kamusta na ang pakiramdam mo?”



Buong gabi ito naglaro ng mahjong at nitong umaga niya lang nabalitaan ang nangyari.


Halata na kalaro niya sa mahjong ang mga babaeng sumama sa kaniya.



Umiling si Lily at nanghihinang sumagot. “Ma, okay lang po ako huwag na kayong mag alala.”



Maluwag na nakahinga si Samantha bago ito lumingon kay Darryl, kita ang galit sa mga mata nito. “Ikaw basura! Mabait na tao si Lilybud pero nangyari ang lahat ng ito dahil ikaw ang kasama niya! Naroon ka nung nangyari ito pero hinayaan mo lang? is aka bang lalaki? Sabihin mo sakin, nasaktan ba siya nang dahil sayo?!”


Mapait na ngumiti si Darryl at sumagot. “Ma, humihingi po ako ng patawad, kasalanan ko po. Hindi ko iniingatang maigi si Lily.”


Kahit saang banda pa siya tumingin at kapabayaan niya ito.



Mas lalong nagalit si Samantha, sumigaw ito habang nakaturo sa ilong ni Darryl. “Huwag mo aong tatawaging mama! Hindi mo deserve si Lily! Isa kang malas at nagdadala ng malas sa mga taong nasa paligid mo! Gusto kong magdivorce na kayo pagkalabas ni Lily ng ospital.”


Hindi na nakapagpigil pa si Lily, kinabahan ito at biglang nagsalita. “Ma tama na. hindi niya kasalanan…”



Nakatingin it okay Darryl habang nagsasalita parfa ipahiwatig na Kailangan na muna nitong lumabas para maiwasan ang kaniyang nanay.



Nakuha ni Darryl ang kaniyang ibig sabihin at sinabing. “Lalabas nap o muna ako para bumili ng prutas.”



Mabilis itong lumabas ng kuwarto.


Galit na nagtanong si Lily nang nakalabas na si Darryl. “Ma, naglalaro ka nanaman ba ng mahjong? Anong pinangako mo sakin?”



Napansin nito ang mahjong buddies na kasama ng kaniyang nanay.



Pinaka naalala nito ang babaeng nakasuot ng fox fur coat, ang pangalan nito ay Sophie Thompson. Mayaman ang asawa nito at may-ari ng seafood business.



“Nagsalita si Samantha. “My dear, hindi ako naglaro ng mahjong gaya ng pinangako ko. Uminom lang ako ng tsaa at nakapag chikahan sa ladies.”



Sumagot si Shopie. “Samantha, tigilan mo na ang pagsisinungaling sa anak mo! Uminom ng tsaa? Malinaw na naglaro tayo ng mahjong.”


“Ssh!” tiningnan ito ng masama ni Samantha.



Nakangiting Nagpatuloy si Sophie. “Magdamag kaming nag mahjong, may utang siya sa akin na nagkakahalaga ng dalawang milyon kaya ko siya sinundan papunta rito.”



Hindi na nakapagsalita si Samantha, namula ang mukha nito.



Namula rin ang maputlang mukha ni Lily dahil sa galit, Tumitig ito sa kaniyang nanay. “Ma, nauubusan na tayo ng pera, bakit ang laki pa rin ng tinataya mo?”



Yumuko si Samantha at mahinahong nagsalita. “Lilybud, huwag ka nang magalit. Dalawang milyon lang iyon, para namang hindi natin kayang bayaran.”



Tama, hindi nila kaya!



Galit na galit si Lily at naramdaman nito ang namumuong sakit sa kaniyang dibdib. “Ma, nakalimutan mo na bang binigay ko ang lahat ng pera kay lola kapalit ng stocks ng mga Lyndon? Saan tayo kukuha ng dalawang milyon?”



Wala silang twenty thousand lalo na ang dalawang milyon!


Nagulat si Samantha.



Nainis na nagsalita si Sophie. “Ah tama na yan, tigilan niyo na ang pag arte na parang mahirap. Ibigay niyo sakin ang dalawang milyon kung hindi at mag iiba na ang trato ko sa inyo.”


Nagpapanic na si Samantha pero pinilit parin nitong ngumiti. “Sophie, pwede bang mangutang na muna ako sayo? Bigyan mo ako ng ilang araw, pangakong babayaran kita.”


Naniniwala si Samantha na makakaisip ng paraan si Lily kahit na magamit pa nila ang pera para sa stocks dahil matalino ang kaniyang anak.



Umiling si Sophie. “Samantha, madali lang sabihin yan. Paano mo magagawang utangin nag panalo? Ikaw pa ang nag-aya na maglaro kagabi, hindi k aba nahihiya sa inaakto mo? Dapat ay maihanda ang pera ngayong araw.”



Karaniwang hindi inuutang ng ibang tao ang panalo. Sa kanbila ng lahat ay walang saysay ang pakikipaglaro ng mahjong sa taong walang pera.



May nakitang pangungutya sa mukha ni Sophie. “Huwag ka nalang maglaro kung hindi mo kayang magbayad. Walang pera ang anak mo? Pwede mong utusan ang manugang mo na magbayad!”



Nagtawanan ang lahat pagtapos nitong banggitin si Darryl.


Napa face-palm si Sophie at bumulong. “Ilang araw na akong hindi makapag isip ng matino! Halos nakalimutan ko na isa palang walang kuwenta at nakikitirang manugang si Darryl. Paano siya magkakapera kung naka depende lang siya sa inyo?”


Hindi masaya si Lily pero nanatili itong tahimik.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now