KABANATA CCXCII

445 7 1
                                    

Smack!




Sinampal nang malakas ni Darryl ang mukha ng manghuhula.



“Buwisit!”



Umiyak nang malakas ang manghuhula habang nagpapaikot ikot nang dahil sa lakas ng impact. Bumagsak siya sa sahig habang tumutulo ang dugo mula sa kaniyang ilong.



“Ikaw….”




Takot na takot at galit nag alit niyang tinuro si Darryl habang tumatayo mula sa lupa.




“Ano ang ginagawa mo, Darryl?” sigaw ni Kent.



“Bakit mo siya sinaktan? Wala ka bang manners?”





Nagpanic na rin sa mga sandaling ito si Megan. “Bakit mo ito ginawa Darryl? Hindi nga maganda ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig pero isa siyang nirerespetong lalaki. Hindi mo siya nagawang irespeto sa pamamagitan ng pananakit sa kaniya nang ganiyan.”



“Oo nga!”





Sang ayon ng mga tao sa paligid habang nagsisimula sa pagkundena kay Darryl.




“Pare, hindi ka dapat  nananakit ng isang lalaking ibinigay ang kaniyang buhay sa Taosm kahit na mas bata at mas malakas ka kaysa sa kaniya.”





“oo nga…”




Hindi pinansin ni Darryl ang mga ito at naglakad  palapit sa manghuhula gamit ang malademonyo niyang ngiti. Hinawakan niya ang bigote nito habang inaangat ang buo nitong katawan.



Rip!



Puwersahang hinila ni Darryl ang bigote na nagtanggal nito mula sa mukha ng sumisigaw na manghuhula.




“Kita niyo, idinikit niya lang ang bigote niyang ito.”




Itinapon ni Darryl ang bigote sa sahig at tumingin sa kaniyang paligid.



Ninerbiyos na rito nang husto ang manghuhula. “Sumusobra na kayo sir. Hindi ba ako maaaring magsuot ng pekeng bigote?”




“Mayroon bang rules na hindi maaaring magsuot ng pekeng bigote ang mga manghuhula?”




“Hindi niya talaga ito mapalampas, grabe no?”



Pinanatili ni Darryl ang nanlalamig niyang ngiti at tahimik na pinunit ang suot na robe ng manghuhula.



Tear!





Tuluyan nang napunit ang suot nitong robe, ditto na nakita ng lahat ang suot nitong panloob. Natawa ang mga tao nang Makita nila kung ano talaga ang orihinal na suot nito.




Napakaupdated naman sa damit ng manghuhulang ito! Nakasuot siya ng isang nike na jacket at isang track pants ng Adidas.





Haha! Napakaupdated nito sa fashion!




Ito ang unang beses na makakita sila ng ganitong klase ng eksena. Agad na sumabog ang mga taao sa kakatawa. Malinaw nang nakita ng lahat nap eke lang ang manghuhulang ito.




“Ikaw…”





Namula ang mukha ng manghuhula habang tumutulo ang kaniyang pawis kasama ng kaniyang dugo. Masyado itong nakakhiya. Tinuro niya si Darryl pero hindi niya magawang magsalita ng kahit ano.




Nafufustrate namang ipinadyak ni Megan ang kaniyang paa. Nagalit at nakaramdam siya ng hiya sa mga sandaling ito.





“Isa siyang manloloko!” sigaw ni Megan sa kaniyang isipan. Hindi siya makapaniwala na naniwala siya sa mga sinabi nito.





“Paano mo nagawang magsinungaling sa publiko? Hindi ba’t alam mo kung sino ako?” sermon ni Megan habang kinukuha nito ang kaniyang phone. Tatawag n asana siya sa kaniyang mga kasamahan para humingi ng back up.




Ayaw na ayaw ni Megan sa mga sinungaling kaya hindi niya ito mapapatawad sa pagsisinungaling na ginawwa nito sa kniya.




Natakot naman ang lalaki at desperadong nagmamakaawa kay Kent. “Young Master Hough, tulungan niyo po ako! Ayokong pa pong makulong.”




“Ano? Napakamangmang talaga ng hayop na ito! Nagawa na niyang ibulgar sa lahat ang pangalan ko nang ganito kabilis!”




Ditto na nagalit si Kent at pinagsisipa nang malakas ang lalaki. “Hayop ka! Kilala ba kita?”




“Wala nang silbi ang pandadamay na ginawa mo sa akin dahil lang hindi mo nagawa nang maayos ang trabaho mo!”




Dalawang beses na tumawag si Megan pero walang sumagot sa kaniya.



Kasalukuyang nakaduty ang mga kasamahan niya sa station para panatilihin ang kapayapaan sa ginaganap na Mid-Autumn Festival.




“Hahayaan lang kita ngayong araw. Pero hindi na ako maaawa sa iyo sa sandaling magkrus ulit ang ating landas.” Nagngangalit na sinabi ni Megan, nagalit ito nang husto dahil hindi niya magawang kontakin ang kaniyang mga kasamahan.




“Umalis ka na rito.”




Tumango naman ang lalaki at mabilis na umalis, iniwan na nito ang itinayo niyang booth sa kalye.




Agad na ring kumalat at umalis papunta sa iba’t ibang direksyon ang mga nanonood  sa kanilang tao  nang matapos ang komosyong ito.



Awkward namang naglakad si Megan palapit kay Darryl. Napakagat siya sa kaniyang labi at bumulong ng. “Pasensya ka na. Hindi ko alam na peke lang pala ang isang ito.”




Gustong gusto nang maghukay ni Megan sa lupa at ilibing nang buhay ang kaniyang sarili. Paano niya, bilang lider ng Criminal Investigation Team na maniwala sa isang manloloko?



Nakakahiya.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now