KABANATA CCXCIX

694 12 6
                                    

Sa kaparehong oras, napakasaya sa loob ng masiyon ni Darby Seaview.





Isang dosenang lamesa ang nasa hall dahil dumalo sa reunion ang lahat ng anak ng mga Darby!




Basa upuan para sa honored guests ang Abbess Mother of Serendipity at nakapalibot ang isang dosenang naggagandahang Emei Female disciples.






Isa itong kakaibang senaryo sa reunion at hapunan ng pamilya Darby.





Ang nakakatandang Darby ay nakaupo sa main set nang emosyonal itong nagsalita. “Naririto ba ang lahat? Sige. Ngayon ang aking kaunaunahang Mid-Autumn Festival matapos ang isolation ko para magcultivate.”



Tumingin ito sa Abbess Mother Serendipity at ngumiti. “Maliban doon kasama natin ngayon nag Abbess Mother Serendipity mula sa Emei Sect para sa pagtitipon sa hapunan ng pamilya Darby ngayong Mid-Autunm Festival.”




Ang mga anak ang tumango bilang pag sang ayon.




Marahang tumango ang Abbess Mother Serendipity at mapag kumbabang nagsalita. “Nakakatandang Darby, huwag mo nang banggitin pa. kami ay nagagalak sa iyong kabaitan sa pagpayag na manatili sa  iyong tahanaan. Inimbita mo pa kami sa pagsasalo ngayong Mid-Autumn Festival. Ang karangalan ay nasa amin.”





Wala siyang masamang ibig sabihin, pero may napansin ditto ang iba.




Bahagyang may bumalot na awkwardness sa pamilya Darby.





Pati ang nakakatandang Darby ay hindi rin kumportable. Siya ang nagpasok ng buong pamilya sa Eternal Life Palace Sect.





Nabanggit nito na ang kulto Eternal Life Palace Sect ay may mala-demonyong pinag ugatan, hinuhusgahan din ba nito ang pamilya Darby?”






Awkward  na napaubo na lamang ang nakakatandang Darby at bahagyang ngumiti. “Totoo, ubo…. Abbess Mother Serendipity, tama ka.”






Bigla itong kinabahan.





Hindi na niya maipagpatuloy ang topic dahil baka may masabi itong mali at mailantad ang sarili.





Muling nagsalita ang Abbess Mother Serendipity. “Oo nga pala, totoong may mga koneksyon nag pamilya Darby dahil isa kayo sa pinakamayamang pamilya sa Donghai City. Mayroon lamang akong katanungan, may kilala ba kayong Darryl Darby?”






Darryl Darby?





Nag iba ang ekspresyon ng lahat. Kita ang pagkagulat sa mga mukha nila nang marinig ang pangalan.






‘Paano nakilala ng Mother Serendipity ang walang kwentang si Darryl?’





Nakangiting tumayo si Florian. “Abbess Mother Serendipity, malapit po ba kayo kay Darryl?”





Umiling ito at nagsalita. “Hindi naman at hindi pa kami nagkikita. Ang pinakamatandang alagad ng Emei Sect na nagngangalang Megan Castello ay naghatid ng balita ilang araw lang ang nakalipas. Sabi nito na si Darryl Darby na mula sa Donghai City ay mayroong Godly Pills kaya naman natanong ko sa inyo ang patungkol sa kaniya.”





Ano?





‘mayroong Godly Pills si Darryl?’






Hahahahah….





Napuno ng tawanan ang mansion hall dahil sa narinig, humor at walang pagpapahalaga ang nakasulat sa mukha ng pamilya Darby.





Isang miyembro ang nagsalita. “Abbess Mother Serendipity, siguro ay hindi po ninyo alam pero si Darryl ay miyembro ng aming pamilya, siya ay ang pangalawang young master.”





Nagliwanag ang mukha ng Abbess Mother Serendipity. “Ganoon ba?”





Tumawaq ang isang miyembro at naiinis na nagsalita. “Pero nilabag niya ang panuntunan ng aming pamilya kaya naman tinanggal siya. Isa na siya ngayong nakikitirang son-in-law at wala na kaming kinalaman sa mga desisyon niya sa buhay. Paano magkakaroon ng Godly Pill ang basurang kagaya niya?”




“Tama. Isa siyang talunan kaya paano siya magkakaroon ng ganoong gamut?”






“Abbess Mother Serendipity, nagkamali kayo sa pagkakakilala sa kaniya.”





“Tama…”




Habang nakikinig sa usapan ng pamilya Darby ay napataas ang manipis nitong kilay at nagkaroon ng pagkalito sa maamo nitong mukha.





May mali.






Isang walang kwentang tao si Darryl base sa usapan ng pamilya Darby.






Pero sabi ni Megan ay nakakamanghang indibidwal si Darryl, para bang alam nito lahat.






Paano nangyari ito?






Nagdagdag si Florian. “Abbess Mother Serendipity, si Darryl ang black sheep ng pamilya Darby isa siyang halimaw! Nadungisan ang asawa ng kapatid ko noong kasal nila! Napakasama noon.”






Sinisubukan nitong pamanghain ang Abbess Mother Serendipity pero nawalan ito ng control sa kaniyang bibig.





Umubo at tumitig kay Florian ang nakakatandang Darby, nagpahiwatig ito na tumigil na at hindi dapat na ilantad sa publiko ang madumi nilang linya! Paano niya nagawang sabihin na ang miyembro ng kanilang pamilya ay nadungisan ang asawa ng kapatid niya?





Paano pa mapapanatili ng pamilya Darby ang kanilang reputasyon matapos nito?







“Ano?”

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now