KABANATA CXCVIII

5.1K 19 2
                                    

Hindi natapos ni Darryl ang kanyang tanong nang pinatahimik ito ni Zack sa pamamagitan ng paglalagay ng daliri sa labi ni Darryl. Hinila siya ni Zack kung saan tahimik at walang tao, "Hindi ordinaryong bisita ang mga iyon. Alam mo ba ang Eternal Life Palace Sect?"

Eternal Life Palace?

May dalawang malalaking kulto, Grandmaster Heaven, at Eternal Life Palace.

Magkasing-lakas ang dalawang kulto. Mayroon silang libu-libong daang tagasunod. Ang mga miyembro daw ng Eternal Life Palace at high level cultivators at napaka-misteryoso at walang awa ang mga ito. Kahit ang Sec Orthodox Sects at cultivators, sila ay pwersang dapat labanan.

Miyembro pala ng Eternal Life Palace ang mag lolo.

Huminga ng malalim si Zack at nagpatuloy, "Hindi ordinaryong miyembro ang maglolo na iyon. Kung hindi ako nagkakamali, napakataas na ng rank nila dahil ang kanilang token ay purong ginto. Ang token ng ordinaryong miyembro ay silver."

Tumango si Darryl habang nakikinig. Nataposnna ang auction, kumuha ng vase si Zack at inabot kay Darryl sabay sabing, "Darryl, tanggapin mo ang vase na iti bilang pasasalamat. May mga dapat pa akong asikasuhin kaya kailangan ko ng umalis."

Tinanggap ni Darryl ang regalo. Ginamit ang vase sa palazyo noong Ming Dynasty ito ay nagkakahalagang 2 million o higit pa.

Maingat na inilagay ni Darryl ang vase sa loob ng kaniyang sasakyan.

Kakakuha lang niya ng sasakyan sa Automobile Sales Service Shop matapos itong wasakin ni Shelly. Medyo mabigat ang steering wheel kahit na kakaayos pa lamang nito. Mukhang nangangailangan ng servicing ng sasakyan.

Nang nakaalis na siya sa parking area, nadaanan niya sina Yvonne at Tristan at siyempre kasama ng mga ito si Kingston Young.

Nagulat si Tristan nang makita ang sasakyan ni Darryl. Kanitok nito ang bintana, "Dinada mo pa ang sasakyan ng asawa mo."

"Pasensya na pero saakin ang sasakyan na ito. Hindi ko naman gustong magmayabang kaya itong low profile na Audi R8 lang ang dinala ko."

'Ano? Audi R8? Low profile?' Sa isip-isip ni Tristan.

Malakas at maliwanag ang pagkakasabi ni Darryl kaya mas dumami ang napapatingin sa kotse nito.

Napabuntong hininga si Kingston, hindi na maisasalba si Darryl. Alam ng buong siyudad na pabigat na manugang si Darryl pero nagagawa parin nitong magyabang. Nakakainis talaga siya, paano siya magiging mabuting ama?

"Tsk tsk, napakayabang mo naman. Kung may napakarami kang pera, bakit hindi ka manlang bumili ng kahit ano sa auction?" Sabi ni Tristan.

Nilapitan ni Pearl si Darryl at nagsalita nang may respeto, "President, ito ang Worship of Crsytal na binili namin." Inabot niya ang sapatos kay Darryl. Nag picture na siya nang suot ang mga ito.

Tumango si Darryl at sumagot, "Okay, bumalik ka na sa office at may pupuntahan pa ako."

"Yes, President," Sabi ni Pearl at tuluyan ng umalis.

Ano? Hindi ba't si Ms. Hahn ang nagbid ng pinakamataas sa Worship of Crystal? Tinawag niya bang President si Darryl?

Naguguluhan si Tristan sa nalaman. Mukhang nakakita siya ng multo. Paano naging President ng Platinum Corporation ang pabigat na manugang?

Namula ang mukha ni Tristan sa kahihiyan na may kasamang galit.

"Ikaw! Ikaw ang President ng Platinum Corporation?" Mahinang tanong ni Yvonne ng may kasamang ningning ang mga mata.

Paano naging posible ito? Hindi ito nabanggit ni Darryl noon! Lahat ay nag-akala na isa lamang siyang walang kwentang nilalang pero siya pala ay isang presidente ng korporasyon?

Mahinahong tumawa si Darryl, "Walang nakakagulat doon, ang pamilya Darby ang dating may-ari nh company pero ang kaibahan ngayon ay nakick-out ako sa clan."

Inabot nito ang magkaparehas na Worship of Crystal, "For you."

"For me?" Malakas ang tibok ng dibdib at namula ang mga pisngi nito.

Nawalan ng kulay ang mukha ni Kingston. Bibigyan ang anak nito ng sapatos na nagkakahalagang one hundred million?



Itutuloy.....

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now