KABANATA CCXC

468 4 1
                                    

Dito na nakaisip ang manghuhula ng isang solusyon. "Simple lang ang pagsira sa kamalasan mong ito." Paliwanag ng manghuhula.




"Pumili ka lang ng magandang araw para magpakasal."



Magpakasal?



Natigilan dito si Meagn, at pagkatapos ay agad niyang narealizeang isang bagay na nakapagblush sa kaniya.




Nagpatuloy naman ang manghuhula sa pagsasalita. "Narealize ko rin na ang lalaking nasa tabi mo ay mayroong element ng tubig. Bagay na bagay kayo sa isa't isa! Magkasintahan kayong dalawa tama?"




Nagblush ang mukha ni Megan, habang tumatango.



Tumawa naman dito ang manghuhula habang hinahampas ang kaniyang hita. Nagkunwari siyang nagkakalkula gamit ang kaniyang mga daliri habang sinasabing. "Magaling! Sa loob ng aniom na buwan, mayroong dalawang magagandang araw para sa iyong pagpapakasal. Kinocongratulate ko na kayo ngayon pa lang!"



Dito na nakahinga nang maluwag ang manghuhula. Nagawa na rin niya ang kaniyang misyon.



Dito na ngumiti si Kent. Ginamit niya ang pagkakataong ito para kunin ang isang box mula sa kaniyang bulsa at lumuhod sa harapan ni Megan. "Megan, pakasalan mo na ako."



Binuksan niya ang box na nagpakita sa isang diamond ring na kuminang sa ilalim ng mga Chinese Lanterns.



Napapigil hinnga ang lahat sa sobrang pagkamangha. Napakaromantic ng kahit na sinong magpopropose sa isang masayang araw na gaya ng Mid-Autumn Festival!




Napakagat naman si Megan sa kaniyang labi. Naantig at nakaramdam siya ng hiya sa kaniyang sarili. Mayroon na silang marriage contract noon ni Kent. At sigurado na ang kasalan nilang dalawa sa tamang panahon, pero hindi niya inaasahan na mangyayari ito nang ganito kabilis. Hindi pa siya ready para rito.



Pero ayon sa manghuhula, kinakailangan niyang ikasal para masira ang kamalasan na nangyayari sa kaniyang buhay.




Naniguro naman si Kent habang nakaluhodsa harapan ni Megan. "Huwag kang mag alala, Meg. Magiging maganda ang trato ko sa iyo bilang aking asawa habang buhay."



Ninenerbiyos sa mga sandaling ito si Kent. Ang manghuhulang ito ay isang staff sa kaniyang kumpanya. Nagpagawa siya sa lugar na ito ng isang stall para lang sa sandaling ito. Naniniwala si Kent na sasang ayon si Megan sa kaniyang marriage proposal ngayong pinapanood na sila ng maraming tao.




Sasagot na sana si Megan matapos makita kung gaano kaseryoso si Kent sa kaniyang mga sinasabi, pero bigla niyang nakita ang isang taong naglalakad palapit sa kanila. Ito ay walang iba kundi si Darryl.




"Tumayo ka muna riyan, Kent." Sagot ni Megan bago tumakbo papunta kay Darryl. Hindi pa siya nito binibigyan ng Godly Pill na nirequest niya noong huli silang magkita.




Kasabay nito ang pagsinghal ni Kent. "Grabe,hindi ba ito ang walang kuwentang manugang? Halika rito, madalang ka lang makikita ng isang kilalang manghuhula. Napakagaling ng prediksyon na ginagawa nito kaya hayaan mong basahin niya ang iyong kapalaran!"




Inemphasize ni Kent ang salitang "Nakikitirang Manugang" habang palihim na kumikindat sa sa manghuhula. Nasabihan na niya ito tungkol sa isang nakikitirang manugang na malapit kay Megan. At mukhang naririto na nga ito kaya kinakailangan niyang ibigay ang lahat ng kaniyang makakaya para mapaniwala ang lahat sa kaniyang mga sinasabi.




Nakikitirang manugang? Bulong ng mga tao sa kanilang paligid.




Ngumiti si Megan habang naglalakad papunta kay Darryl. "Mabait kong kapatid." Tawag nito.




"Nandito ka rin pala! Tungkol pala sa Godly pill na ipinangako mo sa akin, dala mo na ba ito ngayon?"



Gusto sana siyang tawagan ni Megan bilang 'nakababata kong kapatid' pero agad na nagbago ang kaniyang tono nang maisip niya ang dala nitong Godly Pill.



"Megan, bakit mo siya tinawag nang ganoon?" nababagabag na tanong ni Kent.



Grabe, paano nagawa ng kaniyang fiancé na tawagin nang ganoon ang isang lalaki?



Hindi siya pinansin ni Megan na kasalukuyang nakafocus ngayon kay Darryl.




Agad na naluha sa katatawa si Darryl. Isang pulis si Megan pero paano niya magawang maniwala sa isang manghuhula?




Ngumiti siya kay Megan habang sinusubukang pigilan ang kaniyang pagtawa at sabihing. "Hindi ko alam na naniniwala ka pala sa ganitong klase ng bagay."




Ang panghuhula ay isang kaduda dudang industriya. Ang ilan sa mga manghuhula ay may kakayahang bumasa ng napakaaccurate na mga prediksyon habang ang karamihan naman -gaya ng mga manghuhula sa mga stalls na kagaya nito -ay ang mga manloloko.




"Darryl, napakaaccurate ng ginawang pagbabasa sa akin ng master na ito." Bulong ni Megan.




"Bakit hindi mo siya pagbigyan na basahan ka ng prediksyon?"




Kung magagawa nitong malaman ang kaniyang apellyido at trabaho, Siguradong isa nga itong master!

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now