KABANATA CCC

229 3 0
                                    

Lubhang nag iba ang ekspresyon ng mukha ng Abbes Mother of Serendipity nang marinig ang sinabi ni Florian. Ang madungisan ang asawa ng kapatid ay isang malaking pagkakasala sa lipunan!




Napakunot sa dismaya ang mga nakapalibot na alagad ng Emei.




Slam!




Lumamig ang mukha ni Abbess Mother Serendipity at hinampas nito ang mesa. Galit itong nagsalita. “Hindi ko inakalang napaka walang hiya ng Darryl Darby na iyon. Pagbabayarin ko ang bayolenteng tao na iyon balang araw kapag nakita ko siya, para sa kapakanan ng pamilya Darby.”




Mukha itong malumanay at mapagkumbaba, pero hindi nito matatanggap ang pagkakasalang iyon!



….


Kinabukasan.




Masayang bakasyon pa rin ang mood sa Donghai City kahit tapos na ang Mid-Autumn Festival.




Maaraw, buhay at matao ang mga daanan malapit sa Hexad School.




Ang mga estudyante ay naglalakad na patungong academic buildings dahil malapit nang magsimula ang mga klase.





Nakakunot na lumabas ng teacher’s office si Katherin Keith.




Paggising niya ng umaga napansin nitong bumaba ng dalawang levels ang kaniyang rank.




Mula sa pagiging Level One Martial Marquis at bumaba ito sa Level Four Master.




Ang ilan sa kaniyang estudyante ay mas malakas na kung ikukumpara sa kaniya.





Paano nangyari ito?




Naisip nito ang sinabi ni Darryl dahil sa inis.




Nabanggit nito na bawat araw ay bababa ng dalawang levels si Katherine hanggang sa maging isa na siyang ordinaryong tao.




Sa katunayan ay nagsisimula na itong maniwala sa mga sinasabi ni Darryl na mayroong mali sa gamot!




Dapat ay nakinig nalang siya at tumanggi na inumin ang gamot, pero walang mangyayari kung iiyakan mo ang natapong gatas.





Subalit…




Nabanggit din ni Darryl na mayroong mga paraan para maayos ang pagbaba ng levels nito.





Nagkaroon siya ng pag asa habang iniisip iyon. Naglakad na ito ng mabilis patungong academic building habang may suot na heels.




Nagulantang ito nang matunton ang classroom, dismayado ang ekspresyon sa mukha nito.




Puno ang classroom, naroon si Dax pero wala si Darryl.




“Magandang umaga, miss!”




Bumati ang mga estudayante habang diretsong nakaupo. Nakuha nito ang kanilang takot matapos lamang ang ilang araw na interaksyon.




Tumango si Katherine at nagtanong. “Dax, bakit absent si Darryl?”




Nagkibit balikat ito at umiling. “Hindi ko po alam.”




Hindi niya kinontak si Darryl dahil ilang araw itong nasa ospital.



Biglang Tumayo si Miles at nagtatawang nagsalita. “Miss, baka grounded siya sa bahay!”



Lagi nalang itong nakikielam kapag nag uusap ang ibang tao tungkol kay Darryl.




Tumayo rin si Declan at nagtanong. “Miles, paano mo nalaman?”




Naaliw ang lahat sa interaksyon nbg dalawa.




Natawa si Miles. “Kailangan mo talagang itanong? Nagbigay siya ng donasyon gamit ang pera ng asawa niya para mapaganda ang kaniyang imahe, ano pa bang gagawin niya?”




Nag squat ito at umakto. “Baka naglalaba siya.”



Hahahahaha!



Nagtawanan ang lahat.




Hindi na maitago ni Dax ang galit. Mabilis itong Tumayo at Tumitig kay Miles. “Hoy, *sshole, gusto mo makipag away? Sabihin mo lang.”




Hindi nito matiis na marinig ang mga panlalait sa kaibigan kapag absent ito.




Isa pa, liwaliw si Miles at Kailangan niyang matuto ng leksyon.





Bahagyang nakitaan ng panic ang mukha ni Miles pero Nagpatuloy ito. “Wala akong sinasabing mali, inaaliw ko lang ang klase sa pang aasar kay Darryl, may problema ba doon?”




Natalo ni Dax si Kent na taga kabilang klase noong unang araw ng school.




Hindi biro ang tiyansa nitong maging bayolente, hindi ito maaaring ma-offend ni Miles.




Umupo si Miles at hindi na nagsalita pa, kitang kita ang takot sa mukha nito.





Iyon ba nag nangyari? Talaga bang gumagawa ng gawaing bahay si Darryl bilang parusa sa pagbigay nito ng donasyon na nagkakahalagang twenty million gamit ang pera ng asawa niyo?

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now