KABANATA CCLIV

821 16 2
                                    

"Dax Sanders?" nagulat si Lily nang makitang normal ang paglakad ni Dax.

‘Hindi ba’t nasaksak siya ng kutsilyo ng higit sa thirty times? Bakit parang walang nangyari?’ napakagat ng labia ng nag iisip na si Lily.

“Dax I’m so sorry dahil sa gabing yun-“ bulong nito.

Bago pa siya matapos ay tumawa si Dax na para bang binalewala ang mga nangyari.

“Wala lang yun. Parang kapatid ko na si Darryl kaya siyempre ililigtas kita kapag nakita kong nasa kapahamakan ka. Haha!”

Hindi masyadong nagging awkward ang eksena dahil sa mga tawa ni Dax.

Ngumiti si Lily at tumingin kay Darryl, pero hindi pa rin ito kumikibo sa kaniya kaya naman nagsimula na siyang magpanic.

“Darryl, please, please huwag ka nang magalit sa akin. I’m really sorry, sobra.” Pagmamakaawa ni Lily, nagkagat labi rin ito sa kaba.

Huminga ng malalim si Darryl habang wala pa ring emosyon ang mukha nito. Hindi siya nagkukunwaring galit, totoong galit pa rin siya rito. Buong buhay niya ay lagi siyang mapagkakatiwalaan bilang best friend. Dati marami siyang kaibigan noong nasa pamilya Darby pa siya, pero ang mga 'kaibigan' na ito ay tumakbo at nagtago sa kaniya noong naalis siya.

Mula noon ay hindi na siya naniwala sa pagkakaibigan hanggang sa makilala niya si Dax, ang best brother na mahihiling niya. Pero nasaksak at lubos na nasugatan ito nang dahil kay Lily at halos mabawian ito ng buhay! Paano niya mapapatawad si Lily?

Biglang may mapanlait na boses ang nagsalita mula sa likuran.

"Tingnan mo nga naman, di ba't ito ang walang kuwentang manugang? Bakit hindi ka nalang maglinis ng bahay, at bakit ka nag sign up sa school na ito?"

Napakunot si Darryl at tumingin, si Kent ang nagsalita at kasama nito si Megan na nasa likuran. Nakabihis ito ng mahaba at hapit na dress at nag heels rin ito kaya naman kita ang sexy nitong hubog.

Nginitian ni Darryl si Kent. "Ano ngayon? Sinong nagsabi na hindi puwedeng mag sign up ang isang walang kuwentang manugang?"

Pumunta sa likuran ni Kent ang ibang rich kids.

"Wala namang nagsabi, pero yung fact na nandito ka ay makakapagpababa sa reputasyon ng school. C'mon up, everyone, ang taong ito ay isang walang kuwentang manugang hahahah! Sigurado akong narinig niyo na ang tungkol sa kaniya!" Malakas ang boses ni Kent nang sinabi niya ito.

Pinakamalaking joke sa buong Donghai City ang kasal nina Darryl at Lily.

Hindi na nakapagtiis pa si Megan, hinila nito si Kent. "Puwede bang tumahimik ka?"

Nandito si Megan para hindi mag aral. Bilang leader ng criminal investigation team, wala siyang oras para mag aral. Nandito lang siya para papasukin si Kent.

"Pero nagsasabi lang ako ng totoo! Sinong hindi nakakaalam na isa siyang walang kuwentang manugang?” pagtanggi ni Kent.

Napangiwi lang si Darryl pero hindi na ito sumagot. Pero ang katabi niong si Dax ay hindi na nakapagpigil pa.

“Fuck off Kent! Anong problema mo?” sigaw nito.

‘Damn it; gusto niya ng suntok!’ sa isip ni Dax habang nagpipigil na bugbugin si Kent.

Nakapagpigil si Darryl ng galit, pero hindi si Dax. Dinuro nito si Kent. “Tumahimik ka! Nakakainis ang boses mo!”

Nagulat si Kent nang lampihan ni Dax si Darryl. Napahiya pa ito dahil nasigawan sa harap ng maraming tao.

“Dax, bro. nilalait ko lang si Darryl. Sa tingin ko ay wala ka nang pake doon.” Sagot ni Kent.

Sa katunayan ay isa sa pinaka makapangyarihang pamilya sa Donghai City, at ayaw ni Kent na maoffend ito.

“Tumigil ka!” mas lalong nainis si Dax sa pasagot ni Kent.

Walang warning na sinuntok nito si Kent sa mukha.

“Ah!” napasigaw si Kent dahil instant na namaga ang kaliwang mata nito.

Wala nang oras para makareact pa, nang biglang sinipa ni Dax ang binti nito kaya naman agad itong napaluhod.

Ang lahat ay nagulat, walang nagtangkang pigilan si Dax. Lahat ng taga Donghai City ay alam na mainitin ang ulo nito, maituturing na masuwerte kung masusuntok ka nito kaysa sa masaksak nito.

Napagaan ang loob ng nanonood na si Darryl, pero hinila parin nito palayo si Dax. “Dax, Dx, okay lang. huwag mo nang aksayahin ang oras mo sa isang clown na gaya niyan.”

Kahit na kay Darryl nanggaling ang mga salitang iyon ay nagbigay pa rin ito ng isang malakas na sipa kay Kent. Ang sipa ay tumama sa ulo ni Kent kaya napahiga ito sa sahig na para bang isang aso na kumakain ng putik.

“Ah, I’m so sorry.” Sabi ni Darryl na nagkunwaring aksidente lang iyon, sabay pasikretong ngumiti.

“Hayop ka Darryl!” Sigaw ni Kent.

Sobrang nainis ito at napahiya, pero hindi na siya nakaisip pa ng sasabihin.

“Darryl, Dax, tama nay an!” nagpapadyak sa gitna nila ang naka heels na si Megan. “Nasa entrance tayo ng school, bakit kayo nag aaway!?”

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now