KABANATA CCL

591 8 3
                                    

Siyempre hindi niya iiwan si Darryl. Magiging masaya kung magkasama silang babalik sa school!

"Haha! Kung mag aaral ka, siyempre ako rin!" Sagot ni Darryl ng walang pagdadalawabg isip. Nagsend rin ito ng message kay Pearl para tulungan siyang mag sign up sa school na iyon.

Masayang tinaas ni Dax ang wine glass. "Magandang balita! Ito ang gusto kong marinig!"

Hindi mapigilan ni Nancy na magdagdag. "Aww tingnan niyo para kayong kambal!"

Sa totoo lang ay hindi siya masyadong sigurado sa desisyon ng asawa na mag aral ulit. Nabalitaan nito na maraming nag sign up na mula sa malalaking pamilya, pati na rin ang mga taga labas ng siyudad ay nag sign up sa Donghai City's School na iyon.

Ibig sabihin nito ay magsesend rin ng tauhan doon ang pamilya Dixon, hindi masyadong ideal para kay Dax na umattend doon dahil may sama ng loob ang Dixon laban sa pamilya Sanders.

Aattend rin ang mga pinsan niya pero mga babae lamang ang mga ito. Mas panatag si Nancy nang marinig na sasama si Darryl.

Biglang nagsalita ng mapanlait si Daisy. "Oh Darryl, hindi naman sa dinidis appoint kita pero hindi para sa lahat ang school na ito. Curious ako, nagcucultivate ka manlang ba?"

Tumangong sumang ayon si Daphne at malamig na nagsalita. "Same here. Baka hindi ka nila papasukin roon sa itsura mo at sa cheap na pananamit mo."

Ngumiti si Darryl at hindi sumagot. Sanay na itong mapagsalitaan ng mapanlait sa lumipas na tatlong taon. Isa pa, mga pinsan ito ni Dax at hindi naman siya mabobother kahit hilahin siya nito pababa.

Dinaan na lang niya sa tawa habang iniiba niya ang topic sa pamamagitan ng paglabas ng Godly Pill at binigay ito kay Dax. "Kapatid, para sa iyo to, mamamangha ka sa mga epekto niyan."

Level Five Master si Dax. Kung maaalala nito ng tama, gustong bumili ni Dax ng Godly Pill noong nasa auction sila, epro pinigilan niya ang pag bid.

Ito....

Tinanggap ji Dax ang Pill ng may nagtatakang ekspresyon sa mukha. Ang first instinct nito ay binigyan nanaman siya ni Darryl ng Pill na gawa sa dumi.

Bago pa man magsalita si Dax, tumawa ang kaniyang mga pinsan. "Dax, huwag kang kakain ng kung ano ano."


"Oo nga, mukhang madumi ang Pill na yan, itapon mo na." Sabi ni Daphne habang nakakunot at masama ang tingin nito kay Darryl. Ang mahirap na tulad niya ay pinapakain ng maduming pill ang kanilang pinsan? Sinong niloloko niya?

Biglang nagsalita ang kanilang lolo habang excited at nanginginig ang boses nuto. "Apo, patingin ng pill na iyan!"


Inabot ni Dax ang pill.

Szzz....

Malamig na huminga ang lolo nila nang makita ng malapitan ang pill habang nanginginig ang matanda at kulubot nitong kamay.


"Ito... Ito ang Godly Pill hindi ba? Ito ba ang Godly Pill?"

Nagcucultivate na iti ng higit sa sampung taon at na stuck sa Level Five Master General higit isang taon na dahil hindi na ito nakaangat pa.

Narinig nitong makatutulong ang Godly Pill sa mga cultivators para umangat at naghahanap sila nito ilang taon na, pero wala parin silang nahahanap. Ngayon ay nakita na mismo ng kaniyang mga mata ang pill at halos mapaiyak rin siya sa galak.

Huh?

Godly Pill?

Napuno ng katahimikan ang dining hall.

Ang pill na ito ay ang Godly Pill? Yung nakadisplay sa auction?

Parehong hindi makapagsalita si Dax at Nancy dahil sa gulat. Nakita ng mga ito na nabili ang pill sa halagang fifty million, napaka rare ng pill at napaka mahal. Hindi nila akalaing mayroon nito si Darryl!

Napakunot ang dalawang magkapatid. Bakit mayroong Godly Pill ang hampas lupang si Darryl?

Napatawa si Daisy. "Napaka rare ng pill na ito. Saan ko ito ninakaw?"

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now