KABANATA CCXLV

680 12 7
                                    

Nagdilim ang mukha ni Darryl habang hinihila ang kamay ni Lily para dalhin ito paalis ng bar.

Pero nakangiti namang tumayo si Donoghue habang tinititigan si Darryl mula ulo hanggang paa.

"At sino ka naman? Sino ang nagpapasok sa iyo rito? Lumabas ka na!"

Lumabas ka?

Nanlalamig na tumawa si Darryl habang naglalabas ng isang nakakatakot na aura habang nakatitig kay Donoghue.

"Mukhang ikaw yata si Donoghue, tama?"

Nakangiti namang sumagot si Donoghue ng. "Ako nga iyon! Ikaw ba ang kaibigan ni Dax na nagpunta rito kagabi? Nabugbog na namin sila kagabi. Gusto mo rin bang sapitin ang sinapit niya sa amin? Kung ayaw mo, mas maigi para sa iyong umalis sa lugar na iti ngayundin."

Isang naglalagablab na galit ang biglang umusbong mula sa dibdib ni Darryl.

Dito na namula nang husto ang mga mata ni Darryl habang nakangiting sinasabi na, "Sinasabi ko sa iyo, hindi ako aalis dito hangga't hindi kita nabubugbog ngayong gabi."

Nagmula ang huling sinabi ni Darryl sa nagngingitngit niyang mga ngipin.

Duto na ipinadyak ni Lily ang kaniyang mga paa. "Ano ang pinagsasasabi mo riyan Darryl! Tigilan mo na ang mga kalokohan mo. Nagawa mo lang makulong sa pagnanakaw ng dalawang cellphone pero nagawa mo nang isipin na isa ka nang gangster ngayon?"

Ano ang iniisip ni Darryl? Bakit ba siya nagpapanggap na astig sa mga ganitong klase ng sandali?

Alam ni Lily na pinainom siya nuto ng gamot kaya ang pinakamagandang paraan ay ang pagmamakaawa kay Donoghue na paalisin na siya sa lugar na ito. Kahit na alam niyang hinding hindi siya pagbibigyan ni Donoghue, mas maigi pa rin ito kaysa sa paghahamon sa kaniya.

Masyado nang malakas si Dax pero nagawa pa rin itong mabugbog kagabi. Kaya impossibleng malabanan ni Darryl ang mga ito.

"Sinabi mo bang gusto m ok akong bugbugin, bata?" Tanong ni Donoghue na para bang nakarinig siya ng isang biro. Tumawa siya at pinalakpak ang kaniyang mga kamay.

Nang biglang pumasok ang nasa sampung mga lalaki sa kuwarto habang hawak ang kanikanilang mga kutsilyo, nagawa ng mga itong palibutan si Darryl gamit abg mga bayolente nilang tingin.

"Ah! Huwag mo munang saktan ang batang ito. Huwag mong sasaktan ang babae ko."

Nakangiting putol ni Galvin sa sinabi ni Donoghue at agad na hinila si Lily sa braso. "Huwag ka nangmatakot, binibini ko. Tingnan mo nga ang sarili mo. Hindi ka na makatayo nang diretso. Halika riti, yayakapin na lang kita."

Hihilahin na sana ni Galvin si Lily papunta sa kaniyang mga braso matapos sabihin ang bagay na iyon.

"Lumayo ka sa akin." Sigaw ni Lily habang nagpupumiglas kay Galvin pero wala na siyang natitira pang lakas.

Hayop!

Sa loob ng isang iglap, biglang nagbato si Darryl ng isang napakalakas na suntok kay Galvin.

Bam!

Tumama ang suntok na ito sa mukha ni Galvin bago pa man siya makapagreact at tumalsik sa ere bago siya tumama nang malakas sa pader ng VIP room.

"Ang lakas ng loob mong saktan ako!" Pinilit na tumayo ni Galvin habang namamaga ang kalahati nv kaniyang mukha at suminghal na para bang naghahabol sa kaniyang hininga.

Hindi naman nagsalita si Darryl at mabilis na hinila si Lily papunta sa kaniyang likuran.

Dito na biglang nagliwanag ang isang kulay pulang ilaw na bumalot sa buong bar kasabay ng paglabas ng Blood Drinking Sword na unti unting nagpakita sa kamay ni Darryl.

"Hindi lang ikaw ang bubugbugin ko ngayon. Hindi ako aalis dito hangga't hindi nakahandusay sa sahig ang bawat osa sa inyo rito." Sabi ng nanlalamig na si Darryl habang nakatutok ang kaniyang espada kay Donoghue.

"Napakaweird ng batang ito, patayin ninyo siya!" Tawag ni Donoghue sa kaniyang mga tauhan.

Dito na sumugod ang higit sa sampung mga tauhan ni Donoghue kay Darryl matapos nitong utusan.

Sa mga sandali ring ito sinipa pabukas ng dalawang daang matitipunong mga lalaki ang pintuan papasok sa loob ng bar habang may hawak na mga patalim, pinamunuan ni Caelan ang mga ito papunta sa VIP room kung nasaan ngayon sina Darryl.

"Hall Master!"

"Ang sinumang kumanti sa Hall Master ay agad na mamamatay!"

Sumugod ang dalawang daan na mga lalaki na parang wala sa kanilang mga sarili.

"Huwag kayong magtitira ng kahit isang buhay, patayin niyo silang lahat!" Nanlalamig na inutos ni Darryl.

Samack!

Dito na ibinato ni Caelan ang hawak niyang kutsilyo at nakapatay ng dalawang mga tauhan ni Donoghue nang magkasabay.

Sa loob nh limang minuto, makikita nang nakahandusay ang lahat ng tauhan ni Donoghue sa sahig. Nakahiga na rin sa sahig si Galvin na walang kasiguraduhan kung buhay pa ba ito o hindi.

Namilipit naman si Donoghue sa sofa habang balot na balot ng sariwang dugo ang kulay puti niyang suit, malinaw na makikita sa kaniyang mukha ang napakatinding taklt matapos makita ang mga nangyari.

"Bro, isa lang itong hindi pagkakaintindihan. Siguradong isa lang itong hindi pagkakaintindihan. Wala akong kinalaman dito. Isa lang akong fan ni Lily." Nanginginig na nagpaliwanag ang pawis na pawis na si Donoghue.

Hindi pagkakaintindihan?

Haha....

Isang nakakatakot na itsura ang nagpakita sa mukha ni Darryl habang naglalakad palapit kay Donoghue dala ang kaniyang Blood Drinking Sword.

"Sinasabi mo ngayon na hindi lang tayo nagkaintindihan? Malubha pa rin ang lagay ng kapatid ko ngayon sa ospital pero nagawa mong sabihin sa akin na hindi lang tayo nagkaintindihan?"

Sinaksak ng kaniyang Blood Drinking Sword ang balikat ni Donoghue matapos niyang sabihin ito.

"Ahhh!"

Pumasok ang espada sa balikat ni Donoghue habang sumisigaw ito na parang isang kinakatay na baboy.

"Ibabalik ko aa iyo ng sampung beses ang sami ng saksak na ibinigay mo sa aking kapatid!"

Nanlalamig na babala ni Darryl habang sinasaksak muli si Donoghue.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now