KABANATA CCLXVIII

798 12 1
                                    

Nanatiling walang emosyon si Circe habang tumatangi at itinago ang kaniyang cellphone, naglakad siya papunta sa tabi ng grupo.


Agad na nagging awkward ang sitwasyon dahil mukhang hindi talaga nila magagawang kumain sa lugar na ito. Maging si Circe ay walang kakayahang makapasok dito. Kaya natural lang na wala ring kakayahan ang iba niyang kasama na gawin ito. Dito na iniling ng karamihan sa mga babaw ang kanilang mga ulo, maging si Darryl ay napailing sa nangyaring ito.



Nakatayo siya sa dulo ng grupo kaya walang sinuman ang nakapansin sa kaniya dito na siya biglang naglakad palapit sa staff member habang hawak ang isang card. "Hello, puwede mo bang icheck kungmakakapagbukas ka ng kuwarto gamit ang card na ito?"



Kabibigay bigay sa kaniya ni Wayne ng card na ito, palagi niya itong dala pero hindi pa niya ito nagagamit hanggang sa mga sandaling ito."


"Huh? Nahihibang na ata ang nakikitirang manugang na ito? Haha!" isip isip ng lahat.


Ang VIP room ng Oriental Pearl ay ang pinakamarangyang kuwarto sa buong Donghai City, nasa fifty na mga bisita lamang ang kakasya sa room na ito.


"Hindi magawang makapasok nina Declan at Circe kaya ano ang ginagawa ng basurang ito rito? Nagbibiro nanaman ba siya?" isip ng mga tao sa kaniyang paligid.


Natawa rito ang ilang mga kababaihan na nagtakip ng kamay sa kanilang mga bibig habang tintingnan si Darryl na parang isang nakakatawang biro.


"Tsk, Tsk, Darryl. Bakit k aba pumunta sa unahan? Para patawanin kaming lahat?"


Samantalang naglakad palabas ang grupo ni Daisy at agad na kinuha ang card na hawak ni Darryl. "Aww, isa itong golden card. Nagbibiro k aba Darryl? Hahahaha!"


"Tanging mga VIP lang ang puwedeng magkaroon ng VIP Card dito sa Oriental Pearl. Kaya paano  ka magkakaron nito Darryl? Nagkukunwari lang ba siyang mayroon nito? Hahahah!" isip ng lahat.


Dito na sumabog sa tawanan ang lahat.


"Hindi bale na. ibalik mo na ito sa akin." Sabi ni Darryl habang sinusubukan kunin ang kaniyang card.



"Ayoko nga! Natatakot ka na ngayon?" sinabi ng nanlolokong si Daisy habang ibinibigay ang card sa staff.


"Tingnan natin kung makakakuha tayo ng room gamit ang card na ito."


Tumawa ang lahat habang pinapaligiran ang staff member.


"Ahh... is aba itong... Supreme VIP Card?" nagugulat na iniisip ng staff member.


Kasabay nito ang paglaki ng kaniyang mga mata habang nangniningning na hinahawakan ang card.


Hindi, hindi siya nagkakamali. Isa nga itong Supreme VIP Card. Tatlong tao lang ang mayroon nito sa buong Oriental Pearl.


Natigilan ang staff member sa loob ng isang sandal. Nakitra niya na mukhang nagmula sa mayayamang pamilya ang mga guest na nakatayo sa kaniyang harapan, kaya natural lang sa mga ito na kumain sa Oriental Pearl. Pero hindi niya inasahan na mayroon pala silang kasama na isang Supreme VIP Card.


Pinayagan ang Sepreme VIP Card na gumastos ng kahit gaano kalaki sa Oriental Pearl habang tumatanggap ng pinakamagandang serbisyo mula sa mga staff members nito at iba pa. siyempre, hindi na big deal ang pagkuha nila sa isang VIP room kung ikukumpara sa mga benepisyong ito.


Nagugulat na tumitig ang staff kay Daisy at nasasabik na nagtanong ng. "Maaari ko bang malaman kung ikaw baa ng may ari ng card na ito?"


Hindi napansin ni Daisy ang pagpapalit sa tono ng ginagawang pagsasalita ng staff, kaya agad niyang iniling ang kaniyang ulo habang tumatawang tumuturo kay Darryl. "Bakit naman ako magkakaroon ng isang card na kagaya niyan? Siyempre hindi iyan sa akin. Sa kaniya iyan."


"Maaaring isa lang itong pekeng card. Kaya hindi siya siyempre aamin na nagmamay-ari siya ng isang pekeng card ng kagaya nito. Hahahah!" Tawa ni Daisy sa kaniyang sarili.


Tumawa rin kasama niya ang iba nilang mga kasama sa klase.


Inaasahan na ng mga ito na pagsasabihan ng staff si Darryl tungkol sa pagdadala nito ng ganitong klase ng pekeng card.


Pero biglang yumuko ng ninety degrees ang staff at sinabing. "Pasensya na po kung hindi ko kayo nakita kanina, Sir. Hindi ko naman po alam na isa kayong Supreme VIP dito. Pasensya nap o talaga. Ihahanda ko na po ang room na nirerequest niyo, ngayundin po."


Dito na biglang nagulat ang lahat.


"Totoo ang card na ito? Nagawa nitong kumuha ng isang VIP room? Na-nagawa ba itong tawagin ng staff bilang isang Supreme VIP Card?" isip ng mga nagugulat na kasama ni Darryl.


Nacucurious at gulat na gulat na tinitigan nang husto ng lahat si Darryl.


"Hindi ba't isa lang siyang nakikitirang manugang? Ano ang nangyari? Hidi kaya pagmamay ari ng pamilya Lyndon ang card na ito?" isip ng mga kasama ni Darryl.


Hindi rin ito possible. Kahit na mayaman ang pamilya Lyndon, isa lang silang maliit na pamilya kaya hindi nila magagawang magkaroon ng isang Supreme VIP Card. Hindi aabot sa tatlong tao lang ang may hawak nito sa buong Donghai City.

Hindi na napigilan pa ni Declan ang kaniyang sarili. "Saan mo nakuha ang card na iyon, Darryl?" tanong niya.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now