KABANATA CCXXVII

3.5K 26 4
                                    

Napakagat na lang sa kaniyang labi ang nafufrustrate na si Abby. Nasa harapan na niya ngayon ang Godly pill na kaniyang pinapangarap pero hindi niya naman magawang hawakan o mainom ito!

"Kaya kong gawin ang kahit ilang pill na gustuhin mo, pero hindi ko ito basta bastang ibinibigay sa kahit na sino."

"Pakiusap, nagmamakaawa ako sa iyo. Ibigay mo na ang pills sa akin.."

Tuluyan nang nawala ang pagiging arogante ni Abby habang nagsimulang magmakaawa kay Darryl.

Nagpakita naman ang kaunting tuwa sa mukha ni Darryl habang nagkukunwari na kakainin ang huling pill na kaniyang hawak.

"Hindi, huwag!" Halos tumiklop na sa sobrang panghihina ang mga hita ni Abby.

"Nagmamakaawa ako sa iyo, huwag mo itong sayangin. Huwag mo na itong inumin, ibigay mo na lang ito sa akin... Kasalanan ko ang lahat ng ito, hindi dapat kita tinrato nang ganoon. Hindi dapat kita nilatigo kanina, patawarin mo ako..."

"Ganiyan nga."

Ngiti ni Darryl habang nakaupo sa isang upuan.

"Dalawampong beses mo akong nilatigo kanina. Anong masasabi mo rito?"

"Latiguhin mo rin ako kung gusto mo..." Yuko ni Abby sa kaniyang ulo.

Hindi naisip kailanman ni Abby na magsasabi siya ng ganoon kababang mga salita pero masyado na siyang desperado para sa isang Godly pill.

“Latiguhin ka?” ngisi ni Darryl. “Hindi ako interesado sa gusto mo.”

Habang nagsasalita, inobserbahan ni Darryl ang kaniyang paligid. Nasa isang daan ang mga bodyguard ni Abby na nakakalat sa kaniyang bahay.

Siguradong hindi na siya rito makakalabas nang buhay sa sandaling hindi niya ibigay ang pill na it okay Abby.

Nagbuntong hininga si Darryl at ibinato ang pill kay Abby.

Thud.

Tuwang tuwa na sinalo ni Abby ang pill at agad itong ininom.

Tinitigan ng husto ni Abby si Darryl at napakagat sa kaniyang labi habang nilulunok ang pill. Hindi sasapat ang isang piraso ng pill kung nangangarap siyang maging isang Martial Marquis o isang Martial Saint…

Nagpatuloy sa pagluhod si Abby habang kagat kagat ang kaniyang labi.

Nagawang makita ni Darryl nang bahagya ang hinaharap ni Abby mula sa anggulong ito.

Inaamin niya sa kaniyang sarili na perpekto ang hubog ng katawan ni Abby. Nagmukha siyang attractive mula sa anggulong ito.

Tiningnan siya ni Darryl bago nakangiting nagtanong ng. “Ah Ms. Guy, ano ang ginagawa mo?”

“Darryl Darby.”

Napakagat si Abby sa kaniyang labi na para bang nagdadalawang isip sa kaniyang desisyon. At pagkatapos ay mahina itong nagsalita ng. “Gawin mo akong isang disipulo. Gusto kong matuto ng alchemy sa iyo.”

“Ano? Gusto mong matuto ng alchemy sa akin?

“Ano naman ang gagawin ko sa sandaling mamaster mo ito?”

Agad na napatalon sa sobrang gulat si Darryl sa bagay na pumasok sa kaniyang isipan. Dito na niya mabilis na iniiling ang kaniyang ulo ng walang pag aalinlangan.

“Gusto mong matuto ng alchemy sa akin? Kalimutan mo na angn bagay na iyan, wala akong plano na magkaroon ng disipulo sa mga sandaling ito.”

Dito na nagpanic si Abby. Agad siyang lumapit ng nakaluhod kay Darryl para yakapin ang binti nito at sinabing. “Sigurado po ako rito, sinisiguro kong magiging tapat po ako sa inyo. Kunin mo na ako bilang disipulo.”

Agad na pinakawalan ni Abby ang kaniyang pride at ego sa harapan ni Darryl.

Dahil kung magagawa niyang mamaster ang paggawa sa mga Godly pills, siguradong hindi na magiging mahirap para sa kaniya ang pagtawid sa mga susunod na domain!

“Ayoko!” kaway ni Darryl sa kaniyang kamay.

“Pakiusap, Master. Tanggapin mo na ako bilang iyong disipulo.” Buong pusong yumuko ang nakaluhod na si Abby kay Darryl.

“Hindi ikaw---“ naguluhan na rito nang husto si Darryl dahil alam niyang magpupumilit pa rin ito hangga’t hindi siya nito napapapayag.

Kaya nainis siyang sumagot ng. “Sige, tumayo ka na. Pag iisipan ko muna ang bagay na ito.”

"Opo, sige lang po! Take your time."

Nakangiting tumayo si Abby habang buong galang na sinasabing. "Ihahatid ko na po kayo, Master."

"Huwag na! Kaya ko nang lumabas nang mag isa." Nagmamadaling sagot ni Darryl habang palabas ng kuwarto.

Kinahapunan, tinawagan ni Abby si Darryl ng halos isang daang beses.

Nagawa siyang tawagan nito kada sampung minuto. Gusto na niya siyempreng malaman kung handa na ba si Darryl na tanggapin siya bilang disipulo nito.

Gusto sana umidlip ni Darryl sa loob ng kaniyang opisina pero paulit ulit siyang tinawagan ni Abby.

Hindi na nakatiis pa rito si Darryl. Kaya noong tumawag itong muli, nagagalit itong sinabihan ni Darryl ng. "Hinding hindi na kita gagawing disipulo sa sandaling tumawag ka pa ulit sa akin."

Mukhang epektibo ang ginawa niyang ito dahil tumigil na sa katatawag si Abby matapos ng kanilang pag uusap.

......

SA DYNASTY BAR.

Ang bar na ito ay isang bagong sentro ng entertainment sa buong Donghai City. Nagkaroon ito ng mamahaling interior na kumuha sa pansin ng maraming mga mayayamang lalaki.

Iniparada ni Lily ang kaniyang sasakyan at naghintay malapit sa entrance. Ito ang araw ng kanilang date ni Mister D.

Hindi mapakali si Lily na makipagkita sa isang bar sa una niyang date. Pero pinaulanan siya ni Mister D ng mga regalo para mabigyan siya ng rason na makipagkita sa kaniya sa lugar na ito.

Nagmukhang napakaganda ni Lily sa suot niyang long dress at pares ng Workship of Crystal. Tumayo siya sa entrance ng bar at agad na naging sentro ng atensyon ng mga tao sa kaniyang paligid.

Makikita sa mukha ng bawat isang babae sa lugar na ito ang nagkakapalan nilang mga make up kaya ang isang babaeng kagaya ni Lily ay parang naging isang bagong tanawin para sa mga ito.

Vroom.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now