KABANATA CCLXXXVIII

469 8 2
                                    

Napahiya rito si Grandma Lyndon.




“Ma, tama na…” mahinang pakiusap ni Lily.



Nagpatuloy si Lily sa pagsasalita. “Grandma, anong klase ng tulong ang gusto po ninyong ibigay ko sa mga kumpanya ng ating pamilya?”




Ditto na tumingin sina Grandma Lyndon at William sa isa’t isa. “Lily, kung mabibigyan mo kami ng pera na makakatulong sa mga kumpanyang hawak natin na bumangon, nagpapasalamat na kami sa iyo.” Ngiti nito.




Agad namang nagdagdag ditto si Willian ng. “Bibigyan ka naming siyempre ng ilan sa mga shares ng mga kumpanyang hawak naming.”




Nanatili namang tahimik si Lily habang nag iisip nang malalim.




Habang si Samantha ay nagpatuloy sa kaniyang mga pang iinsulto. “Ang kakapal ninyong dalawa! Nakalimutan niyo na bang siya ang tunay na may ari ng mga shares na iyon? Ninakaw niyo ito sa kaniya. At ngayong nawalan na kayo ng pera, nagawa niyo pa ring tumakbo sa amin para humingi ng tulong.”




“Ma, tama na!” nagagalit na sinabi ni Lily na tumapos sa kaniyang katahimikan. Tumingin siya kay Grandma Lyndon at sumang ayon. “Sige, papaya na ako sa gusto ninyo.”




Mayroon pa siyang nasa thirty million dollars sa perang natitira. Kaya kung ipagpapatuloy niya ang pagtatago rito, siguradong mauubos din ito dahil sa kasalukuyang adiksyon sa sugal ni Samantha. Mas mabuti pang ipangbili na lang niya ito ng mga shares. Pero hindi pa rin niya ito gusto dahil sa panlolokong ginawa ng mga ito sa kaniya noon.




Ngumiti ng mataas si Grandma Lyndon at tumatangong sinabi na. “Magaling! Alam kong hindi ka ganoon kasama, Lily. Magkakadugo pa rin tayo kahit saan man tayo magpunta! Ibibigay naming sa iyo ang twenty percent ng mga shares sa halagang thirty million!”




“Sige.” Tango ni Lily.




Nakuha na ni Grandma Lyndon ang kaniyang pakay kaya tumayo na siya at sinabing. “dahil mamaya na ang Mid-Autumn Festival, bakit hindi niyo kaya kami samahan sa gaganaping dinner mamaya kasama ng ibang mga miyembro ng pamilya Lyndon.”



Tumawa naman si Lily at iniling ang kaniyang ulo. “Hindi ako makakapunta roon, Grandma. Kinakailangan kop o kasing magshopping sa Atlantic Street kasama ng aking best friend.”




Natigil naman ditto si Grandma Lyndon, pero nagawa niya pa ring tumango at nakangiting sumagot ng. “Okau lang din kung ganoon!”



Pag alis ng dalawa, agd na nagreklamo ang nababagabaf na si Samantha. “Wala ka na ba talagang alam? Paano mo nagawang maniwala ulit sa mga iyon? Nakalimutan mo na ba na sila nag dahilan kung bakit tayo itinakwilng pamilya Lyndon?”




Kalian ba talaga magmamature ang pag iisip ng kaniyang anak?



“Ma, nakapagdesisyon na po ako.” Siguradong sagot ni Lily.




Nagpalit siya ng damit at nagpunta sa Atlantic Street kasama ni Jade.




Anag Atlantic Street ay ang pinakamahaba at pinakaabalang kalye sa buong Donghai City. Agad na napupuno ng tao ang kalyeng ito sa sandaling sumapit ang Mid-Autumn Festival sa kanilang lugar na para bang nagshoshopping ang buong Donghai City.




Pinuno nang halos kalahati ng City ang mga kalyeng napapaligiran ng mga stall na nagbebenta ng iba’t ibang mga bagay. Humawak si Lily  kina Jade at Phoebe habang naglalakad sa mga kalye. Gumala silang tatlo –kumain at kumuha ng picture sa paligid. Napakaganda ng view sa lugar na ito. Hindi maiwasang maisip ni Lily kung ano na baa ng ginagawa ni Darryl.




Sa basement ng library sa loob ng Hexad School, nakaramdam si Darryl ng kuryenteng dumaan sa kaniyang katawan. Ditto na dumilat nang husto ang kaniyang mga mata at nakaramdam ng napakalakas na aurang lumalabas sa kaniyang katawan.



Isa na siyang Level Two Master General!



Huminga nang malalim si Darryl. Napakalakas ng Pure Energy Scripture na ito --isa nga itong tunay na secret manual mula sa Saholin Sect!



Nagawa niyang imaster ang buong manual at maglevel up. At ang importante sa lahat, wala nang kapantay ang pagiging puro ngayon ng kaniyang internal energy! Confident siyang matalo ang ibang mga kalevel niyang cultivator nang hindi ginagamit ang Ascension of Nine Dragons.




Lumabas siya ng library at nagulat matapos Makita na walang kahit na isang tao sa kanilang school. Ditto na niya narealize na dahil ito sa ginaganap na Mid-Autumn Festival, na isa ring school holiday.




Malakas na nagvibrate ang kaniyang cellphone. Sino kaya ito? Chineck niya ang kaniyang phone at ngumiti.



Sa dinami rami ng taong bumati sa kaniya ng happy Mid-Autumn Festival. Ang text na kumuha sa kaniyang atensyon ay nagmula kay Paul James ng Dragon Tech. sinabi nito na. “Happy Mid-Autumn Festival, Darryl! Sabihan mo lang ako kung gusto mong bumisita sa Atlantic Street. Ako na in-charge sa kalyeng iyon kaya madadala kita roon gamit ang isang helicopter.”

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now