KABANATA CCLVII

650 14 2
                                    

“Anong tinatawa niyo? Shut up!” tumitig si Katherine sa klase. Isang malakas na vibration nanaman ang lumabas mula sa enerhiya nito.

Ang lahat ay agad na tumahimik. Pero mapang asar pa rin ang mga tingin nito kay Darryl.

Tinignan ni Katherine si Darryl. “Tingnan moa ng sarili mo, bakit ka nakikipag ayaway? Hindi ka kagaya ni Dax, wala kang makapangyarihang pamilya, ano nag nakapagpatatak sayo na kaya mong makipag ayaw?”

‘Damn it. Anong ginawa ko? Ininsulto ako ng istupidong si Kent, sinipa ko lang siya.’ Nasa isip ni Darryl pero hindi ito nagsalita.

Nagpatuloy si Katherine. “Wala akong pakielam kung sino kayo. Lahat kayo na nasa klaseng ito ay mag cucultivate at hindi gagawa ng kaguluhan. Kayong dalawa at nakipag away sa entrance sa unang araw ninyo rito, hindi kayo marunong rumespeto, bumaba kayong dalawa at tumakbo ng hundred laps.”

‘Huh? Hundred laps?’ nasa isip ni Dax.

Nangitim ang mukha ni Dax. “Hundred laps? Hindi ako tatakbo ng isang laps.”

Umupo ang galit na si Dax.

‘Damn it, nababaliw na ba siya? Wala pang nag uutos sakin na tumakbo ako ng hundred laps!’ sa isip isip ni Dax.

Biglang nakatanggap ng dalawang sampal si Dax sa mukha bago pa man mapansin ng lahat.

Slap! Slap!

Naglakad palapit si Katherine at sinampal niya ito. Napakas at napakalutong ng tunog nito at narinig ito ng buong klase.

Instant na namaga ang mukha ni Dax. Dahil mainitin ang ulo ni Dax ay agad ito tumayo at naglabas ng ax, wala siyang pake kung sino itong Katherine na ito. Maging babae man o lalaki ay hindi niya hahayaang masampal siya ng kahit na sino.

Pero bago pa man niya maigalaw ang ax, nakatanggap itong muli ng sampal.

Slap! Slap!

Agad na namaga ang kabilang pisngi nito nba para bang baboy. Napatitig it okay Katherine at mukhang sasabog na ito ano mang oras.

“Damn!’ nasa isip ni Darryl.

Nakita nito ang mga mata ni Dax kaya naman mabilis niya itong pinigilan. “Tama na, tama na, huwag ka nang magalit. Aminin nalang nati-“

Bago pa niya matapos ang sinasabi ay nakatanggap rin ito ng sampal kay Katherine.

Slap! Slap!

Agad na naramdaman nitong sobrang uminit na para bang nasusunog ang kaniyang pisngi.

“Damn it, para saan yun? Bakit kailangan niya akong saktan? Inosente ako!’ nagtatakang naisip ni Darryl.

“Pareho kayong dapat parusahan dahil sa mga pagkakamali ninyo, isa itong rule. Gagawin ninyo ang lahat ng sasabihin ko hangga’t naririto kayo sa school na ito. Maaari kayong umalis at hindi na bumalik pa, o di kaya’y tumakbo sa field.” Babala ni Katherine.

Tumitig si Katherine kay Dax at ipinakita nito ang tatlong daliri. “Mayroon kang tatlong Segundo.”

“Three….”

“Two…”

‘Damn it.’ Napamura nalang si Dax sa isip niya.

Nagtrigger ito at nag kulay dugo ang mga mata. Kahit gaano niya pa gusting magalit dito ay alam niyang hindi niya malalabanan si Katherine.

Hinila ni Darryl ang braso nito. “Tara na Dax, tumakbo na tayo.”

Hindi maipagkakailang napaka strikto ni Katherine, unang araw palang ng klase at pinatakbo na sila kaagad sa field bilang parusa.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now