KABANATA CCLXXX

480 7 2
                                    

Agad na nabalit ng papuri ang buong klase. Marami sa mga babae ang humahangang tumingin kay Declan. Para magawang magdonate ng kulang kulang twenty million na parang wala lang, siguradong napakayaman ng pamilyang kinabibilangan nito.



Muling nag improve ang imahe ni Declan sa harao ng kaniyang kaklase.



Pero napansin ng ilan sa kanila ang maliliit na detalye mula sa labang ito— gaya ni Circe. Nagawa nitong obserbahan si Darryl.



Malinaw niyang  nakita ang panginginig ng kamay ni Declan sa bawal sandaling magdodonate ito. Habang si Darryl naman ay nananatiling kalmado sa kaniyang kinatatayuan. Nagawa na niyang magdonate ng higit sa sampung milyon nang kalmado.



Sa dalawang ito, malinaw na mas interesado siya kay Darryl.



Hindi mapigilang matawa ni Darryl sa kaniyang kinatatayuan. “Malapit na bang maubos ang ¬pera mo Declan?” nanloloko nitong sabi.




Hindi na halos mabayaran ni Declan ang mga kinain nila sa Oriental Pearl kahapon. At nagawa na rin niyang magdonate ngayon ng seventeen million kaya wala na siyang gaanong perang natitira sa kaniyang bang account.



Ditto na muling nabalot ng katahimikan angbuong klase. Maging si Declan ay napalunok nang malakas sa kaniyang nakita. Dahil nang tingnan niya ang ranking list, mabilis niyang nakita ang paglamang sa kaniya ng isang estudyante.



Twenty million, nagdonate si Darryl ng karagdagang twenty million na nagpataas sa kabuohan niyang donasyon sa halagang umaabot sa thirty-five million.



Hindi makapagsalitang nagsitingin ang lahat kay Darryl. Hindi na sila makapaghanap ng salita na kanilang masasabi. Thirty-five million! Ang estudyanteng may pinaka mataas na donasyon!



“Puwede nating ipagpatuloy ito ng buong araw kung may natitira ka pang pera, Declan.”



Tingin ni Darryl kay Declan habang tumatawa sa kaniyang sarili at ssinabing. “Para naman sa charity ang perang ito kaya okay lang sa akin na maglabas nang ganito kalaki.”



Malinaw at malakas na narinig ng buong klase ang kaniyang sinabi. Ditto na tumingin ang lahat kay Declan.




“Ako…” namumulang sinabi ni Declan. Nabulol at hindi na niya natapos ang kaniyang sinasabi. Nagawa na niyang manghingi ng thirty million sa ama niya kahapon at nakatanggap ng sermon mula rito. Kaya kung tatawag ulit siya sa kaniytang ama para manghingi ng pera, siguradong itatakwil na siya nito sa kanilang pamilya.




Nagawa na rin niyang magdonate ng seventeen million. Ito na ang natitira niyang pocket money sa susunod na anim na buwan.



Ditto na nakaramdam ng frustration at stress si Declan.



At p[agkatapos ay ngumiti si Darryl at naglakad palapit kay Declan para sabihing. “Ngayon, sabihin mo sa akin. Ano nga ulit ang rason kung bakit ko ninakaw ang cellphone ni Circe?” tanong niya.




“Hindi Malaki ang pera ko pero sigurado naman akong mas marami pa rin ito kaysa sa iyo. Wala akong pake sa pagbibintang na ginawa mo sa akin na ninakaw ko ang cellphone ni Circe. Pero para sa dalawang suntok, magagawa ko na ring gumanti sa iyo.”




“Ikaw—“ ditto na nanlaki ang mga mata ni Declan.



SLAP! SLAP!



Malakas na sinampal ni Darryl si Declan na nagpalipad ditto papunta sa ibabaw ng teaching platform sa harapan ng kanilang classroom.





Muli namang nabalot ng katahimikan ang buong klase.




“Darryl!” sigaw ni Katherine. Agad niya itong sinermonan at sinabing. “Paano mo nagawang saktan ang iyong kaklase?”





Nakakaimpress na nagawang magdonate ni Darryl ng malaking halaga, pero hindi pa rin tama na maging bayolente ito sa kaniyang mga kaklase.




“Miss Katherine, nakita mo naman kung paano pa niya po ako sinuntok sa aharap ng klase kanina!” nakangiting pangbabalewala ni Darryl.



“Nangangahulugan ba ito na siya lang ang maaaring manakit sa akin kaya hindi ako maaaring gumanti? Malinaw ko nang nakikita ang favoritism ninyo Miss Katherine.”




“Ikaw—“



Hindi na nakapagsalita pa si Katherine sa sobrang galit. Sinuntok nga siya ni Declan nang dalawang beses kanina pero magaan lang ang ginawa nitong pagsuntok. Pero nagawa pa rin siyang sampalin ni Darryl na napagpatalsik ditto sa unahan.




“Mag usap tayo sa labas ng classroom.” Sabi nito.




“Ngayundin!”




Pero kahit na anong mangyari, kailangan pa rin niyang ipakita ang kaniyang posisyon bilang isang teacher.




Tumawa si Darryl at sinundan si Katherine palabras ng classroom.




“Binabalaan kita Darryl. Hindi ka maaaring manakit ng kahit na sino sa Hexad. Naiintindihan mob a ako?” nagbabantang sinabi ni Katherine.




Tumango naman ditto si Darryl at nagpatuloy sa pagsasalita. “Nakita niyo naman po nag nangyari kanina hindi ba? Ako ang biktima rito. Ipinahiya niya ako. Nga pop ala, bumaba po ba kayo ng dalawang level ngayong araw?”




Agad itong napansin ni Darryl nang pumasok si Katherine sa classroom. Matapos ipaliwanag nang malinaw sa Infinite Elixir Manual, hindi na nagging kasing lakas noon ang aura ni Katherine.


Ano?



Ditto na hindi makapaniwalang tiningnan ni Katherin si Darryl at sinabing. “Paano…  paano mo nalaman?”

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now