KABANATA CCVII

4.7K 27 4
                                    

Napaungot sa sakit si Trent at tumango. "Oo! Naiintindihan ko."

'Hayop to. Hindi naman ako stupido. Sinuwerte lang ang Darryl na yon dahil mabilis siyang nakapaglevel up. Kukuha rin ako ng Elixirs kaya mag iingat siya.' sa isip isip ni Trent.

Nang matauhan ang prison guard ay nagbigay ito ng huling tingin kay Darryl at mahinahong nagsalita. "Sige na, late na. Bumalik na kayo sa higaan! Huwag kayong gagawa ng gulo!" Tapos ay umalis na ito.

Sa wakas ay makakahinga na si Chester, tumayo ito at lumapit kay Darryl. Nagsalute ito at nagpapasalamat na nagsalita. "Salamat sa pagligtas ng buhay ko! Habang buhay akong may utang sayo!"

'Haha! Napakabait at talino niyang magsalita! Nakakainteres ang taong ito!' sa isip isip ni Darryl.

Kinuway nito ang kamay at sinabing. "Wala lang yon, ayaw ko lang talaga sa mga bully."

Pagkatapos ay bumalik na ito sa higaan na parang walang nangyari. Ayaw mag first move ni Darryl dahil baka magtaka si Chester.

Tama sita.

Pag nakikita nito ang kalmadong si Darryl ay lalo pa niyang gustong makilala ito. "Kapatid, nagmula ka rin ba sa Donghai City?" Sabi ng nakaupong si Chester.

Kinagat niya ang pain!

Sobrang na-excite si Darryl pero naitago niya ito kaagad. Umupo rin ito sa higaan at nakipag usap kay Chester. Napagtanto nito na napakaedukadong tao pala ni Chester at wala itong hindi alam. Kaya nitong makipag usap tungkol sa kahit na anong bagay at ito ay kamangha mangha.

Siyempre nang magtanong si Chester ng tungkol kay Darryl ay sinabi lamang nito na isa siyang pabigat na manugang. Hindi ito kinuwestiyon o minaliit ni Chester.

...

Makalipas ang isang linggo, sa pamilya Darby.

Nasa main hall ang buong angkan. Si old Master Drake ang nag organisa ng pagtitipon, nagsaad na mayroon siyang importanteng diskuro na tatalakayin. Lahat ay nag-uusap at napapaisip kung ano ang kanilang tatalakayin maya maya lamang.

Dahan-dahang pumasok si Drake, "May dalawang bagay tayo na tatalakayin." Umupo ito at pinagmasdan ang paligid.

Mahinahon siyang nagpatuloy, "Una, napag-isipan ko na sumanib sa kulto ang buong Darby Clan."

Lahat ay nagulat at naexcite! Mas magiging malakas at maimpluwensya sila kung papasok sila sa kulto! Ito ay pangarap ng lahat!

Kumaway si Drake upang magbigay atensyon ang lahat, mariin itong nagsalita, "Tumahimik kayo! Ang pangalawang bagay ay, Ang Darby Clanbay magiging miyembro ng Eternal Life Palace Sect. magmula ngayon. Pero isa itong sikreto ng pamilya, maliwanag ba?

Ano? Magiging miyembro ng Eternal Life Palace Sect? Lahat ay walang imik. Ito ay isa sa pinakamalaking kulto! Ang kultong ito ay gumagawa lamang ng kasamaan, kung miyembro na nito ang pamilya Darby ay isa na silang puwersa ng kasamaan? Bakit naman ito nagawa ni Old Master Barby?

"Lolo, isang kulto ang Eternal Life Palace Sect," Lahat ay tumango bilang pag sang-ayon.

Huminga ng malalim si Drake. Hindi niti alam kung tama ba o mali ang naging desisyon, alam lang nito ay kung hindi sila mas magiging makapangyarihan ay wala lamang silang bilang. Isang lesson learned na ang Dax Sanders incident.

"Kinukuwestiyon ba ninyo ang naging desisyon ni Lolo?" Tumayo si Yumi at pumadyak sa suot na heels. Nagsalita ito ng malakas, "So naging makapangyarihan kayo at nagkalakas ng loob para kuwestiyunin si Lolo?"

Hindi ka lamang mapapalakas ng cultivating , kaya rin nito na mapabata ang isang tao sa mahabang panahon. Walang pakielam si Yumi kahit sumali siya sa Eternal Life Palace Sect, ang mahalaga ay magiging maganda ang itsura nito sa loob ng mahabang panahon sakamat sa cultivation.

Sinuportahan ni Florian ang asawa nito, "Oo nga, Inalagaan tayo ni Lolo buong buhay niya kaya susuportahan ko ang kaniyang desisyon."

"Susuportahan ko rin siya!" Dagdag ni Jackson. Matagal na nito gustong maging miyembro ng kulto, ang una nitong gagawin kapag siya ay lumakas na ay paghihiganti—gusto nitong itali si Lily at anakan ng paulit-ulit.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now