KABANATA CCLXVII

534 9 2
                                    

Sa sandaling manatili ang mga tagasunod ng Emei sa mansion ng pamilya Darby, maaaring magkaroon ng tiyansa si Florian sa ilang mga babaeng ito. Kaya ito ang agad na pumasok sa kaniyang isipan.


Matapos itong marinig, agad na lumabas sa kaniyang likuran si Yumi at agad na kinurot ang kaniyang asawa. “Bakit sabi kna sabik ka ha?”


Kilala ni Yumi nag asawa kaya naiintindihan niya kung gaano kamanyak ang isipan nito. Dahil kung hindi siya isang manyak, hindi niya magagawang gahasain si Rebecca.


Siguradong nakita ng walang kuwentang basura na itong maganda ang Abbess Mother Serendipity kaya agad na gumana ang nakakadiri nitong utak dito.



“Ano? Nag aalala lang ako sa mga tagasunod ng Emei dahil wala silang tutuluyan, ako na ang nahihirapan para sa kanila sa sandaling tanggihan natin ang hiling nila.” Seryosong sinagot ni Florian.



Tumitig naman sa kaniya ang tahimik na si Yumi.


Ikinaway ng nakatatatandang Darby ang kaniyang kamay at ngumiti sa Abbess Mother of Serendipity. “Sige, pupuwede na kayong tumuloy sa aking mansion. Maganda ang relasyon ng Shaolin at Emei sa isa’t isa kaya maaari pa nitong pagandahin ang relasyon ng dalawang sekta sa isa’t isa kaya bakit naman hindi? Marami rin naman kaming mga hindi nagagamit na kuwarto rito.”


Dahil nandito na rin naman ang mga ito, wala nang nagawa ang nakatatandang Darby kundi pumayag.


Natutuwa rito ang Abbess Mother of Serendipity. “Maraming salamaw, Mr. Darby.”


…..


Sa Oriental Pearl, buong confident na sumigaw si Declan habang paparating ang lahat. “Bigyan mo ako ng pinakamalaking VIP room sa lugar na ito!”


Nasa seventy ang kanilang bilang, kaya mayroong sapat na kuwarto ang Oriental Pearl para iaccomodate silang lahat.


“Sir, maaari ko bang makita ang inyong VIP card?” nakangiting tanong ng isang staff member.



Isa lang ang kuwartong may ganitong klase ng laki sa buong Oriental Pearl, at pangkaraniwang nilalaan ito para maaccomodate ang mga VIP. Kaya mas pipiliin na nilang manatili itong bakante kaysa gamitin ng mga ordinary nilang visita.


Dahil wala sa lugar na ito ang may ari ng hotel na si Wayne Woodall, natural na manghihingi ang kaniyang staff ng VIP card para magamit ang kuwartong ito.


Nagulat si Declan habang iniiling ang kaniyang ulo. “Wala akong VIP card, pero hindi naman ako agkulang sap era. Puwede mo bang ayusin ito para sa akin?”


“Pasensya nap o sir. Pero para lang po sa VIP ang kuwartong ito.” Nagpapasensyang sinabi ng isang staff.


“Ano? VIP lang ang maaaring gumamit nito?” nag isip ang lahat habang nagtitinginan at nagpapakita ng magkahalong emosyon.



Ito ang unang beses nilang pumunta para kumain sa Oriental Pearl, kaya marami na sa mga babae nilang kasama ang nagpost ng mga pictures nito online.


Nagulat din dito si Declan. Hindi na nakapagtataka kung bakit itinuring ang Oriental Pearl bilang pinakamarangyang hotel sa buong Donghai City. Hindi mo magagawang makakuha ng VIP room dito nang walang VIP card.


Nag isip si Declan ng isang sandal at nagtanong ng. “Puwede naman siguro akong magregister para sa VIP Card ninyo ngayon hindi ba?”


“VIP Card lang naman ito kaya hindi naman sigurong mahirap magreister para rito.” Isip niya.


Muling iniling ng staff ang kaniyang ulo. “Pasensya nap o sir pero kailangan po namin ng pirma ni boss para mag issue ng VIP Card. Dahil wala po siya rito ngayon, ang puwede niyo lang pong gawin ay ang magregister para sa standard membership.”


“Buwisit, kailangan niyo pa ng pirma ng boss niyo para lang gumawa ng isang card?” isip niya.


Gusto na sanang lumapat ni Declan sa ibang restaurant pero nakita niyang ayaw ng mga babae niyang kasama na umalis.


Nakapost na ang ilan sa mga ito sa social media na may caption na [Ililibre kami ng class monitor sa dinner ngayon dito sa Oriental Pearl.]


Mapapahiya siya sa sandaling magsabi siya sa mga itong kailangan na nilang humanap ng ibang makakainan. Habang nagsisimula na siyang magpanic, nagsalita na rin sa wakas si Circe Newman matapos manahimik sa buo nilang lakad.


“Bakit hindi ko subukan? Puwede kong tawagan ang may ari nito.”



“Grabe! Nagsalita na rin ang diyosa sa klase!” nagulat ang lahat habang nakatingin sa kaniya.



Nakasuot ito ng masikip na pang itaas at jeans na may dark color. Nanlalamigg, elegante at kabighabighani ang itsura nito.


Alam ng lahat na si Circe ang pinakamayaman sa buong Kyoto. Kaya mas nagging maganda ang kaniyang contacts at kuneksyon kaysa sa karamihan ng mga anak mayaman sa kanilang klase. Sa sandaling magsalita si Circe, siguradong mayroon siyang paraan para magawa ito.



Natuwa naman si Declan at nakangiting sinabi kay Circe na. “Pasensya na at naabala pa kita sa ganitong klase ng bagay. Maraming Salamat!”


Babae ang staff kaya wala itong nagawa kundi humanga nang husto sa tinitingnan niyang si Circe. “Wala pong problema, Madam. Mas mabuti nga po kung  makakausap ninyo ang aming boss.”


Tumango si Circe at agad na kinuha ang kaniyang phone. Tinawagan niya si Wayne pero pagkatapos nang isang sandali, ang tanging narinig niya mula sa kaniyang cellphone ay. “I’m sorry, the number you’re calling is unavailable.”


“hindi ito pumasok” isip niya.



Narinig ng lahat na nagforward sa voicemail ang tawag. Dito na tuluyang nawala ang ngiti sa mukha ni Declan.


Ginawa ng staff ang buo niyang makakaya para ngumii at humingi ng pasensya. “Pasensya nap o talaga. Wala po kasi kaming karapatan na ipagamit ang room na ito nang walang utos mula sa aming boss.”


Naniniwala siya na kilala ng magandang babae na ito ang kanilang boss na si Wayne, pero isa pa rin itong rule na dapat nilang sundin. Hindi nila maaaring ipagamit sa kahit na sino ang kuwarto nang walang utos mula kay Wayne.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now