KABANATA CCI

5.2K 26 0
                                    

"My good young sister, bakit ang sweet mo ngayon?" Natatawang sabi ni Darryl. "Anong maitutulong ko sayo?"

Napakagat si Megan ng labi at bumulong, "Narinig mo na ba ang Eternal Life Palace?"

Eternal Life Palace? Miyembro nito ang maglolo kanina na nasa auction. Isa ito sa dalawang pinakamalaking kulto.

"Oo narinig ko na, anong nangyari?" Tanong ni Darryl.

"Kailangan mo akong tulungan sa pag-iimbestiga nito." Mahinhing sabi ni Megan.

Sa ngayon ay medyo magulo sa Donghai City. Ilang araw ang nakalipas, nag tayo doon ng branch ng kulto ang Grandmaster Heaven at Eternal Life Palace. Di malayong mapunta sa mga aso ang lugar dahil sa presensya ng dalawang kulto.

Buti na lamang at hindi masyadong aktibo ang Grandmaster Heaven dahil ang Hall Master na si Skyler Blurr ay hindi na nagpapakita.

Ngunit ang Eternal Life Palace ay nanatiling aktibo matapos mag tayo ng branch ay naglagim ito ng iba't-ibang uri ng kasamaan gaya ng paggamit ng mga tao sa pag-improve ng elixirs!

Nagbigay abiso ang mga leader ng pulis na kung hindi nila matatanggal ang Eternal Life Palace sa loob ng isang buwan ay matatanggal ang lahat ng pulis sa kanilang puwesto.

Busy ang kapulisan sa pag-iimbestiga sa mga ito ngunit wala silang na-locate ni isang branch ng nasabing kulto.

May pag-aalangang ngumiti si Darryl, "Anong magagawa ko kung kahit ang mga pulis ay hindi ito kayang labanan?"

Hindi mapakali si Megan, "May nahuli kaming miyembro ng Eternal Life Palace Sect kahapon, si Charles Wilson. Sa tingin namin ay mataas ang rank nito pero kahit anong tanong namin ay wala siyang sinasabing impormasyon kaya kinulong na lang namin siya."

Humigop si Megan ng kape at nagsalita, "Napag-isipan kong maglagay ng tao sa loob ng kulungan upang maka-close siya at makita kung anong ibubunyag nito, kaya naman naisip ko na ikaw ang ilagay!"

Ano? Undercover sa loob ng kulungan? Ang ibig sabihin ni Megan ay kailangan makuha ni Darryl ang loob ni Chester bilang kapwa bilanggo? Nagbiburo ba siya?

Halos napatayo si Darryl habang umiiling, "Hindi, hindi,  masyadonv mataas ang expectations mo sakin para gawing undercover. Mas gugustuhin ko pang labanan siya at isa pa, napakarami mong officers, bakit hindi ka na lang kumuha ng isa sa kanila kaysa ako?"

Maganda ang buhay sa labas kaya bakit niya pipiliinh maghirap sa loob ng prisinto? Isang kabaliwan!

Hindi mapakali ang dalawa, nagkaskas ng ngipin si Megan at nagmakaawa, "Pakiusap may good brother, nagmamakaawa ako sayo bilang good sister mo, tulungan mo ako please?"

Hindi maintindihan ni Megan kung bakit si Darryl ang kaniyang napili. Mula umpisa pa lamang ng plank ay si Darryl na ang nasa isip nito marahil ay may mga nagawa na si Darryl gaya ng paglaban sa mga magnanakaw nang mag-isa, pagligtas sa estudyante sa pagkakabaril, pagligtas sa batang babae mula sa pagkakahostage niyo. Natalo rin nito ang pating sa dagat, at nagiligtas ang lahat mula sa nakawan aa loob ng bus–sino ang maaaring ikumpara sa kaniya pagdating sa pagiging matapang, matalino, at mabilis na reflexes?

"Sige na, sige na! Tutulungan kita rito pero huwag mo na akong hihingan ng pabor kagaya nito sa susunod!" Hindi siguradong pag sang-ayon ni Darryl.

Akala nito ay makakadate na niya ang magandang officer pero sinong mag-aakala na ganito pala ang mangyayari?

"Yes!" Masiglang sabi ni Megan.

"Anong makukuha kong kapalit?" Pasimpleng tanong ni Darryl.

Hindi madali ang misyon–kailangan niyang mapalapit sa isang miyembro ng Eternal Life Palace! Sapat na ang token ng batang babae para matakot ng lubusan si Zack Roger na nangangahulugang napakadelikado ng kulyo na ito.

Natatawang sumagot ai Megan, "Naghanda ako ng sampung milyon bilang reward basta magawa mo ang misyon, ano sa tingin mo?"

Sa mga mata ni Megan–kahit na mabait na tao si Darryl ay isa pa rin itong pabigat na manugang at siguradong kailangan nito ng pera.

Umiling si Darryl at hindi manlang ito na-motivate nang marinig ang halaga, "Gusto mong ilagay sa peligro ang buhay ko para sa sampung milyon?"

Napayuko at kagat labi si Megab habang nag-iisip, "My good brother, kinailangan ko pang lumaban para lang sa sampung milyon. Paano kung ganito na lang, gagawin ko ang lahat ng gusto mo kung papayag kang tulungan ako at kung magawa mo ang misyon.'

Tiningnan nito ang nag b-blush na si Megan at natawa sabay pasimpleng sabj, "Kahit ano?"

Agad na tumango si Megan pero nang makita ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Darryl ay agad na sinabi nitong, "Siyempre, pero walang hindi kaaya-aya."

"Okay! Ano ang dapat kong gawin para madala sa prisinto?" Tanong ni Darryl.

Natatawang nagsalita si Megan, "Oh my good brother, nakahanda na ang lahat. Tayong dalawa lang ang nakakaalam na magu-undercover ka, kailangan mong magnakaw ng cellphones sa kapit-bahay at ang iba kong kasamahan ay pupunta rito maya-maya upang arestuhin ka."

What?


Itutuloy...

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now