KABANATA CCXLIV

610 8 2
                                    

Huminga ng malalim si Donoghue sa kaniyang sarili habang nag iisip ng. "Buwisit, kakakuha ko lang kay Lily para sa aking sarili kaya hindi ko pa nagagawang subukan. Pero ngayon ay kinakailangan ko na siyang ipamigay sa iba?"

Pero para makuha ang Accelerating Pill, wala siyang magagawa kundi ibenta si Lily. "Sige, sa ito na si Lily Lyndon!"

"Hindi na masam, hindi na masama. Matalino kang lalaki. Sa sandaling makuha ko ang babaeng ito, agad kong ibibigay sa iyo ang Accelerating Pill. Maikukumpara na ang babaeng ito sa mga artistang may kayumagging mga balat at balingkinitang mga katawan!"

Sigurado ni Galvin habang naglalaway na nakangiti kay Donoghue.

Tumango naman si Donoghue at sinabing. "Siyempre, isa nang kilalang streamer si Lily na ginagastusan ko nang husto para lang mayayang lumabas. Sa iyo na siya kung gusto ninyo!"

Naglabas si Donoghue ng isang maliit na pakete ng kulay puting powder at ibinudbod ito sa inumin ni Lily habang nagsasalita.

...

Kasalukuyan namang punong puno ng mha lalaking nakasuot ng itim na damit ang eskinita sa tapat ng Dynasty Bar.

Higit sa dalawang daang disipulo ng Eternal Life Palace Sect ang nagtipon tipon sa lugar na ito, pinamununuan sila ng isang matipunong lalaki -- na walang iba kundi ang Vice Hall Master na si Caelan.

Kasabay nito ang pagparada ng isanh Audi R8 sa eskinita, dito na walang emosyong bumaba si Darryl mula sa kaniyang sasakyan.

"Nandito na po ang lahat, Hall Master." Naglakad palapit si Caelan at buong galang na nagreport kay Darryl.

Tumango naman si Darryl at sinabing. "Magaling, hintayin niyo ako rito. Bibigyan ko kayo ng signal para pumasok mamaya." Utos ni Darryl habang iniisip ang kasalukuyang situwasyon sa loob ng bar.

Mabilis na naglakad si Darryl papasok sa Dynasty Bar matapos itong sabihin. Ilang araw pa lang ang nakalilipas mula noong unang magbukas ang bar na ito kaya natural lang na mapuno ito ng tao.

Napuno ang dance floor ng mga sumasayaw na lalaki at babae, mga nagpapatay sindi na mga ilaw at isang malakas at sumasabog na speaker sa paligid.

Tumingin sa paligid si Darryl pero hindi niya nakita si Lily kaya nagdesisyon na siyang umakyat sa ikalawang palapag ng bar.

Pinepressure naman si Lily ni Donoghue na inumin ang wine na nilagyan niya ng gamot noong magpunta ito sa washroom. Agad na namula ang kaniyang mukha nang maubos niya ang laman ng kaniyang wineglass na sinundan ng matinding panghihina.

Kakaiba ang bagay na ito dahil kahit hindi sita mahilig uminom, gindi rin naman niya magagawang malasing sa isang baso ng wine. Kinagat ni Lily ang kaniyang labi habang pinipilipit na gisingin ang kaniyang sarili.

Pero umupo si Galvin sa kaniyang tabi nang mapansin nito na malapit na siyang mawalan ng malay at sinimulang paglaruan ang kaniyang buhok.

"Oh napakaganda kong binibini, lasing ka na ba?"

"Alisin mo ang mga nakakadiri mong kamay sa akin!" Sigaw ni Lily na punong puno ng pandidiri.

Mas lalong ginanahan dito si Galvin kaya sa halip na alisin ang kaniyang kamay ay sinimulan na nitong hawakan ang kaniyang mukha.

"Tsk tsk tsk, masyadong mainitin ang ulo ng binibini kong ito, ganitong ganito ang gusto ko! Haha! Masyadong dominante, gustong gusto ko ito!"

"Ikaw!" Nandiri nang husto rito si Lily kaya sinubukan niya itong itulak palayo pero agad niyang narealize na wala na siyang lakas para gawin ito.

Unti unting bumigat ang kaniyang mga kamay at paa na umabot sa punto na kung saan hindi na niya magawa pang itaas ang kaniyang braso! Ano ang nangyari?

"Donoghue, sabihan mo siya na iwanan ako rito!" Sigaw ni Lily.

Pero mukhang walang pakialam dito si Donoghue habang nakaupo savtabi at umiiling na sinasabing. "Oh, Lily. Bakit hindi ka kaya matulog kasama siya?"

Ano!??

Inakala ni Lily na naghahallucinate lang siya kaya tinitigan niya nang maigi si Donoghue habang nagtatanong ng. *Ano ang sinasabi mo?"

Inulit naman ni Donoghue ang kaniyang mga sinabi. "Ang sinasabi ko lang ay bakit hindi mo kaya siya samahang matulog ngayong gabi? Nilagyan ko ng gamot ang inumin mo kanina kaya hindi mo na mararamdaman ang mga paa at kamay mo. Kaya Lily, pumayag ka nang makasama siya ngayong gabi, babayaran kuta ng twenty million dollars sa sandaling magawa mo ito."

"Ano? Hayop ka!!!" Sigaw ng hindi makapaniwalang si Lily, pinipilipit niyang umalis pero hindi niya maramdaman ang kaniyang mga binti at kamay.

Niyakap na ni Galvin si Lily habang hinakawakan ang kaniyang baiwang. Inamoy amoy niya ito at sinabing. "Haha! Napakabango talaga ng binibini kong ito! Halika rito, hayaan mong halikan kuta."

"Lumayo ka! Lumayo ka!" Sigaw ni Lily gamit ang nagngingitngit na mga ngipin at namumuhi niyang mukha.

Hindi dapat siya nagtiwala kay Donoghue, pero huli na ang lahat ngayon.

Halos magdikit na ang mga labi nina Galvin at Lily kaya ipinikit nalang ni Lily ang kaniyang mga mata habang tumutulo ang mga luha sa kaniyang mga pisngi.

Nang biglang sumugod ang isang lalaki papasok sa kuwarto na agad tumulak kay Galvin.

Hinawakan ni Darryl ang kamay ni Lily at galit na nagtanonh nv. "Ano ang ginagawa mo rito?"

Nasurpresa namang nakita ni Lily si Darryl habang tumutulo ang luha sa kaniyang mga pisngi. "Ako... Darryl, iuwi mo na ako sa amin... Iuwi mo na ako...."

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now