KABANATA CCLXX

588 9 1
                                    

Nanlalamig namang umupo roon si Circe parang isang namumukadkad na orchid, naglabas ito ng isang namumukadkad na orchid, naglabas ito ng isang hangin napuno ng biyaya sa mga taong nasa kaniyang paligid. Kahit na walang kahit na sino ang nakapansin sa pagiging weird o kakaiba ng kaniyang mga kilos, marami sa kalalakihan ang gusto siyang makilala, pero wala pa ring sapat na lakas ng loob ang mga ito para gawin iyon.



Gumaganda na ang mood ng lahat, ditto na tumayo ang nakangiting si Declan habang hawak ang isang eleganteng box sa kniyang mga kamay. Naglakad siya papunta kay Katherine at magalang na sinabi. “Ngayong araw din po pala ang teacher’s day Ms. Katherine, gusto ko lang pong magpasalamat sa pagiging guro niyo po sa amin. Isa poi tong regalo para sa inyo.”



Agad na nabalot ng gulat at pagkamangha ang buong room. Pinaghandaan nga ni Declan ang lahat. Nagawa niya rin maghanda ng regalo para kay Ms. Katherine. Malinaw nga talaga na gusting gusto niya na maging kanilang class monitor.



Nanatili namang kalmado si Katherine. “Natuwa na ako sa panlilibreng ginawa mo sa amin, Declan. Hindi ko na matatanggap ang bagay na ito.”



Napakatalino, napakadiskarte at gusto ng lahat ang estudyante na katulad ni Declan. Nagawa niya ring maalala na Teacher’s Day ngayong araw kaya nagawa nitong maghanda ng regalo para sa kaniyang guro. Pero maraming mga estudyante ang nakatingin kaya hindi nagging kumportable si Katherine na tanggapin ang regalo sa kaniya ni Declan.



Nakangiti namang iniling ni Declan ang kaniyang ulo. “Isa poi tong maliit na bagay nagusto kong itago ninyo, lalo na sa isang okasyon na kagaya nito.”



Ditto na niya binuksan ang hawak niyang box.



Agad na napatingin ang lahat sa laman ng box at mabilis na nagulat at nasurpresa sa kanilang nakita. Makikitang nakalagay sa loob ng box ang isang kulay dilaw na pill. Hindi ito magawang Makita nang malapitan maging ni Katherine. Inisip niya na bibigyan siya ni Declan ng isang bracelet o isang alahas bilang regalo, pero hindi niya inaasahan na magbibigay ito ng isang pill!



Napasimangot si Darryl nang Makita niya ang pill na ito. Nakita niya nang m,alinaw ang color at texture ng pill na kamukha ng isang Spirit Petrification Elixir. Ayon sa ‘Infinite Elixir Manual”, “isa ito sa mga nangungunang pill na pinag aagawan ng mga cultivator.



“Maaari kayang nagkakamali lang ito sa bagay na iyan?” isip ni Darryl.




Habang nagmamalaki namang tumitingin si Declan sa kaniyang mga kaklase habang hawak ang box na may lamang pill.



“Miss Katherine, tinatawag poi to bilang Spirit Pertrification Elixir. Binili ko ito sa isang naggagalang cultivator na napadaan sa aming tahanan. Miss Katherine, ginawa lang ang pill na ito para sa isang Martial Marquis. Hindi ito magkakaroon ng kahit na anong epekto sa mga cultivators na mas mababa sa Martial Marquis, pero sa mga cultivator na isa nang Martial Marquis o higit pa, makakaranas ang mga ito ng isang rebirthing effect.”



“Isang Rebirthing Effect?” isip ng lahat.



Agad namang umingay ang buong room habang mas nagugulat ang buong klase sa kanilang narinig. Isa nang Level One Martial Marquis si Katherine, pero matapos inumin ang pill na ito nakapagparanas sa kaniya ng isang rebirthing effect, agad siyang mas nagging katakot takot.



Kahit na nagging kalmado si Katherine, nakaramdam siya ng matinding pananabik matapos marinig ang bagay na iyon. Narinig niya na hindi pa raw nakikita kailanman ang pill na ito. Tama nga si Declan nang sabihin nito na para lang sa mga cultivator na hindi mababa sa Martial Marquis ang Spirit Pertrification Elixir, na makapagpapalakas sa kanilang mga kakayahan. Mas magiging malakas nang husto ang isang Martial Marquis na uminom ng pill kaysa sa isang Martial Marquis na hindi uminom nito.



Kinuha ni Declan ang pill mula sa box at iniabot kay Katherine. “Isa poi tong regalo na espesyal kong hinanda para sa iyo, Ms. Katherine. Kung hindi niyo poi to iinumin, masasayang lang po ang pill na iyan sa akin.”



Matapos marinig ang mga sinabi nito, nakangiting tinanggap ni Katherina ng pill.



“Bakit hindi mo pa inumin ang pill na iyan ngayon, Ms. Katherin? Para Makita na rin po namin kung ano ang itsura ng isang rebirthing effect.” Sabi ng tumatayong si Miles.



Agad na tinango ng lahat ang kanilang mga ulo habang napupuno ng pagkasabik ang kanilang mga mata. Iniisip nilang lahat kung ano ang pakiramdam ng p[agtungtong sa level ng isang Martial Marquis.



Matapos mapansin ang pagtingin na ginagawa sa kaniya ng lahat, ngumiti si Katherine at sinimulang inumin ang pill.


“Huwag!” tumatayong sinabi ni Darryl para pigilan ang kaniyang guro.


“Bakit naman Darryl?” tanong ng nacoconfuse na si Katherine.



Ditto na nakasimangot na tiningnan ng lahat si Darryl.



“Ano nanaman baa ng gusting mangyari ng walang kuwentang manugang na ito ngayon?” isip ng lahat.



Huminga ng malalim si Darryl at sinabing “Malaki ang tiyansa na hindi gumana ang pill na ito, Ms. Katherin. Kaya huwag niyo na po iyang inumin.”



Agad na napatitig ang gulat niyang mga kasama sa kaniya.


Nagalit nang husto si Declan habang sumisinghal na sinasabing. “Ano nanaman bang problema mong hayop ka, Darryl?”

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now