KABANATA CCLXXVI

971 19 7
                                    

Hindi lang pinakamaganda ang titulong nakuha ni Circe sa kaniyang klase, dahil siya rin ang itinuring na belle ng Hexad. Siya ang nagging sentro ng atensyon sa lahat ng lugar na kaniyang puntahan.

Naglakad siya palapit kay Darryl. Agad na napunta ang mata ng lahat kay Darryl nang lumakad si Circe palapit dito. Inangat niya ang kaniyang braso habang nagdedemand na. “Ibalik mo na ang cellphone ko, Darryl.”

Tinawagan ni Evelyn kaninang umaga ang Newman para sabihan si Circe na nakay Darryl ang kaniyang cellphone.

Ano? Kinuha ni Darryl ang cellphone ni Circe?

Bahagyang nagulat at naconfuse ang lahat sa kanilang narinig.

Awkward na ibinalik ni Darryl ang cellphone ni Circe. “Pasensya na.” tawa nito.

“Ibabalik ko sana ito sa iyo kagabi pero nakaalis ka na noong maalala koi to.”

Nag isip siya ng dahilan kung bakit napunta sa kaniya ang cellphone nito kagabi.

“Bakit napunta sa iyo ang phone ko?” simangot ni Circe.

Nagalit siya kay Darryl. Hawak ni Darryl ang phone niya buong gabi, kaya Malaki ang tiyansa na nakita nito ang laman ng kaniyang phone! Madaling magalit si Circe pero agad siyang nagngitngit nang maisip ito.



Tumitig siya kay Darryl. Agad na mababalot ng takot ang kahit na sinong ordinaryong tao na makkakita nito, pero kalmado pa ring sumagot si Darryl ng. “Napulot ko lang ito.”


Napulot lang?


Dito na nagsusptsa si Circe. “Impossible.” Nagagalit niyang sinabi.


“Palagi kong dala dala ang cellphone ko. Kaya impossibleng mamisplace ko ito.”


Hindi siya mahilig maglaro ng games sa kaniyang p[hone. Ginagamit lang niya ito sa mga tawag. Ipinaliwanag niya na hindi niya nagawang hawakan ng kahit isang beses ang kaniyang phone sa Oriental Pearl kahapon. Pero kung nagawa man niya itong kunin, nakuha kaya ito ni Darryl sa kaniyang bulsa?


“Grabe, nahihirapan na akong gumawa ng dahilan.” Isip ni Darryl habang mapait na ngumiti kay Circe.


“Huwag ka nang magmalinis Darryl.” Singhal ni Miles.


“Ninakaw mo ba talaga ang cellphone ni Circe? Sinubukan mo ba itong ibenta para kumita nang mabilis?”



Siguradong wala nang pera si Darryl kaya nagawa na niyang magnakaw ng cellphone na kaniyang maibebenta!


Tumawa rito si Darryl at hindi nagsalita ng kahit na ano. Bakit ba pasulpot sulpotr ang mangmang na si Miles saan man siya magpunta? Masyadong nagging malakas ang boses nito. Narinig ng lahat maging ng mga estudyante sa labas nang malinaw ang mga sinabi nito. Kaya agad na napatitig ang lahat kay Darryl.


Dito na Tumayo si Trent at sinabing. “Alam niyo bang nagkita kami ni Darryl noon sa kulungan?” tawa nito.


“Hulaan niyo kung bakit siya nakulong?”


Pinanatili ni Trent ang distansya niya kay Darryl noong una pero mukhang hindi na maganda ang reputasyon ni Darryl sa klaseng ito. Minamaliit siya ng lahat at itinuturing lang na isang nakikitirang manugang. Kaya ano pa ng aba ang dapat niyang ikatakot?



Tumitig ang lahat kay Trent habang nagsasalita. Si Trent ay may ari ng isa sa mga Martial Club ng Donghai City, kaya natural lang na maging mainitin ang kaniyang ulo. Hindi na maiwasan ng mga taong kagaya nito ang makulong na nagging parte na rin ng kanilang mga buhay. Pero naiba rito si Darryl na isang nakikitirang manugang, wala na siyang ginawa kundi tapusin ang mga gawaing bahay, kaya bakit siya makukulong?



“Bakit?” ngisi ni Miles.


“Sabihin mo sa amin!”


“Ano sa tingin mo?” nainis na ngiti ni Trent.




“Dahil sa pagnanakaw niya ng dalawang mga Iphone! Narinig ko rin na naaresto siya pagkalabas na pagkalabas niya ng tindahan! May mas mamangmang pa ba rito?”



Hahaha! Nakakatawa. Pagnanakaw ng mga phone? Haha!



Agad na umingay ang buong klase kakatawa. Ang iba ay halos maiyak na sa tindi nilang pagtawa, nakakatawa talaga ang mangmang na ito, nagawa niyang makulong sa pagnanakaw!



Habang nagtatawanan, kinamumuhian na tiningnan si Darryl ng ilang mga babae sa kanilang klase. Gaano ba siya kahirap para magawang magnakaw ng mga cellphone?

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now