KABANATA CCLXXIV

509 8 1
                                    

Nagmukha namang proud at arogante si Miles habang nakatayo sa likuran ni Declan. “Nagkakahalaga ng thirty million ang dinner na ito pero wala lang iyon para kay Declan.” Nagyayabang nitong sabi.


Napakasipsip talaga ng isang ito.


Tumango at sumang ayon naman sa kaniya ang buong klase. Gusting gusto ni Declan na pinupuri siya ng lahat, pero nakaramdam pa rin siya ng pait sa kaniyang loob. Nawala ang twenty eight millin sa kaniyang bank account sa loob lang ng isang iglap. Hindi niya rin magagawang manghingi sa kaniyang ama ng pera sa loob ng anim na buwan. Atleast ay magagawa na niyang makuha ang posisyon ng class monitor bukas.


Umalis ang lahat sakay ng kanikanilang sasakyan, pero walang sinuman ang nagpasakay kay Darryl. Kaya napipilitang sabihan na. “Sige na nga, ako na ang maghahatid sayo pauwi.”


Tumawa naman si Darryl habang tumatango.


Sa sasakyan, nasurpresa si Katherine matapos malaman na nakatira si Darryl sa Peak Mansions.


Ang Peak Mansions ay ang pinakamarangyang lugar sa buong Donghai City. Isa lang nakikitirang manugang si Darryl kaya paano niya nagawang tumira rito?


“Opo, binili ng asawa ko ang bahay namin dito.” Tango ni Darryl. Pero siya talaga ang nagbigay ng pera sa livestream ng kaniyang asawa na ginamit nitong pambili sa kanilang bahay.


“Galing sa asawa mo ang perang iyon Darryl. Hindi mo dapat tinetake advantage ang mga ganitong klase ng bagay.” Sermon ni Katherine habang naaalala ang isang bagay na biglang pumasok sa kaniyang isipan.


Dito na siya muling Nagpatuloy sa kaniyang sermon, bakit nga ba ganito kaingay ang isang magandang guro na kagaya niya? Wala na rin naman sila sa klase. Ano ang meron sa mga life lessons na ibinibigay nito kay Darryl?



Mapait namang ngumiti si Darryl habang tumatangong sumasagot ng. “Naiintindihan ko po Ms. Katherine.”


Tumango naman pabalik dito si Katherine. Dito na siya biglang napasimangot habang unti unting sumasakit ang kaniyang tiyan. Nagsimula na siyang magpawis at magpanic nang kaunti. Ano ang nangyayari sa kaniya?


Nang mapansin ang kakaibang nangyari kay Katherine agad na nagtanong si Darryl ng. “Okay lang po ba kayo Ms. Katherine?”


“Hindi rin ako sigurado.” Iling niya sa kaniyang ulo.


“Hindi naman ako madalas uminom kaya baka dahil lang ito sa alak na ininom ko kanina.”


Napaatras naman dito si Darryl. Dahil kung titingnan, mukhang hindi naman siya lasing. Mukha siyang nalalason, pero hindi naman ito seryoso. Maari kayang dahil ito sa Spirit Pertrification Wlixir? Nawala na amg epekto ng pill na ito kaya agad namang matatanggap ng sinumang iinom nito ang iba nitong mga nakatagong side effect. Para naman sa kung ano ano ang mga side effect na ito, hindi ito malinaw para kay Darryl. Kinakailangan niya munang basahin ang Infinite Elixir Manual.



Nangmakarating siya sa kanilang bahay, agad niyang hinanap ang Infinite Elixir Manual. Agad siyang nagulat nang makita niya ang tungkol sa Spirit Pertrification Elixir na ininom ng kaniyang guro.


Detalyadong sinabi sa Infinite Elixir Manual na sa sandaling mabilad ang Spirit Pertrification Elixir sa araw, agad na sasailalim sa pagbabago ang mga sangkap na ginamit sa paggawa nito. Hindi ito katulad ng Godly Pill na magiging isang nakamamatay na lason sa sandaling mawala ang orihinal nitong epekto.


Naiba rito ang kaso ng Spirit Pertrification Eliuxir. Kung ikukumpara sa Godly Pill, sa sandaling mawala ang orihinal nitong epekto, agad na makakaramdam ang sinumang uminom nito ng pagpapawis at pagkahilo. Sa susunod na araw ay bababa ang cultivator na uminom nito ng dalawang levels. Hindi ito titigil hanggang sa bumalik ang cultivator na ito sa pagiging ordinaryong tao.


Isa nang Level One Master Marquis si Katherine, pero agad siyang magiging isang Level Four Master General bukas at Level Two Master General sa makalawa. Sa loob ng isang lingo ay magagawa na nitong bumalik sa pagiging isang ordinaryong tao.


“Hayop.” Buntong hininga nito. Masyadong masaklap ang nagging side effect ng elixir na ito.


Ring! Ring!


Napatalon si Darryl sa kaniyang kinauupuan. Dito niya naalalang nasa kaniya pa pala ang cellphone ni Circe Newman. Nakalimutan niya itong ibalik kay Circe sa Oriental Pearl.


Sino ba ang tatawag sa kaniya nang ganitong kalate? Kaya sa sobrang curious, sinagot ni Darryl ang tawag. Dito na siya natigilan sa kaniyang narinig.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now