KABANATA CCLII

778 13 7
                                    

Magdamag na nag iinuman si Darryl at Dax, nag usap at nah enjoy. Wala na silang ideya kung gaano karami ang nainom at kung paano nakatulog.

Ginising sila ni Nancy kinabukasan. Naka itim na fringed dress at nakaheels ito, charming as usual.

"Dax, Darryl, gumising na kayo! Kailangan niyo nang magregister sa Hexad School nakalimutan niyo na ba?" Sabi ni Nancy.

Napatalon si Dax. "Ahh! Nakalimutan ko ang tungkol jan. Darryl bilis, maghilamos ka na!"

....

Napaka lively ng Donghai City noong araw na yun.

Opening na ng Hexad School at excited ang lahat na makita iyon.

Napuno ng private cars ang entrance ng school, higit sa twenty thousand na estudyante ang nagtipon sa square at nag antay.

Sa ganitong sitwasyon ay abala ang lahat ng kalalakihan sa pagtingin sa magagandang babae. Sa katunayan ay napakaraming naggagandahang kababaihan sa school na ito.

"Tingnan niyo guys! Ang ganda ng naka dress na chick na iyon."

"Ang sexy ng naka short skirt na yun!"

Nagsalitan ng mga Ankita ang mga lalaki.

May mga pamilya na mukha sa crowd: Lily, Elsa, William, Yvonne at Justin. Nag sign up rin sila sa program.

Bigla nakarinig sila ng ingay ng engine.

Lahat ay napa tingin sa Rolls Royce.

"Damn, Rolls Royce!"

"Diba milyon milyon ang halaga niyan? Narinig ko na pati ang paying sa loob niyan ay libo libo ang halaga!"

Pumarada ang Rolls Royce at dahan dahang lumabas ang isang lalaki. Si Kent Hough, nakabihis ito ng branded na mga damit at kinulayan ang buhok nito ng makintab na dilaw. Hindi ito ang pinaka magandang itsura pero macoconsider pa rin siyang guwapo dahil lumabas siya sa isang Rolls Royce. Maraming babae ang napatitig sa kaniya.

Naglakad si Megan Castello katabi nito. Nag stand out ang ganda nito sa ibang babae, sa isip ni Kent ay napaka guwapo niya at bahagyang tinabig ang buhok. Nag eenjoy siya kapag nasa sentro siya ng atraksyon.

Pero tatlong oras lang ang tinagal nito dahil sa kabilang banda ay napukaw ang atensyon ng lahat nang may dumating na Lamborghini.

"Damn! Sports Car? Isang sports Car!"

"First time ko makakita ng ganitong sasakyan! Napaka ganda! At least ten million ito!"

Pumalibot ang mga fans ng sasakyan sa sobrang excited, lumapit rin ang mga babae para makita kung sino ang nag dadrive nito.

Pumarada ang Lamborghini at lumabas ang isang guwapong lalaki mula rito.

"Si Mr. Claydon. Gordon Claydon!"

Nasa clothing industry ang Clayton family, malaki at mayaman ang pamilya. May mga business sila buong bansa, so Gordon Claydon ang tagapagmana. Napaka guwapo ni Gordon at nababaliw ang mga kababaihan dahil sa Lamborghini nito, hindi na nakakapagtaka na may ilang kababaihan ang sumigaw nang makita siya.

"Tingnan niyo, may paparating!" Sigaw ng isa sa crowd at lahat ay napatingin.

Ang kaguluhan ay biglang naging katahimikan.


Isang extended Lincoln ang dahan dahang dumaan. Napapalibutan ito ng daang daang kalalakihan na naka itim, kaya naman talagang naging sobrang nakakamangha ang senaryo.

Sino Kaya ito? Kahit ang mga tagapagmana ng mayayamang pamilya ay nagulat at napatitig.

Ang extended Lincoln ay customized edition at may tiyansang hindi lalagpas sa lima ang mayroon nito sa mundo.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now