KABANATA CCLXXII

811 12 6
                                    

Papunta si Circe sa washroom nang makapasok si Darryl sa dining area.

Isang pilyong bagay ang pumasok sa kaniyang isip, na nakapagpatawa sa kaniya nang pabulong.

“Hindi niya magagawang magbayad kung nanakawin ko ang cellphone at purse ni Circe. Tingnan natin kung anon a ang mangyayari ngayon kay Declan!”

Ditto na niya binangga si Circe kasabay ng mabilis na pagkuha sad ala nitong cellphone at purse.

Tagumpay!

Nagawa na niyang basahin ang Shadow Skills kahapon. Masyado talagang nakakakaba ang paggawa sa mga itinuro nito sa unang beses, pero sa kabutihang palad ay nagawa rin niya itong gawin.

Natatawa si Darryl na sobrang pagkasabik sa kaniyang loob, pero nagkunwari siyang nahihiya habang humihingi ng tawad kay Circe. “Pasensya ka na. nagmamadali kasi ako kaya hindi kita napansin.”

Ditto na tiningnan maigi nbi Darryl si Circe. Maganda. Napakaganda.

Habang nasa dinner, si Circe ang may pinakakakaunting nainom sa kanilang lahat, pero malinaw na makikita nang kahit na sino ang pamumula ng maselan niyang mukha. Sinamahan pa ito nang nanlalamig niyang personality na nakapagpaseductive sa kaniyang napakagandang itsura.

Masyadong nagging mabilis at maliksi ang ginawang paggalaw ni Darryl kaya hindi narealize ni Circe ang pagkawala ng kaniyang phone at purse.

“Okay lang,” bulong nito, agad itong naglakad palayo pagkatapos nitong magsalita.

Wala siyang pakialam kung sinadya bang gawin ni Darryl o hindi. Pero hindi rito natuwa ang ibang mga lalaki na nakakita sa pangyayari.

Hayop. Paano nagawa nang talunang ito na mabangga ang isang napakagandang babae na kagaya niya?

Habang nakakaramdam ng magkahalong inggit at irita, iniinsulto nilang tiningnan si Darryl.

“Bulag k aba Darryl? Hindi k aba marunong tumingin sa dinaraanan mo?”

“Sinadya moa ng bagay na ito no? wala  ka na talaga sa sarili mo.”


Agad na nagbato ang mga ito ng mga insult kay Darryl, pero binalewala niya lang ang mga ito habang bumabalik ssa kaniyang kinauupuan.

Nang magsisialis na ang klase pagkatapos ng dinner na ito, agad na hinampas ni Declan ang lamesa para magkunwaring lasing at wala sa sarili.

Dito na nagulat ang lahat. Siya nag manglilibre sa kanila sa dinner na ito, kaya paano niya nagawang magpakalasing nang ganito? Walang sinuman sa kanila ang maaaring umalis sa sandaling hindi niya mabayaran ang kanilang bill.


Agad na ring lumapit ang naglalasing lasingan ding si Miles para tapik tapikin ang likuran nito.

“Declan! Declan! Oras na para umalis!” sigaw nito.

Hindi naman gumawa ng kahit na anong kilos si Declan habang nagkukunwari na hindi niya ito naririnig.

'Grabe ang galing talagang umarte ng dalawang ito.'


Natutuwa naman silang pinanood ni Darryl.

Habang iniisip naman ng iba -- na walang kaalam alam sa pinaplano ng dalawa--na tuluyan nang nalasing si Declan.

Hinila ng isa sa kanila si Miles palayo kay Declan. "Okay lang iyan. Wala na siya sa sarili kaya wala nang magagawa ang mga pagsigaw mo." Sabi nito.


Dito na nagtanong ang walang magawang si Miles. "Ano na ang gagawin natin? Hindi pa natin nababayaran ang mga kinain natin ngayon."


Dito na nagtanong sa waiter ng. "Puwede po ba namin malaman ang total amount ng mga nakain namin?"


Naglakad naman ang waiter papasok dala ang bill.

"Sir, ang total amount po ng inyong nakain ay nasa twenty eight million, three hundred and fifty thousand dollars." Sagot ng waiter.

Halos sumampa na ng thirty million ang kinain nilang ito?


Dito na nagulat ang lahat. Kahit na nagmula sila sa mayayamang pamilya, hindi pa rin nila nagagawang gumastos nang ganito kalaki sa isang pagkain.



Maging si Miles ay natigilan dito.


“Grabe?” nagngangalit niyong sinabi.


“Nasa five million dollars lang ang pocket money na natatanggap ko kada kalahating taon!”



Sinubukan niyang ipakita na gusto niyang magbayad pero kulang ang kaniyang pera para masagot ang bill.


Natahimik naman ang iba nilang mga kasama. Sino ngayon sa kanila ang may kakayahang maglabas ng halos thirty million dollars para sa bill na ito?


“Sandal ilang, hindi ba ginamit natin ang VIP card ni Darryl para ireserve ang kuwartong ito?” sabi ng isa sa kanila.


“Puwede ban ating ilagay na lang ito sa bill niya? Puwede namang bayaran ni Declan si Darryl bukas sa sandaling bumalik na siya sa dati.”



Sumang ayon namang tumango ang lahat. Dito na natawa si Darryl sa kaniyang sarili.


“Grabe ang mga hayop na ito. Una ay nagawa nila akong insultuhin nang walang rason. At ngayon ay gusto naman nila akong gamitin ngayong kailangan na nila ng tulong.”


Humingi nang paumanhin ang waiter at sinabing. “Pasensya nap o talaga. Pero hindi po namin puwedeng icharge ito sa card, maging sa mga VIP naming mga bisita.”



Muling natahimil ang buong klase. Kung hindi nila ito maichacharge sa card, magiging mahirap ang gagawin nilang pagbabayad dito.


“Ako na amg magbabayad.” Dito na nagsalita si Circe.


Nagpasalamat sila sa pagkukusang ito ni Circe. Agad na napahiyaw ang lahat sa kanilang mga puso. Nagmula ito sa pamilya Newman ng Kyoto City kaya barya lang para sa kaniya ang halagang ito.


Kukunin n asana niya ang kaniyang phone nang mapasimangot si Circe. Kakaiba ang mga nangyari dahil wala na sa kaniyang bulsa ang kaniyang cellphone at purse na pareho niyang dinala. Ano nangyari?

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now