CHAPTER CCXIV

4.2K 33 13
                                    

Galit at napahiya si Brandon. Tinawagan nito si Dax para humingi ng tawad at sinabing magbabayad na lang ito dahil sa dinulot na gulo.

"F*ck off." Sagot ni Dax bago nito ibaba ang tawag.

Hindi p namumura ng ganoon si Brandon lalo na sa pisisyon niya ngayon, galit ito at nangakong maghihiganti.

Pagtapos ay nabalitaan niya na si Nancy ang magandang asawa ni Dax.

Napuno ng pagnanasa si Brandon at naisipang ito ang maging paghihiganti kay Dax.

Noong nakaraang linggo pa sinusundan ng tauhan ni Brandon itong si Nancy, hanggang sa tuluyan na itong nagpadala ng sampung malalaking lalaki para kidnapin si Nancy.

Nawalan ng pag asa si Nancy nang mapagtantong walang tutulong sa kaniya. Hindi rin nito inakalang nandoon pala si Darryl.

Pero nagdadalawang isip ito kung kaya bang talunin ni Darryl ang mga lalaki. Maaari pa itong mamatay kung makikielam sa gulo!

"Darryl! Hanapin mo na si Dax!" Natatakot na sumigaw si Nancy habang pumapadyak sa kaba.

Nilapitan ni Darryl ang mga ito nang walang intensyong umatras.

Nasa peligro ang asawa ng kapatid nito at hindi niya matatawag na lalaki ang sarili kung hindi niya maliligtas ito.

"Hoy! Gusto mo bang mamatay?"

Dinuro ng leader na kalbo si Darryl at tinitigan ito para matakot.

Daang daang tao ang pumalibot para manood pero walang nagtangkang tumulong.

"Wala akong pake kung sino ka, bibigyan kita ng dalawang minuto para umalis sa paningin ko." Sabi ni Darryl.

Hindi nito hahayaang makuha nila si Nancy kahit ano pa ang mangyari.

Masasamang tao ang mga ito at paniguradong dudumihan nila ang pagkatao ni Nancy pag nakuha nila ito.

"Nahihibang kana ba? Bakit nangingialam ka dito? Boys, tapusin niyo siya!" May pagbabantang tinaasan nito ng kilay si Darryl.

Pinakawalan ng mga lalaki si Nancy mula sa pagkakahawak at pinalibutan ng mga ito si Darryl, may mga nakatago palang bakal na tubo ang mga ito.

"Darryl huwag kang magpabasta basta! Makinig ka sa akin at tawagin mo na si Dax!" Sobrang kinakabahan si Nancy --- pingpapawisan ito. Tinulak nito papalayo si Darryl puno ng pag aalala ang maganda nitong mukha.

"Umalis kana! Marami sila masyado hindi ka mananalo. Umalis kana!"

Hinila ni Darryl si Nancy at dinala s likod nito. "Huwag ka nang magsalita, jan ka lang sa likod ko."

"Ikaw---!"

Napakagat na lamang sa labi si Nancy dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman nito.

Ngunit masyado pa din itong kinakabahan dahil sa hindi pag  iisip ni Darryl! Alam nitong magaling si Darryl pero paano nito matatalo ang ganito kadami?

"Tapusin niyo na siya!" nagmamadaling sabi nito.

'Masyadong stupido o di kaya'y retarded ang batang to para maag astang bayani, baka nga baliw siya.'

Isang malamig na ngiti  ang makikita sa mukha ni Darryl habang iniipon nito ang cultivated internal energy. Pagtapos ay agad itong sumugod.

Thump... Thump... Thump...

Sumuntok si Darryl ng pito o walong beses at napahiga ang ibang kalaban nito sa loob lamang ng limang segundo!

Maganda ang naging kombinasyon ng Wing Chun at tumataas na cultivation level nito. Hindi isang biro ang kakayahan ng isang level Four Master!

Pero hindi kayang talunin n isang malakas na lobo ang grupo ng mga aso.

Masyado silang marami. Mayroon silang steel pipe at matulis na kutsilyo.

Agad na pinalibutan ng iba si Darryl nang mapagtanto ng natalo na ang mga kakampi nila. Walang imik nilang sinugod si Darryl, handang pabagsakin ito!

Nagsimulang magpanic si Darryl, pinagpawisan ito ng malamig.

"Patayin niyo siya!" Utos ng kalbo.

Paniguradong mapaparusahan siya kapag hindi niya nagawang kidnapin si Nancy lalo’t may dala siyang dalawampung tauhan!

Thump! Thump! Thump!

Ilang hataw ng steel pipe ang naglanding sa ulo ni Darryl. Nagsimula nang umnagos ang dugo sa mukha nito.

Hindi dapat sila masusugatan ng ganito kahit na mag isa lamang siya. Kailangan niyang protektahan si Nancy at gusto niyang gamitin ang Blood Drinking Sword ngunit wala nang oras. Mabilis ang paglanding ng mga steel pipes at kutsilyo sa kanya, nagdusa ito sa bawat landing ng mga instrumento.

May sumaksak sa likod ni Darryl, mabilis na kumalat sa damit nito ang dugo.

"Darryl!"

Napatitig si Nancy sa likod ni Darryl, mangiyak ngiyak itong nakakagat ng mariin sa labi.

Narandaman ni Darryl na nawawalan n siya ng lakas, matamlay na rin ang paggalaw nito. Hindi ma siya makakatagal pa.

"Kunin nkyo ang babae, bilis!" Sigaw ni kalbo. Napansin notong dumami ang nanonood, nangangahulugang malapit na dumating ang kapulisan. Naglabas ito ng battle cry na may halong galit at takot habang nakatitig kay Nancy.

Agad na pumalibot ang sampung lalaki kay Nancy.

Napasigaw si Nancy dahil sa hilahang naganap bago pa ito bumagsak sa sahig.

Napansin ito ni Darryl at agad na niyakap ito para protektahan at nag ngisi ang ngipin sa galit!

Sobrang na touch si Nancy dahil dito.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now