KABANATA CCLXXXI

500 5 3
                                    

Walang pinagsabihan na kahit na sino si Katherine na bumagsak siya ng dalawang level at nagging insag Level Four Master General na lamang. Kaya paano ito nalaman ni Darryl?


“Miss Katherine.” Tawa ni Darryl habang dahan dahang nagsasalita. “Gaya ng sinabi ko kahapon, mayroong issue ang Spirit Petrification Elixir na binigay ni Declan sa inyo kahapon. Pero sa kasamaang palad, walang kahit na sino ang naniwala sa akin.”


Hindi  naman ito sinagot ni Katherine, ninenerbiyos niyang kinagat ang kaniyang labi. Dahil ng aba talaga sa Spirit Pertification Elixir?


“Kung hindi ako nagkamali, babagsak ka ng dalawa pang level sa bawat sumunod na araw.” Nagpatuloy si Darryl.


“Ayon sa kasalukuyan mong level, magiging isang ordinaryong tao ka na lang sa loob ng isang lingo.”



Ditto na nagdilim ang itsura ni Katherine. Agad na nagpakita ang takot sa kaniyang mga mata habang nanginginig ang kaniyang mga labi.


Naghirap siya nang husto para maging isang Level One Master Marquis. Nagawa pa niyang maging isang Elder ng Xiaoyao Sect! nirerespeto siya ng lahat nang dahil ditto.


Kaya sa sandaling bumalik siya sa pagiging isang ordinaryong tao, siguradong mawawala sa kaniya ang lahat ng ito.



Agad na nagblangko ang isip ni Katherine. “Darryl, naisip mo bang sabihin sa akin ang kasinungalingang ito para takutin ako?” singhal niya.


Bumalik na siya sa realidad. Narinig niya ang tungkol sa Spirit Pertrification Elixir pero hindi siya naniniwala na mayroon itong matinding side effect.



Hindi naman na ito ipinaliwanag pa ni Darryl. “Wala ka nang magagawa kung ayaw mong maniwala sa akin.” Nagbabalewalang sinabi ni Darryl.



“Mayroon sana akong paraan para mapigilan ito. Pag isipan mo muna poi to at sabihan ako sa sandaling interesado ka nap o rito.” Tawa ni Darryl habang bumabalik sa classroom.



Mayroon siyang paraan para mapigilan ito?


Sinundan siya ni Katherine papasok sa classroom. Hindi na ito nakapagconcentrate pa sa klase. Kung tama nga si Darryl sa pagbaba ng kaniyang level, anon a ang dapat niyang gawin?



Habang nasa klase, humarap si Circe kay Darryl habang bumabangga sa lamesa ng upuan nito. Binigyan siya ni Circe ng isang sulat.



“Ano? Isang sulat?”




Binuksan ni Darryl ang note na nagsasabing. “Pasensya ka na at napagbintangan kita, Darryl.” Malinaw itong nakasulat sa papel.



Napakamot naman sa kaniyang ulo si Darryl habang iniisip kung ano baa ng dapat niyang isagot sa note na ito. Hindi sapat ang simpleng “Okay lang.” para rito. Magmumukha siyang walang manners sa sandaling ito ang isagot niya kay Circe. Pero magmumukha naman siyang nagrereklamo sa sandaling magsulat siya nang magaba rito.



Ditto na biglang nagvibrate ang cellphone ni Darryl. Tiningnan niya ito at napasimangot sa kaniyang nakita. Mayroong higit sampung mga text message ang kaniyang natanggap, nagmula ang lahat ng ito kay Abby Guy. Tinanong niya kahapon si Abby kung naghahanap siya ng gulo kay Dax Sanders. Ito ang nagging dahilan kung bakit nakumpiska ni Katherine ang kaniyang phone sa klase.



Binuksan ni Darryl ang mga text. Naglalaman ang mga ito ng mga paghingi ng tawad ni Abby.



“Hindi ko na magagawang hawakan si Dax Sanders sa hinaharap, Master. Huwag ka na pong magalit.”



“Hindi ko nap o uulitin ang pagkakamaling ito, Master. Pakiusap, huwag ka na pong magalit.”

Halos nagging iisa lang ang laman ng mga mensaheng ito.


Napasimangot naman si Darryl habang sumasagot ng. “Si Dax Sanders ang isa sa malalapit kong kinakapatid. Kaya sa sandaling ipasok mo ulit siya sa isang gulo, kalaban na ang magiging turing ko sa iyo. Huwag ka nang mangarap na makakuha ng Godly Pill sa akin. At umasa na magiging isa kitang apprentice.”




Hindi na rin mapakali si Circe sa mga sandaling ito. “Hindi ba niya nabasa ang sulat ko?” isip nito. Tumingin siya sa kaniyang paligid para tingnan ito pero agad siyang natigilan at hindi natuwa sa kaniyang nakita.



Napansin niya na nakabukas ang kaniyang note pero nakalagay lang ito sa gilid ng lamesa ni Darryl habang si Darryl naman ay abalang abala sa paglalaro ng kaniyang cellphone.



Paano nito nagawang balewalain ang kaniyang note? Nagalit si Circce habang nagsisimulang manginig ang buo niyang katawan. Siya ang pinapangarap ng maraming mga lalaki na kaniyang nakakasalamuha.


Nagawa na niyang iyuko ang kaniyang ulo para humingi ng tawad pero nagawa pa rin siya nitong balewalain! Mahina itong suminghal at tumingin sa ibang direksyon.


Nasakaniyang cellphone ang focus ni Darryl. Nagawang bugbugin ni Abby ang kaniyang best friend pero nagawa pa rin siya nitong tawagin bilang master, habang humihiling na turuan siya nito ng Art sa p[aggawa ng mga Elixir. Isa lang bang three years old na bata si Darryl para ganituhin ni Abby?



Habang si Abby— sa kabilang banda— ay nakatanggap ng isang text message mula kay Darryl. Ditto na siya nababagabag na sumagot ng.
“Nagkamali po talaga ako Master. Nangangako po ako na hindi ko na ito uulitin.”



“Tingnan natin.” Bungisngis ni Darryl.



Itinago niya nag kaniyang cellphone at nakalimutan ang tungkol sa note. Ditto na siya nagfocus sa pagtuturo ni Katherine sa mga acupoints na matatgpuan sa katawan ng isang tao.






Sa tahanan ng mga Darby.



Pumayag na rin ang nakatatandang Darby sa request ng Abbess Mother Serendipity. Sumang ayon siya na patirahin ang mga tagasunod ng Emei Sect sa mansyong nasa tabi ng mansyong tinitirhan ng mga Darby.



Matapos Makita na puro babae ang mga tagasunod ng Emei, ipinagbawal niya ang pagpasok ng mga lalaking miyembro at tagasunod ng pamilya Darby sa mansyong tinutuluyan ni Emei.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now