KABANATA CCXLVI

846 15 7
                                    

Stab! Stab! Stab!

Paulit ulit na tumusok sa kaniya ang kutsilyo habang umaagos ang dugo sa sahig. Nahimatay si Donoghue pero hindi pa rin tumitigil si Darryl. May takot na tiningnan si Darryl ng lahat ng miyembro ng Eternal Life Palace Sect, kinilabutan ang lahat dahil sa naging aksyon ni Darryl.

....

Walang emosyon na lumabas ng bar si Darryl makalipas ang kalahatinh oras.

"Darryl, saglit lang..." Sinundan siya ng nagpapanic na si Lily. Nawala na ang epekto ng droga sa katawan nito kaya naman kaya na niyang makalakad ng mag isa.

Hindi huminto si Darryl patungo sa kotse na para bang wala itong narinig.

Nagpapanic na nagmadali si Lily, hinawakan nito ang kamay ni Darryl upang mapahinto.

”Darryl, I’m sorry. Please huwag kang umalis.”

Haha…

Inalis ni Darryl ang kamay at malamig na nagsaliya. “Ngayon nagsosorry ka? Anong ginawa mo kahapon nung tinulungan ka ni Dax? Sinabihan ka na niya na masamang tao si Donoghue, anong iniisip mo?”

Kinagat ni Lily ang kaniyang mga labi. Guilty pero sumang ayon. “Darryl, sorry na nga eh! Puwede bang maging reasonable ka? Hindo ko kayang magbasa ng isip, paano ko malalaman na hindi mabuting tao si Donoghue? Isa pa, binayaran niya ako ng malaking halaga kaya paano ako makakatanggi?”

Nangitim ang mukha ni Darryl at nanatiling tahimik.

Namumula ang natatarantang si Lily.

“pinalayas na rin ako ng pamilya ko. Wala akong choice kundi maging anchor, nasaan ka noong pinaka kailangan kita? Tinulungan mo manlang ba ako? Ngayon nagpakita ka bigla at sinabi saking…” Mas bumigat ang paghinga nito habang nakatitig kay Darryl.

Isinara ni Darryl ang mga kamao. “Palagi lang akong nandito! Sa tatlong taon natin biglang mag asawa, hindi ako umalis! Magkano ang binayad niya sayo? Wala pa sa one-tenth ng binayad ko sayo ang binayad niya.”

Kinilabutan ang buong katawan ni Lily habang blangkong nakatitig kay Darryl.

Ang taong nagbayad ng pinakamalaki ay si ‘Hill’… Hill… Hill… Darryl… Ryl… Hill! Nag rhyme ang pangalan niyo kay Hill!

Darryl ‘Hill’ ang online nickname ni Darryl!

Sobrang nanginig ang buong katawan ni Lily at hindi ito makapagsalita.

“Darryl, nagkamali ako. I’m very sorry… please, mapapatawad mo pa ba ko? I’m sorry…”

Makalipas ang sampung segundi, nagmakaawa si Lily habnag nakahawak ng mahigpit sa wrist ni Darryl.

Napag alamang nandoon lamang si Darryl sa tabi niya mula umpisa, marami na rin itong nagawa para sa kaniya.

“Habang buhay nang naka wheelchair si Dax dahil sayo, alam mo ba yun? Alam mo ba? Lumpo na siya. Nalumpo siya dahil sayo!”

“Darryl…”

Hindi gumalaw ang nakatayong si Lily habang pinapanood nito paalis si Darry sakay ng kotse, naiyak na lamang siya.

Hindi alam ni Lily kung paano nakauwi dahil sobra ang nararamdaman nitong guilt at pagsisisi.

….

Kinabukasan, hindi parin umalis si Lily sa kaniyang kuwarto at hindi rin ito nakatulog buong gabi kakaisip sa mga nangyari noong nakaraang dalawang araw.

Bakit hindi siya nakinig kay Dax noong pinapaalis na siya nito? Parang magkapatid na ang turingan ni Dax at Darryl, siyempre ay hindi naman siya papaalisin nito ng walang rason!

Isa siyang hangal! Hindi niya mapapatawad ang sarili lalo na noong nakita niya ang sugatang si Dax na nakahandusay sa sahig pero hindi manlang niya nagawang tulungan!

Sobra siyang nagsisisi sa mga nagawa at hindi niya nagawa. Punong puno siya ng pagsisisi….”

Pero…

Hindi ba’t nakulong si Darryl dahil sa pagnanakaw? Bakit siya pinalaya kaagad?

Isa pa…. Sino yung mga taong nakasunod sa kaniya palagi? Sino ang mga lalaking iyon?



Makalipas ang ilang araw, napaka lively ng Donghai City. Ang lahat ay nag uusap tungkol sa dalawang breaking news na nangyari sa siyudad.

Ang una ay si Master Dixon, nasaksak sa Donoghue sa kaniyang Dynasty Bar at walang may alam kung sino ang may gawa nito.

Ang alam lamang ng lahat ay nagtamo ito ng tatlong daan at anim na pong saksak at ang lahat ay intension na maiwasan kaya naman mas lumala ang mga ito.

Halatang hindi siya gusting patayin ng may gawa at naghihiganti lamang ito.

Ayon sa balita, agad na dinala si Donoghue sa ICU at nagstay roon ng dalawang gabi, hanggang ngayon.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now