KABANATA CCLXIII

621 11 4
                                    

Ginising ni Lily si Darryl nang umaga na. "Gising na, kailangan natin pumasok sa school."

Nag stretch si Darryl at dahan dahang tumayo. Sobra nitong nagustuhan ang binabasang libro kagabi, napuyat pa ito kakabasa.

Inabutan ito ni Lily ng mga damit. "Maghilamos kana, ipagluluto kita ng agahan."

Umalis na ito at nagtungong kusina.

Nagulat si Darryl sa naramdamang init at lambot sa kaniyang puso. Sa loob ng tatlong taon ay hindi ito pinagluluto ng agahan ni Lily, sanay itong siya ang nagluluto ng mga pagkain. Pero ngayon ay nagbago ng buo si Lily, hindi pa siya sanay rito.

Ngayon ang opisyal na unang araw nila sa Hexad School. Naroon na ang halos lahat ng estudyante sa lahat ng klase nang makarating si Darryl.

'Wierd. Bakit kaya wala pa si Dax? Nasobrahan ata siya ng tulog' sa isip isip ni Darryl.

Nang pumasok ito sa classroom ay agad siyang napakunot, ang unang period lesson ng head teacher at tungkol sa human acupoints.

Sinulat ni Katherine sa board ang: [Human acupoints], at nagsimula nang magturo. "Ang temple ay kilala rin sa tawag na strange acupoint outside our median, ay isang vital part ng katawan ng tao at isa sa mga deadly points. Maaaring mahimatay o mamatay ang isang taong tinamaan sa Temple. Ang Baihui acupoint ay nasa central channel median, nasa tuktok ng ulo. Sa mundo ng cultivation, kapag sinabi ng cultivator ang 'Three Flower Head' ito ang tinutukoy nitong acupoint."

Seryoso ang tono ng nagtuturong si Katherine at walang nagtangkang mag ingay. Sino ba namang mag papanguna ng kaguluhan kung isang martial Marquis ang teacher?

Detalyadong nagturo si Katherine, buo ang atensyon ng mga babaeng nakikinig. Pero marami sa kalalakihan ang hindi masyadong nakikinig dahil lumilipat ang mga mata nito sa katawan ni Katherine. Ngayong araw ay nakabihis iti ng hapit na dress, nagiging sexy at classy tingnan ang katawan nito.

Sino ba namang makakapag focus kung may magandang teacher na nasa podium.

Upang maging patas, maganda iti, pero hindi iyon ang pinaka kaakit akit sa kaniya. Kundi ang pagiging Level One Martial Marquis, ang nakapag stand out sa kaniya sa lahat ng naggagandahang kababaihan.

Wala sa mood si Darryl na iadmire ito, kabado itonh nakahawak sa cellphone.

'Anong nangyari? Bakit wala si Dax dito?' nasa isip nito pagtapos mag send ng mensahe kay Dax.

Hindi nagtagal ay umilaw ang phone nito at nakitang may mensahe galing kay Dax.

[Darryl si Nancy ito, may nangyari nasa ospital ngayon si Dax.]


'Huh? Ospital na naman?' nasa isip nito.

Nangitim ang mukha ni Darryl nang magsend ito ng reply. [Anong nangyari? Bakit siya dinala sa ospital? Dahil ba to sa pamilya Dixon?]

Mabilis na nagreply si Nancy. [Hindi dahil sa Dixon's, dahil kina Brandon at Abby Guy.]

Matagal nang kaaway ni Dax sina Brandon at Abby. Kung hindi lang nila masyadong kinamumuhian si Dax ay hindi nila tatangkaing Kidnap-in si Nancy.

Hanggang ngayon ay sobrang dismayado parin ni Brandon dahil hindi niya nakuha si Nancy noon. Napagalaman nitong pumasok sa Hexad School si Dax kahapon at umalis na ang asawa nito, kaya naman ay hindi na pinalagpas pa ni Brandon ang pagkakataon at nagpadala ito ng tauhan papuntang Sanders para Kidnap-in si Nancy.

Pero naroon si Lolo Saul at hindi nito hahayaang makidnap ang manugang. Naging Level One Martial Marquis na ito dahil sa pag inom ng Godly Pill, kaya naman kaya nitong lumaban at talunin ang lahat. Pero dahil sa matandang edad nito ay nagawa pa rin siyang saksakin ni Brandon bago ito umalis.


Nang makabalik si Dax nang gabibg iyon ay narinig nito ang nangyari sa kaniyang lolo at lubusan itong nakaramdam ng galit. Kaya naman sumugod ito kasama ang higit isang daang tauhan, pero nahulog lamang sila sa patibong ni Brandon.


Alam ni Brandon na pupunta para maghiganti si Dax, kaya naghanda ito ng mga tauhan para sumalubong kay Dax. Sa inaasahan nasuntok ni Brandon si Dax nang nakarating ito roon, pero pinilit pa rin nitong lumaban.

Nang makabalik si Dax sa Sanders ay agad itong nag collapse at hindi na gumising pa.

'Damn it!' napamura nalang si Darryl.

Kung nakita niya lang na mangyayari ito, hindi na sana niya binenta ang Godly Pill sa pamilya Guy.

Huminha ng malalim si Darryl at nagsend ng mensahe kay Abby. [Ikaw na naman ba ang dahilan kaya nagkaproblema uli si Dax?]


‘Sinaktan ng babaeng ito si Dax, pero nag eexpect parin siya na turuan nito paano magpino ng pill? Sa panaginip lang mangyayari iyon!’ sa isip isip ni Darryl.


Nakaamoy si Darryl ng floral scent Habang nagta-type ito. Tiningnan niya ito ng malamig.


Nakangiti ang lahat ng nasa klase.



‘Haha! Ang walang kuwentang manugang ay mayayari ulit!’


Hinampas ni Katherine ang lamesa nito. “Darryl, masyado bang kaunti para sayo ang pagtakbo ng hundred laps? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Sinong pumayag na laruin moa ng phone sa klase?”



Mapait na tumangi si Darryl.



….


Sumilip mula sa second floor na bintana si Rebecca sa Darby mansion at nagkagat ito ng labi Habang hinihimas ang bumibilog nitong tiyan. Ang sanggol ay kay Darrylm pero hindi niya alam kung itutuloy pa nito ang pagbubuntis.


Sa bakuran, umupo ang nakakatandang Darby Habang pinapanood nito ang mga miyembro ng pamilya na nasa harapan.



Pitong tao ang nag pa-practice ng sword moves laban sa isa’t isa sa espasyo na nasa harap ng nakatatandang Darby. Nagpa-practice ang mga ito ng Big Dipper Formation. Kabilang sa pito si Florian, Yumi, Jack, at apat pang miyembro ng pamilya.


Nag-iiba ang steps ng mga ito, nagbabanggaan at magulo ang puwesto ng swords. Sa una ay mukhang magulo ang galaw ng mga ito, pero mapagtatanto mong sabay sabay o makabuluhan ang kanilang galaw kung titingnang maigi. Madalas silang magpalit ng posisyon, mula sa cross formation, tpos ay parallel lines, at iba pa.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now