KABANATA CCLIX

507 13 1
                                    

Ilang araw nang nakakaramdam ng pagsisisi si Lily.

Lalo itong kinabahan dahil sa hindi pagkibo ni Darryl, hinawakan niya ang wrist nito. “I’m really sorry Darryl. Please, pwede ka bang sumama sa akin pauwi?”

Umakto si Darryl na para bang wala siyang narinig. Nagpatuloy ito sa pakikipag usap kay Dax. “Tara na bilis! Di ba sabi mo maghahanap tayo ng pwedeng pagliguan? Maghanap rin tayo ng inumin pagtapos maligo.”

Umiling si Dax. “Hindi ako sasama sayo para uminom at maligo! Tinatanong ka ng asawa mo kung pwede kang sumama sa kaniya pauwi.”

Pagtapos niya itong sabihin ay agad na tumakbo paalis si Dax.

“Darryl sorry na, please patawarin mo n ako at sumama ka na pauwi?” pagmamakaawa ni Lily, namumula na ang mga mata nito nang yakapin niya si Darryl mula sa likod.

Nakapag reflect na ito sa mga nagging aksiyon niya nitong mga nakaraang araw at sobra nitong pinagsisihan ang lahat ng nasabi at nagawa kay Darryl.

“Kung hindi ka sasama sa akin, susundan nalang kita kahit san ka magpunta.” Pagmamakaawa ni Lily Habang kagat nito ang labi.

Matapos niya itong sabihin ay huminga ng malalim si Darryl. “Sige, sige, sasama na ako sayo.”


Hindi rin magiging convenient kung susundan siya nito kahit saan. Okay lang na umuwi kasama nito, pero hindi magiging madali ang mapatawad niya ito.

Habang pauwi ay walang kibo ang walang ekspresyong si Darryl.

.....


Matapos ang kalahating oras ay nakarating na ang mga ito sa Windon Villas.


Naging pinakamagandang desisyon para kay Lily ang pagbili sa villa, nagtaas ang presyo ng mga villa ilang araw lang matapos niya itong bilhin.

Halos magdilim na, nagmistulang anino ang naggagandahang villa dahil sa paglubog ng araw. Pinapalibutan ang mga ito ng bulubundukin, hamog, ang senaryo ay parang imahe, isang paraiso sa ibabaw ng lupa.

Tumango ang natutuwang si Darryl habang nakatingin sa mga villa na itinayo ng kaniyang kumpanya, ang Windon Real Estate. Tama siya sa pagpili kay Jade, lalong lumago ang kumpanya sa pagiging leader nito.

Paniguradong grabe ang naging effort ni Jade sa proyektong ito dahil maganda at pinag isipang maigi ang desenyo ng bawat villa. Naalala pa nito ang sinabi ni Jade, lalong lumago ang mga villa at iisa na lamang ang natitira.


Mahigpit ang hawak ni Lily sa braso nito. "Tara, number two ang sa amin."


Ngumiti si Darryl. "Mauna ka na, bibili lang ako ng mga prutas."



Mayroong supermarket sa Windon Villas, gustong kumuha ni Darryl ng mga prutas doon. Ilang araw na rin siyang hindi nakakauwi, hindi matutuwa si Samantha kung babalik itong walang kahit na anong dala.


"Hindi na kailangan yun, tara na umuwi nalang tayo." Nakangiting sabi ni Lily, hindi na mahalaga kung may dala ba ito, basta mapatawad lang siya nito.


Umiling si Darryl at nagpumilit. "Kukuha ako ng prutas, hindi ako magtatagal babalik rin ako."


Gusto nitong bumili ng prutas at bisitahin rin ang kaniyang mga magulang.

Tumango ang pumayag na si Lily dahil nagpumilit si Darryl. "Sige, pero ipangako mo sa akin na babalik ka kapag nakabili ka na?"

Natakot ito matapos itong hindi kibuin ng ilang araw. Natakot siyang iwan nito.


Ngumiti at tumango si Darryl. Tumalikod na ito at nagtunbgo sa supermarket.


Malapit na itong matapos mamili nang biglang may babaeng naka motorbike ang papalapit sa kaniya. Nakabihis ito ng kulay faint pink na dress, maganda at bata pa ito.


Hindi mapigilan ni Darryl na mapatingin muli rito. Pamilyar ang mukha nito.


Bumaba ng motorbike ang babae nang daanan siya nito. “Isang pagkakataon! Bakit ka nandito?”


Naalala ni Darryl na ito ay si Dora Simpson. Nagkakilala ang dalawa sa ibaba ng hagdan ng Television Station noong may dalawang scammer ang nagtangkang lokohin si Dora sa antique. Niligtas niya ito upang hindi ma-scam.


“Oo nga, isang coincidence!”

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now