KABANATA CCXCV

280 4 1
                                    

Agad na mas nagging agresibo si Justin habang nagsasaita. Kinuha niya ang knaiyang phone habang bumubungisngis na sinasabing. “Tamang tama lang ang dating mo Darryl. Ipapakita ko sa iyo kung ano ang kaya kong gawin. Sandal, ipapakita rin ng mga lantern na ito ang buong pangalan ni Ms Lily maya maya lang.”



Mas natuwa pa siya habang sinasabi na. “Hindi lang pangalan ni Ms. Lily ang ipapakita ng mga ito, dahil ipapakita rin nito ang pangalan ko.”



Nasusurpresa namang napapigil sa kanilang paghinga ang mga nakikiusyosong tao sa paligid.




“Hindi ba sobra sobra na ang bagay na ito? Paano niya magagawang ipakita ang pangalan nilang dalawa sa mga lanterns na ito? Napakamakapangyarihan talaga ng lalaking ito.”



Hindi maiwasan maging si Jade na mapabulong ng. “Lily, napakaromantic talaga ni Mr. Quinn. Mas okay talaga ito kaysa kay Darryl.”



Naguguluhan pa rin si Jade kung bakit nagcacare pa rin si Lily sa isang basurang kagaya nito. Mas lamang pa rito nang husto si Justin Quinn! Dahil isa siyang mayaman at romantic na lalaki.



Hindi naman siya pinansin ni Lily, hinawakan niya ang kamay ni Darryl at mahinang sinabi na. “Halika na, Darryl.”



Dahil nagawa ni Justin na ilagay ang kaniyang pangalan sa buong kalye na ito, siguradong magagawa rin nitong ilagay ang pareho nilang mga pangalan sa mga lantern sa paligid.



Gusto nang umalis ni Lily sa along madaling panahon para maiwasan ang eksenang iyon na mapapahiya nang husto kay Darryl.


Hindi naman gumalaw sa kaniyang kinatatayuan si Darryl, ngumiti ito at sinabing. “Okay lang iyan, Honey. Tingnan natin kung ano pa ang kaya niyang gawin.”



Nagpapanic na si ily sa mga sandaling ito. Siguradong babalik din sa kaniya ang pagpupumilit ni Darryl na tingnan ang ginawa ni Justin.


Mabilis ding dumami ang mga tao sa paligid matapos mag enjoy ng iba sa drama na kanilang napapanood. Isang mayamang binate ang nakipagkumpitensya sa isang nakikitirang manugang para sa isang babae. Isa itong eksena na bagay sa isang drama. Kaya mas nagging interesado rito ang marami kaysa sa paglalakad lakad sa paligid.


Gumawa ng tawag si Justin para ayusin ang mga lanterns at ipakita ang kanilang mga pangalan pero walang kahit na sino ang sumasagot sa kaniya.



Nakangiti namang nagtanong si Darryl ng. “Ano ang problema? Bakit ang tagal mong gawin ito. Bakit ito pa rin ang nakasulat sa mga lanterns?”



“Huwag ka nang maingay, hindi mob a nakitang tumatawag ako?” naloloko siyang pinatahimik ni Justin.


Tumango rito si Darryl na nagsabing. “Sige, susubukan ko ring tumawag.”



Kinuha niya ang kaniyang phone at tumawag kay Paul na agad namang sumagot sa loob ng ilang Segundo.



“Patayin moa ng mga lanterns sa buong kalye.” Sabi ni Darryl sa cellphone.



Swish!





Agad na namatay ang lahat ng nakadisplay na lantern sa loob ng isang iglap. Ditto na nabalot ng kasiliman ang buong Atlantic Street!


Ano?



Nagawa ba niya talagang ipapatay ang lahat ng mga lantern sa buong Atlantic Street sa loob lang ng isang salita sa tawag? Hindi rito makapagsalita si Jade!



Ano ang nangyari? Sino ang tinawagan ni Darryl?




“Nasan na ang romantic surprise mo? Namatay na ba kasama ng mga lantern naito?” ngiti ni Darryl.




“Ikaw…” agad na tumulo ang pawis mula sa noo ni Justin.



Buwisit, ano ang nangyari? Tinawagan niya ang Dragon Tech ng ialng beses pero walang kahit na sino ang sumagot sa kaniya!




“Tingnan ninyo, mga helicopter!” sigaw ng isa sa mga tao.




Ditto na tumingin ang lahat sa kalangitan at napanganga sa kanilang nakita.



Tatlong mga helicopter ang lumipad papunta sa kalye mula sa malayong lugar dala ang isang napakalaking gamit na nakahang sa ilalim ng tatlo. Habang pababa, malinaw na nakita ng lahat kung ano ang bagay na ito.



Isa itong piano!



Gasp!


Natigilan ditto ang lahat at walang kahit na sino ang nakapagsalita sa kanilang nakita! Gumamit ang isa sa kanila ng tatlong mga helicopter para magdala ng isang piano? Sino ang gagawa nito?


Siguradong magastos ang ginawa nilang ito!



Marami sa kanila ang  napatingin kina Justin at Darryl sa sobrang gulat.



Nagwa ng isa sa kanilang makontrol ang mga nakasulat sa lantern habang nagawa naman ng isa na patayin ang lahat ng ito sa buong kalye!


Siguradong hinanda ng isa sa kanila ang napakaengrandeng eksena na ito!


Nabablangkong tinitigan ni Justin ang piano habang tumitigil ang oras sa kaniyang paligid.



“Ito ba… ay hinanda ng nakikitirang manugang na iyon?”



Namamanghang tiningnan ng ilan sa mga tao si Darryl.



Kinuha ni Darryl ang kamay ni Lily at hinalikan ito nang bahagya bago maglakad palapit sa piano.



Walang duda na tinawagan niya si Paul para kumuha ng isang banda na kasama niyang manghaharana kay Lily. Parang lalabas naman ang puso ni Lily sa sobrang lakas ng pagkabog ng kaniyang dibdib sa mga sandaling ito.



Ditto na naglagay ang crew ng ialng mga upuan sa harapan ng piano.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now