KABANATA CCLI

565 9 1
                                    

'Anong problema ng mga ito? Porket may Godly Pill ako ay ninakaw ko lang ito? ' sa isip isip ni Darryl habang nanatiling tahimik.

Huminga ng malalim si Saul. "Dax, nakikita ko na maganda ang trato sa iyo ng kaibigan mo, binigyan ka ng napaka rare na pill haha! Inumin mo na yan."

Puno ng sinseridad ang kaniyang mga mata kahit na gusto talaga niya na siya ang uminom noon. Kung iinumin niya ang Godly Pill bilang isang Level Five Master General, magiging Martial Marquis na ito! Ito ang pinakamataas na rank sa lahat.

Perk patriarch si Dax ng Sanders family at nakadepende sa kaniya ang future ng pamilya. Kaya naman mas mainam na siya nalang ang uminom ng pill.

"Lolo, na stuck ka na po bilang Fifth Level Master General ng ilang taon. Please kayo na lang ang uminom niyan, papasok na naman ako sa Hexad School, marami pa akong opportunidad sa future para mainom yan." Tumatawang sabi ni Dax.

"Hindi puwede sayo na yan. Tumatanda na rin ako at wala naman na masyadong magbabago kung makaangat pa ako o hindi na. Mahaba pa ang buhay mo at marami kapang haharapin na peligro, makakatulonh to para sayo. Makinig ka sakin at inumin mo na to." Pagtanggi ni Saul.

Determina itong mainom ng apo. Kahit gaano niya pa ito kagusto, alam niyang kailanhan niyang maging rasyonal at gawin kung ano ang makabubuti para sa pamilya.

"Hindi. Pakiusap lolo ikaw na ang uminom niyan."

"Ano? Lumaki ka na at nagdesisyon na hindi sundin ang Lolo mo?"

Halos nag aaway na ang dalawa para sa ikabubuti ng isa.

"Huwag na kayo magtalo, may isa pa ako rito." Pagpapatigil ni Darryl sa dalawa, nakangiti itong inilabas ang isa pang pill sa bulsa.

'huh? May isa pa?' sa isip isip ng lahat.

Bigla napuno nanaman ng katahimikan ang dining hall. Kinakailangan muli tingnan ni Daisy and Daphne si Darryl habang hindi makapaniwala.

Ang Godly Pill ay ang pinakamahalagang pill sa mundo ng cultivation.

Nginitian ni Darryl ang mga matang nakatingin sa kaniya, inabot na nito ang pill kay Dax.

"Ngayon ay may tig isa na kayong pill puwede niyo na inumin yan."

"Darryl, ikaw ay...." Hindi makapagsalita si Dax sa excitement. Nilunok niya ang pill ng walang pag aalinlangan.

Nilunok na ito ng kaniyang lolo, pareho silang hindi mapigil ang excitement.

Biglang nakarecover si Daisy sa pagkagulat at seryoso nitong tinanong si Darryl. "Darryl, meron ka pa jan?"

Ang magkapatid ay na stuck sa pagiging Level Five Master ng sobrang tagal, hindi sila makaangat kahit anong subok nila. Matapos masaksihan na mayroong dalawang Godly Pill si Darryl sa bulsa ay nagbago ang mga tingin nila rito.

"Kung meron ka pa, please bigyan mo rin kami." Dagdag ni Daphne.

Pero arogante at hindi pa rin maganda ang tono ng mga ito.

"Dalawa lang ang dinala ko, yan lang ang meron ako." Malamig na sabi ni Darryl ng hindi tumitingin.

'Nilait nila ako kanikanina lang, ngayon ay nanghihingi na sila ng Godly Pill? Akala ba nila sakin bata?' nasa isip ni Darryl.

Pero totoong dalawang pills lang ang mayroon siya ngayong araw dahil wala na siyang oras para magpino ng mas madami.

Hindi natuwa ang magkapatid sa narinig pero hindi na sila nagtangka pang magsalita dahil naroon si Saul.

Maya maya pa ay nagpaalam si Saul na babalik na siya sa kuwarto niya dahil siya ay nakainom at nagsisimula nang umepekto ang pill.

Nang nakaalis na ito, nagpatuloy si Daisy sa pang mamaliit kay Darryl. "So dalawang pills lang ang mayroon ka?"

"Sigurado akong ninakaw mo lang ang mga yon, napakatapang mo naman para magnakaw ng Godly Pill. Siguradong tatagain ang binti mo at papatayin ang pamilya mo kung mahuhuli ka. Sa tingin mo sulit yun para sa dalawang pills?" Sarkastikong dagdag ni Daphne.

Natawa si Darryl. Mabilis nagbago ang dalawa nang malaman na hindi sila mabibigyan ng pill si Darryl.

"Masyadong marami ang iniisip niyo tungkol sakin. Sinong hindi magtatago ng pill nila ng maigi? Impossibleng makapagnakaw ako nito, kung tingin niyo ay madali lang, bakit hindi nalang kayo ang magnakaw?" Sabi ni Darryl.

"Ikaw..." Hindi na nakapag isip pa ng banat si Daphne kaya tumayo nalang ito. "Dax, may mga pupuntahan pa tayo bukas. Aalis na kami ngayon."

Ang dalawa ay pinagpapadyak ang heels na umalis sa dining hall, hindi manlang sila nagbigay ng tingin kay Darryl. Akala nila ay makakahingi sila ng Godly Pill dito, pero mayroon lamang siyang dalawang pill at ayaw nilang mag aksaya ng oras na kausapin ang isang kagaya ni Darryl.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now