KABANATA CCLXXXIII

465 4 3
                                    

“Anong magnanakaw?” nacucurious na tanong ni Yvonne habang narinig ang mga bungisngis ng magkapatid na Palmer.



Ngumiti at sinabing. “Hindi mo ba nabalitaan, Yvonne? Nagnakaw si Darryl ng cellphone kahapon. Mas maganda kung lalayo ka na sa magnanakaw na iyan.”




Ngumiti naman si Yvonne at hindi naniwala sa kahit isang salita na sinabi ng mga ito. Nagnaakaw si Darryl ng cellphone? Ito ang pinakanakakatawang bagay na kaniyang narinig.



Magagawa niyang mamuhay ng kumportable sa buo niyang buhay gamit ang kaniyang kakayahan sa pagsusuri ng mga antique at artifact. Kaya bakit naman niya magagawang magnakaw ng mga phone?



Hindi naman pinansin ni Darryl si Daisy, finocus niya ang kaniyang sarili sa pagtingin sa piraso na ito ng jade.





“Mayroon itong nakaukit na isang imahe ng foreigner na tumutugtog ng isang musical instrument. Kung tama ako, nagmula ito sap ag ukit naa ginawa nila sa jade na ito. Isang kayamanan ang jade na ito, masasabi ko na nagkakahalaga ito ng nasa isa’t kalahating milyon o higit pa.”




Napuno naman ng paghaanga ang mukha ni Lily nang marinig ang nagging analysis ni Darryl. “Ang galling mo talaga Darryl.” Sabi nito.




Bakit ngayon niya lang nalaman na marqami pala itong alam sa mga antique?



Ganito rin ang naramdamang paghanga ni Yvonne. Maging ang kaniyang ama ay walang sapat na kaalaman para makilala ang jade na ito, pero nagawa pa rin ni Darryl. Napakagaling niya talaga!



Kasabay nito ang pagsisissi ni Yvonne dahil hindi niya ito nagawang makilala nang mas maaga.





Nang biglang magpakita ang isa nanamang bote na sinundan ng isang nanlalamig na boses na nagsabing. “Uminom ka Darryl.”





Ano ang nangyari ngayong araw? Bakit walang tigil siyang nakatanggap ng mga bote ng tubig?




Natigilan si Darryl nang tingnan niya kung sino ito. Ito ay walang iba kundi si Circe!




Nakatingin na sa kanila ang lahat sa mga sandaling ito. Ano ang nangyayari kay Darryl? Paano niya nagawang mapalapit ang napakaraming naggagandahang babae sa school?





Noong una, sina Lily at Yvonne lang ang lumapit ditto. Pero ngayon maging ang belle ng buong school na si Circe Newman ay nagawa nang lumapit kay Darryl.





“Pasensya na dahil nagawa kitang sisihin kanina, Darryl.” Prangkang humingi ng tawad si Circe.





Nakaramdam nang pagpapanic si Circce sa kaniyang sarili. Ito ang unang beses na nagbigay siya ng tubig. Noong una ay nagalit siya kaay Darryl noong hindi nito pinansin ang ibinigay niyang note sa klase, pero napagdesisyonan pa rin niyang humingi ng tawad sa personal sa kanilaang PE class. Sabagay, inisip niya na magnanakaw talaga si Darryl kaninang umaga.




“Okay lang iyon.” Ikinaway ni Darryl ang kaniyang kamay na para bang hindi na niya inisip ang nangyari kanina. Hindi na siya nagdagdag ng kahit na anong salita maliban ditto.




Nagging mapagpasensya pa rin si Circe habang sinasabing. “Paaano kung ilibre na lang kita pagkatapos ng klase? Ikaw na ang bahala kung saan mo gusto.” Alok nito.



Ano? Gusto siyang ilebre ni Circe? Nagselos nang husto rito ang mga lalaki sa kanilang paligid.





Isang malaking karangalan ang kumain kasama si Circe, pero nagawang makuha ng isang nakikitirang manugang ang karangalang ito? Napakaunfair talaga ng mundong ito.




Tumingin sina Lily at Yvonne sa isa’t isa. Ano ang nagyayari? Bakit humihingi ng tawad si Circe sa kaniya at inalok pa siyang kumain sa labas? Maging si Yvonne ay nacurious ditto pero hindi na siya nangialam pa.




Habang nakaramdam naman si Lily ng selos ditto. Nilapitan mismo ng pinakapopular na babae sa buong Hexad na si Circe Newman si Darryl. Kaya natural lang na makaramdam siya ng selos ditto.




Hindi ganito ang nararamdaman niya noon. Kaya maaaring natatakot na rin siyang mawala si Darryl sa kaniya. Sa kaniya si Darryl. At walang sinuman ang makakuha nito sa kaniya, maging ang belle ng buong school!



Nag iisip si Lily sa loob ng isang sandal at humawak sa braso ni Darryl. Ditto na siya nagging sweet na nagsabi kay Darryl ng. “Hubby, gusto raw tayong ilibre ng kaklase mo, kaya pumayag ka na!”



Agad namang nagdagdag si Lily ng. “Sumama ka na rin sa amin Yvonne!”



Oof!




Agad na nagkagossebumps si Darryl sa kaniyang katawan. Dahil kung iisipin, ito ang unang beses na tawagin siya ni Lily bilang “Hubby” sa tatlong taon nilang pagsasama.



BAM!



Nang biglang lumipad ang isang bola sa direksyon ni Darryl at tumama nang malakas sa kaniyang balikat.



“Sino ba ang ganito kamangmang sa paglalaro ng basketball?” isip ni Darryl.



Tumingin siya sa direksyon na pinagmula ng bola kung saan nakita niya ang isang dambuhalang lalaki na papalapit sa kaniya, naagmukha naman itong hihingi sa kaniya ng tawag. Ito ay walang iba kundi si Xavier King, ang PE teacher ni Lily.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now