Chapter 35

4.9K 84 2
                                    

Papunta ng kusina si Princess nang masalubong niya si Aeroll. Akala niya nasa taas ito kaya nga siya ang nagpresintang kumuha ng ice cubes sa kusina. Tumalikod agad siya ng tawagin siya nito. Kanina pa sila nag-iiwasan. O mas tamang sabihin, siya ang kanina pa umiiwas dito.

Nung nag-iihaw siya ng barbecue kanina, lumapit ito sa kaniya.

“Princess.”

Napalingon siya dito. Sabay iwas ng tingin. “Ba..bakit?”

“Ako na diyan. Mangangamoy usok ka.”

Mabilis naman niyang binigay ang pamaypay dito nang hindi tumitingin dito. “O..okay. Pasok lang ako sa loob. May sasabihin lang ako kay Cath.” Tinext ni Aeroll sina Harold na sumunod dito. “Sige, diyan ka na muna.” Mabilis siyang humakbang palayo dito.

“Princess.”

Napahinto siya ng hindi ito nilingon. Bakit Princess na lang? “Bakit?”

Matagal ito bago sumagot. “Wala. Nakalimutan ko na.”

Tapos kanina, pababa siya ng hagdan ng masalubong niya uli ito.

“Princess, may—”

“Nakalimutan ko pala yung phone ko sa tabi ni Sarah.” Tinalikuran na niya ‘to.

Mukhang ngayon, hindi na siya makakaiwas dito.

“Iniiwasan mo ba ko?”

Huminga muna siya ng malalim bago ito harapin. “Hindi, ah.” Dumeretso na din siya ng kusina at kumuha ng ice cube sa loob ng ref. Nasa labas na ang mga pinsan ni Aeroll at nag-iinuman. Halos lahat ata mga second degree cousin nito.

Lumapit ito sa kaniya. “Princess.”

Princess again! Nilingon niya ito. “So what’s with the Princess thing?”

“It’s your name, right?”

Pilosopo! Nakakuha na siya ng ice cubes kaya nilagpasan na niya ito pero humarang naman ito. “Mag-usap na nga muna tayo.”

Nakakainis naman ‘to! “Ano bang dapat nating pag-usapan? Kung yung tungkol kanina, walang nangyari kaya kalimutan mo na ‘yon.”

He sighed. “Kung hindi naman pala big deal ‘yon, bakit mo ko iniiwasan? Akala mo ba hindi ko napapansin? Sa tuwing magkakasalubong tayo, tinatalikuran mo ko.”

Umiwas siya ng tingin dito. “Akala mo lang ‘yon.”

“Eh, ba’t hindi ka makatingin sakin ng deretso?”

“Ba’t naman siya titingin sa’yo ng deretso, Aeroll?”

Si Shanea! Nasa bandang likuran ito ni Aeroll. Nakahinga siya ng maluwag. Parang gusto niyang pugpugin ito ng halik. Tinext din ito ni Aeroll para sumunod dito.

“We’re talking here, Shanea. Umalis ka na muna.”

“Wow! Mukhang seryoso ka, hah. Tinawag mo ko sa pangalan ko, eh. Kukunin ko lang naman yung ice cubes. Ang tagal ni Ate Princess, eh.”

“We’re done talking.” Nilagpasan niya si Aeroll at hinawakan sa kamay si Shanea. “Let’s go, Shanea.” Hinila niya ito palayo.

“Pero nag-uusap pa kayo diba?”

“Wala namang kwenta yung pinag-uusapan namen, eh.”

“Hindi ba kayo bati?”

“Kayo ba ni Jed? Hindi din kayo bati?”

Sabay pa silang tumawa.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon