Chapter 41

4.2K 61 3
                                    

“I love you, Princess.”

There. Nasabi na ni Aeroll.

Sa totoo lang, wala naman talaga siyang balak na sabihin ‘yon ngayon. Hindi pa dapat ngayon. But hearing Princess talking to that stupid guy, parang gusto niyang agawin ang phone mula dito kanina at isama niya sa pini-prito niyang manok.

Naiinis siya. Kanino? Kay Princess. Bakit ganito’ to? How can she managed to talked to that guy na parang walang ginawang kasalanan ang lalaking ‘yon diyto? Bakit siya? May masabi lang siyang hindi maganda, katakot-takot na irap at pangbabara ang nakukuha niya mula dito! It’s unfair!

Isip-bata na kung isang bata. Pero naiinis talaga siya!

Pero mas nangingibaw ang... ang... ang...

“Aerol...”

Nangingibabaw ang selos.

Unti-unti siyang humiwalay dito. Kita niya sa mukha nito ang pagkagulat.

“A-anong s-sabi m-mo?” tanong nitong nabubulol pa.

“I love you.”

Mas lalong nanlaki ang mata nito.

“I admit, at first I didn’t like you. Halos isumpa ko pa nga na kahit ikaw pa ang pinakahuling babae sa mundo, I would never ever like you. Paanong hindi ako maiinis sa’yo, kung anu-ano ang pinagsasabi mo sakin. Kung anu-anong pambabara ang sinabi mo sa bawat sinasabi ko, sinong hindi maiinis? Lalo ng sinabi mong hindi ako gwapo! Jeez! Ikaw lang ang tanging babaeng nagsabi na hindi ako gwapo.”

“And then I saw you the second time, let me rephrase, I saw a woman at the bus terminal. I saw her cying. And that moment, isa lang ang pumasok sa isip ko. That I want to protect her, that I don’t want to see her cry anymore. Ang weird pero ‘yon ang naramdaman ko. Ang weird din dahil hindi ko man lang nahalata na ang babaeng ‘yon at ikaw ay iisa. You did’nt wear your glasses that day. Nakalugay din yung buhok mo. You’re not that messy-tangled-hair woman I saw at the mall.”

“From that moment, ginulo mo na ang mundo ko. You slowly creep inside my heart ng hindi ko namamalayan. I still remembered ng sinabi mong sensitive ako, you’re wrong. Sensitive ako pagdating sa’yo, sensitive ako sa nararamdaman mo. Ayaw kong nasasaktan ka. Kaya the day that I realized that I had fallen in love with you, mas pinili kong lumayo sa’yo. Because I know that I can’t have you because you’re already belong to someone. So, what should I do? Aagawin ba kita sa kaniya? Magtatapat ba ko sa’yo? I don’t know. I really don’t know. Kaya mas pinili kong umiwas. Mas pinili kong kalimutan ang nararamdaman ko. Ang sabi ko, makakalimutan din naman siguro kita. Kaya nga hindi na ko sumabay sa inyo pag-uwi.”

“Pero kinabukasan pagkagising ko, ikaw agad ang naisip ko. And then I told to myself, hindi kita kayang kalimutan. Para lang akong sira sa ginawa kong pag-iwas sa’yo. Para kong tanga. Ang gulo ko.”

“Sumunod agad ako sa inyo. I even called Harold and Cath to ask your phone number, you’re address. Pero hindi nila sinasagot yung tawag ko. One week akong parang tanga sa kakatawag sa kanila. Thanks God, naawa naman sila sakin. And then, may nalaman ako. About you and that guy, that you caught him that day that I saw you crying. Siya pala ang dahilan kung bakit ka umiiyak ng araw na ‘yon.”

“Mas lalo kong naguluhan kung ano ba ang dapat kong gawin. But there’s only one thing I wanted to do. And that is to see you. Because I really miss you so badly. I miss you like hell. Baka sakaling malaman ko ang dapat kong gawin pag nakita na kita.”

“Wala naman talaga kong balak na magtapat sa’yo ngayon. Dahil ayoko lang na maguluhan ka. Pero...” Nakuyom niya ang kamay niya. “When I heard you talking to that guy over the phone, I felt I might lose you if I didn’t tell you this.”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon