Chapter 23

4.7K 66 4
                                    

Ilang beses nang nagpabalik-balik si Aeroll sa paglangoy. Umupo siya sa gilid ng pool.

“Napakainsensitive mo kasi!”

“Napakainsensitive mo kasi!”

“Napakainsensitive mo kasi!”

Paulit-ulit ‘yong nag-replay sa isip niya. “Argh! Oo na, ako na! Napaka-insensitive ko na!” Napasabunot siya sa buhok niya.

Nang may madinig siyang tumikhim sa likuran niya. Hindi niya alam pero napangiti siya. “Princess.” sabay lingon sa likuran niya. Dagling nawala ang ngiti niya. Bakit ko ba kasi naisip na susunod si Princess sakin dito?

Ngumiti ito. “Hello! Kanina pa kita napapansin, mukhang mag-isa ka. Mind if I join you?”

Naisip niya si Princess. Umiling siya. Bakit ko ba siya naiisip? I’m here for a vacation so dapat lang mag-enjoy ako. Katulad na lang nitong sexy na nasa harap ko. Nginitian niya ito. “I don’t mind.”

Umupo ito sa tabi niya. “By the way, I’m Bea.” Inilahad nito ang kamay nito.

Tinanggap niya ang palad nito. “I’m Aeroll. Alone?”

“I’m with my friends. Bakasyonista ka din?”

“Yap. How did you know?”

“Ang mga gwapong katulad mo kasi hindi bagay sa lugar na ‘to.”

Kumunot ang noo niya pero saglit lang. “So, sa’n ako bagay?”

Lumapit ito sa kaniya. Idinikit nito ang braso nito sa braso niya. She’s flirting with me. Nginitian siya nito ng matamis. Nagkunwari siyang tila may nakita para makausad ng kaunti palayo dito.

“Why? Sino ‘yon?” Napalingon din ito sa tinitingnan niya.

“Akala ko yung kasama ko.”

“Ah. Bakasyonista din pala ako. Taga…” Tumatango lang siya sa mga kwento nito. Kwento nito tungkol sa sarili nito. Why am I so bored? I’m with a sexy and a beautiful lady, pero parang wala lang. Hindi naman ako ganito dati. What happened to mr. playboy in town?

Natawa ang katabi niya. Kaya nakitawa rin siya kahit hindi niya alam kung ano ang pinagtatawanan nito. Gusto sana niyang umalis na, kaya lang nakakahiya naman kung basta na lamang niya itong iiwanan ng walang dahilan. Pasimple siyang lumingon sa paligid niya. Nang may mahagip ang mga mata niya.

Yes! Pasimple niya itong sinenyasan na lumapit sa kaniya pero dinedma lang siya nito. Argh! Ano bang problema no’n? Naiinis pa din ba siya?

* * * * * * * *

“NASA’N ba kasi ‘yon?” Palinga-linga si Princess sa mga taong nasa pool, pero hindi niya makita si Aeroll. Bakit ko ba kasi hinahinap ‘yon, eh?

Nautusan lang naman siya nina Cath na hanapin ito. Kalahating oras na kasi itong hindi bumabalik sa cottage nila. Hindi pa daw ito kumakain. Baka daw nagugutom na ito. Baka daw nagtampo na ito sa kaniya. Baka daw nalunod na ‘to. Baka daw…Argh! Ang daming baka daw ang nadinig niya kanina mula sa dalawa kaya napilitan na lang siyang umalis ng cottage. Hindi para hanapin si Aeroll kundi para makalayo sa mga ito.

Kaya lang hindi naman niya mapigilang hanapin si Aeroll. Okay. Inaamin niya, nakonsensya siya kanina sa sinabi niyang insensitive ito. Medyo lang. Kasalanan naman kasi nito. Ang kulit!

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon