Chapter 33

4.6K 82 5
                                    


Alas-kwatro na ng hapon. Nauna nang umuwi si Manong Kanor. Ang sabi kasi ni lola Conchita, dito na daw sila matulog ni Aeroll. Hindi naman nakatanggi si Princess. Pa’no siya makakatanggi kung buong kamag-anak nito kanina kinulit siya na babalik ang mga ito mamaya para mag-inuman sila. Nag-sipag-uwian na ang mga ito. Malapit lang naman ang bahay ng mga ito.

Ang tanging nakatira sa bahay ay ang kapatid na lalaki ni Lolo Remedio at asawa nitong si Lola Conchita. Ang paboritong apo na lalaki ng mga ito na si Michael, thirty, ang asawa nitong si Cecille,  twenty six years old at ang cute nilang baby girl na si Sarah, eight months pa lang ito.

Naiwan din ang tatlong chikiting. Nagpaiwan ang mga ito at siya ang kinukulit. Tinitirintas niya ang buhok ni Rhiane habang ginagawa namang kabayo nina Chawi at ni Russel si Aeroll. Nasa sala sila.

Nasa kwarto sina Lola Conchita at ang asawa nito. Nagpapahinga. Nasa kwarto din si Ate Cecille kasama ni Sarah. Pumunta ng palengke si Kuya Michael at namili ng ipupulutan nila mamaya. Mag-iihaw daw sila.

“Yatigidig! Yatigidig!”

“Ayoko na mga bubuwit. Pagod na si Tito. Pagpahingahin ninyo muna ko.”

Nagreklamo ang dalawang bata. Mula sa gilid ng mata niya nakita niyang may ibinulong si Aeroll sa mga ito.

“Ayan, tapos na!” Inabot niya ang salamin kay Rhiane. “Ang cute-cute mo, Rhiane!”

“Ang galing mo po, Tita Princess. Si mama kasi kapag tinitirintas yung buhok ko, gulo-gulo.” Nilingon siya nito. “Tita, turuan ninyo nga po si mama magtirintas, ah.”

Napangiti siya. “Magpatali ka na—Ayyyy!!!” Pa’no ba naman, bigla na lang siya kiniliti nina Chawi at Russel sa beywang niya. Malakas pa naman ang kiliti niya. At dahil maliit lang ang dalawang bata nagawa niyang umiwas.

“Ayoko na hah.” natatawang sabi niya habang umuusod palayo sa dawang bata. Kaya laking gulat niya ng hawakan siya ni Aeroll mula sa likuran niya. Hawak nito ang dalawang braso niya.

“Aeroll!” Pinanlakihan niya ito ng mata.

He smiled at her. “Namiss ko lang yung tawa mo kaya pagbigyan muna ko.”

Mahina ang pagkakasabi nito no’n, pero umabot ‘yon sa pandinig niya. Na-miss niya ang tawa ko?


“Go, kids.” udyok nito sa mga bata.


“Ayo—” Kiniliti na siya ng mga bata. Nakisali pa si Rhiane. Hindi naman niya magawang maawat ang mga ‘to dahil hawak ni Aeroll ang mga braso niya.


“Hahahahaha!! Ayoko na!! Hahahaha!!” Hindi na tuloy niya namalayang halos nakasandal at nakasiksik na siya kay Aeroll sa kakaiwas sa mga bata.

“Hahahahaha!! Patigilin muna sila Aeroll!!”

“One minute.”

“Matagusan ako sa’yo nito! Kids, ayoko na! Stop it!”

“Kids, tama na daw.”

Nagsitigil naman agad ang mga bata. Binitawan na ni Aeroll ang mga brasso niya. Napahawak siya sa tiyan niya. “Grabe kayo! Ang sakit ng tiyan ko kakatawa.” Prente siyang sumandal sa kinasasandalan niya habang naghahabol ng hininga.

“Kids, pakikuha ng tubig si Tita Princess ninyo.” utos ni Aeroll sa mga ito. Nag-unahan namang nagtakbuhan ang tatlong bata sa kusina. Saka lang niya napansin na sa dibdib ni Aeroll na pala siya nakasandal ng haplusin nito ang ulo niya.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon