Chapter 5

5.8K 81 2
                                    

“What?” gulat na tanong ni Princess sa katabi niya.

“Singa.” utos ulit nito.

“Ako na.” Akmang kukunin niya ang panyo nang ilayo nito iyon. Kumunot ang noo niya. “Masakit na ang ilong ko.” reklamo niya.

Inilapit ulit nito ang panyo sa ilong niya. “Isinga mo na ‘yan.” utos ulit nito.

“Ano bang problema mo?” inis na tanong niya, pero suminga na din siya sa panyong hawak nito na nakatakip sa ilong niya. Humawak pa siya sa panyo, hindi siya aware na nakahawak na din siya sa kamay nito.

“Okay na?” tanong nito. Umiling siya at suminga ulit hanggang sa maramdaman niyang hindi na masakit ang ilong niya.

“Okay na?” ulit nitong tanong.

“Okay na.” sagot niya. Saka lang niya napansin ang kamay niyang nakahawak sa kamay nito. Binawi niya iyon. Isinuot na uli niya ang salamin niya sa mata. Ibinulsa nito ang panyo nito. Nanlaki ang mata niya. “Teka, akin na ‘yang panyo.”

“Akin ‘to.”

“Alam ko, kaya lang may ano ‘yan, eh…” Hindi niya maituloy ang sasabihin niya.

“Okay lang ‘yan. Lalabhan ko na lang pagdating samin.”

“Bibilhin ko na lang.”

“Ayaw.”

“Ano ba!”

“Alam mo sa halip na mag-thank you ka. Ikaw pa itong galit.”

Napahiya tuloy siya. “Magte-thank you ako kapag binigay mo sa’kin ang panyo mo.”

“Ibibigay ko ‘to kapag nag-sorry ka sa nangyari kahapon.”

Kumunot ang noo niya. “Bakit ako mag-so-sorry? Kasalanan mo naman talaga ang nangyari kahapon.”

Umayos ito ng upo at binaling ang tingin sa unahan. “Akin ‘tong panyo ko.”

Huminga siya ng malalim. “Okay. Sorry.”

“Bakit parang pilit?” hindi tumitinging tanong nito.

Kutusan kita diyan, eh. “I’m sorry.”

Nakita niyang ngumiti ito. Pero saglit lang. Bruho ‘to, ah. Pinagtitripan pa ako. Hindi tumitinging kinuha nito sa bulsa ang panyo nito at inabot sa kaniya. Kukunin na niya iyon pero bigla nitong inilayo. Tumingin ito sa kaniya. “Ano ulit iyon?” nakangising tanong nito.

Ihagis kaya kita sa palabas ng bus? “I’m sorry.”

“You shoud be. Oh, ayan na yung panyo ko.” may diing sambit nito. Agad niyang kinuha iyon at isinuksok sa bag niya. “Ingatan mo ‘yan, ah. May sentimental value ‘yan sa’kin.” dagdag pa nito bago ibinaling ang tingin sa unahan.

Itapon ko pa ‘to sa dagat mamaya, eh. Makita mo. “Binabawi ko na ang sorry ko dahil hindi ako may kasalanan.  Ikaw ang may kasalanan dahil ikaw ang hindi tumitingin sa daan. You’re the one who should say sorry, not me.” Bigla itong napalingon sa kaniya. Hindi na niya hinintay pang madinig ang reklamo nito dahil agad niyang ipinasak ang earphone niya sa tainga niya at itinodo ang volume. Tumingin siya sa bintana. Napangisi siya. Akala mo, ha.


- - - - - - - -


NAPALINGON si Aeroll sa babaeng katabi niya dahil sa huling sinabi nito. Aba’t! Naisahan ako nito, ah! Nakangiti pa! Bakit naman kasi tinulungan ko pa? Ito pa ang napala ko. Hindi man lang marunong mag-thank you. Binawi niya ang tingin dito. Ano ba kasing pumasok sa isip niya kanina at siya pa talaga ang humawak ng panyo? Nang maalala niya ang itsura nito kanina ng inabot niya dito ang panyo. She looked so cute. And so vulnerable. Parang batang naagawan ng candy. Ang layo niya sa pagiging amasona niya. Kung lagi lang siyang ganito, edi masaya. Hindi iyong laging parang susugod sa giyera. Laging may handang bala sa bawat sasabihin ko. Ang ganda pa naman niya… Kumunot ang noo niya. Am I phrasing her? Ano bang nangyayari sa’kin? Umayos ka nga, Aeroll!

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon