Chapter 22

4.8K 59 6
                                    

Nag-inat si Princess. Nasa Veranda siya ng kuwarto nila ni Cath. Kakagising lang niya. Tanaw niya ang papalubog na araw. Ang tagal ko palang nakatulog.

“Ano ba, Harold! Huwag mong ilapit sa’kin ‘yan!”

Napalingon siya sa baba, sa hardin. Nakita niya sina Harold at Cath na naghahabulan. May kung anong nilalapit sa mukha ng kaibigan niya si Harold.

“Lola! Lolo! Tulungan niyo ko!” sigaw ni Cath.

Napatingin siya kina lolo at lola na tumatawa lang habang nakatingin kina Harold at Cath. Nakaupo ang mga ito sa upuan. Nakita niya din si Aeroll. Nakatayo ito malapit kina lola.

Sumama ang mukha niya. Nakakainis naman kasi ‘to. Paano ba naman panay ang patalo kaninang naglaro sila ng luksong-baka no’ng nasa bundok pa sila. Hindi niya alam kung nananadya ba ‘to at gustong makatsansing sa kaniya. Parehas lang ito at si Harold na panay ang patalo. Kaya para silang mga sira kanina. Naka-sampung salit-salit na laro sila ng umayaw na sila ni Cath.

Napansin siguro nitong may nakatitig dito kaya napalingon ito sa gawi niya. Napangiti ito. Kumaway pa ito sa kaniya. Binelatan niya lang ito. Natawa ito. Napalingon tuloy sa gawi niya sina lola.

“O, bate ey ang mahal nating prinsesa.” wika ni lolo.

Kumunot ang noo niya. Ano daw?

“Gising na daw ang mahal na prinsesa.” pagta-translate ni Aeroll.

Tabingi ang ngiti niya. Nakakahiya naman.

“Pilheg ka hale.” sambit ni lola.

Ano ulit?

“Baba ka daw dito.” pagta-translate ni Aeroll. “Lola, lolo, magsalita po kayo ng maaarok ni Princess. Hindi po ako translator. Nurse po ako.”

“Pababa na po.” sagot niya. Umalis na siya sa verandah. Mabilis lang siyang nag-ayos at pumunta na sa hardin. Nakaupo na si Aeroll. Umupo siya sa tabi ni Lola Remedia. Napagitnaan siya nito at ni Aeroll.

“Sorry po kung ngayon lang po ako nagising.”

“Okay lang, iha. Napagod ka siguro sa pag-akyat ng bundok.”

“Opo lolo. Naglaro pa po kami ng luksong-baka.”

“Nasabi nga ni Prince.” sambit ni lolo.

“Nakakatuwa namang kayo. Madami na ang nakakalimot ng mga

larong gano’n. Puro computer games na lang ang alam laruin ng mga kabataan ngayon. Wala na nga akong masyadong nakikitang naglalaro ng mga larong pilipino.” mahabang litanya ni lola.

“Nagbabago na po talaga ang panahon.” sambit niya.

“Gusto mo ulit maglaro, prinsesa?” Napalingon siya kay Aeroll.

“Anong laro na naman?”

“Habulan. Sali tayo sa kanila.” Hinawakan nito ang kamay niya at mabilis na hinila palapit kina Cath na hanggang ngayon ay naghahabulan pa din.

“Lola!” hinging-tulong niya sa mga ito.

“Magsaya lang kayo. Papasok na muna kami sa loob ng lolo niyo.” Tumayo na ang mga ito at pumasok ng loob ng bahay. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mga ito. Ang sweet pa din nila hanggang ngayon. Nawala ang ngiti niya at nanlaki ang mga mata ng may humarang sa line of vision niya.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon