Chapter 58

3.1K 69 1
                                    

Sinalubong si Princess ng manager ng Toyie Toyie pagkapasok niya pa lang ng toy store. “Mr. Agoncillo is expecting me.”

Pinasadahan muna siya ng tingin nito bago ito nagsalita. “This way, Ma’am.” Sumunod siya dito. Pumasok sila ng isang pintuan. At isang mahabang daan ang nakita niya.

Habang nakasunod siya dito. Napaisip siya. Pwede niya itong tanungin ng tungkol kay Rod. “Can I ask you something?”

“Ano po ‘yon?” hindi lumilingong tanong nito.

“Kilala mo ba ang dating manager dito?” Saka lang ito napatingin sa kaniya. “Si Rod Ferrer. Did you know him?”

Huminto ito at hinarap siya. “Bakit mo naitanong? Kilala mo ba siya?”

Naalarma siya sa paraan ng tingin nito sa kaniya. “Ano kasi—”

Nagpatuloy ito sa paglalakad. Sumunod uli siya dito. Hindi na siya nagtanong pa. Mukhang bawal talagang pag-usapan ang kahit na ano tungkol kay Rod.

“Hindi mo dapat pinapakialam ang mga bagay na wala kang kinalaman.”

Napalingon siya dito. Tama ba ang pagkakarinig niya sa sinabi nito?

“Nandito na po tayo.” Huminto ito sa isang pintuan. Mukhang ito ang office ni Mr. Fred. Kumatok ito. “Sir, nandito na po si Ms. Princess.”

Maya-maya ay lumabas na ang nakangiting si Mr. Fred. “Magandang araw, iha.”

“Magandang araw din po.”

Binalingan nito ang manager. “Sige na, Jimbo. Pwede mo na kaming iwan.”

“Sige, sir.”

Napasunod siya ng tingin dito ng makaalis ito nang maalala niya ang sinabi nito kanina.

“Bakit, iha? Sinungitan ka ba ni Jimbo?”

Napalingon siya dito. “Hindi naman po masyado.”

“This way, iha.” Sumunod siya dito. “Pagpasensyahan mo na siya. May pagkamasungit talaga ‘yon.”

“Okay lang po.”

Nakarating sila sa dulo. Binuksan nito ang isang pintuan. At tumambad sa kaniya ang factory. Maluwag ‘yon. Maingay dahil sa mga makina. May mga factory worker na gumagawa.

“May naaalala ka ba, iha?”

Habang tinitingnan niya ang factory. Unti-unting bumabalik ang alaala niya nung bata siya ng mga panahong dinadala siya dito ng papa niya. “Medyo po.” Inilibot niya ang tingin sa paligid. “May mga nagbago. Katulad na lang po ng toy store. Wala po ‘yon dati diba?”

“Tama ka, iha. Five years ago ng magpatayo ako ng branch ng Toyie Toyie dito.”

Inilibot siya nito sa loob ng factory. Pero ang dahilan ng pagpunta niya dito, hindi niya makita hanggang sa matapos ang paglilibot nila. Pero ang napansin niya kay Mr. Fred ay kasundo nito ang mga factory workers. Lagi pa itong nakangiti. May kumausap ditong isang worker kay nagkaro’n siya ng pagkakataon na umalis saglit.

“Excuse me, Tito. Nasa’n po ang restroom ninyo dito?”

May itinuro ito sa kaliwa niya. “Pumasok ka do’n, iha. Turn right.”

“Sige po. Saglit lang po ako.”

Nakangiting tumango ito. Humakbang na siya sa itinuro nito. Pumasok siya sa pintuan. May daan na naman siyang nakita. Naglakad siya at lumiko sa dulo. Tapos may dalawang daan na naman. Turn right daw. Napalingon siya sa kaliwa. May pintuan siyang nakita sa dulo no’n. Napalingon siya sa kanan niya. Hindi naman talaga niya kailangang pumunta ng restroom. Dahilan lang niya ‘yon para makapaglibot siya ng mag-isa. Kaya sa halip na sa kanan ay sa kaliwa siya lumiko.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon