Chapter 85

3.5K 52 5
                                    



Nakaupo si Princess sa kama at nakatanaw sa labas ng bintana ng kwarto niya. Tanaw niya ang garden ng ospital.

Gusto na niyang lumabas dito. Gusto na niyang makita si Aeroll. Pero hindi pa daw siya pwedeng lumabas ng kwarto. Nakarinig siya ng katok. Dalawang student nurse ang nalingunan niya. Kukuhanan siya ng vital signs ng mga ito.

“Gusto ko ng lumabas dito.” hindi nakatiis na sabi niya habang kinukuha ang bp niya.

“Bakit naman po parang nagmamadali kayo?”

“Nandito din kasi sa ospital ang fiancé ko.”

“Employee po dito?”

“No. Pasyente rin siya dito.”

“Ay, ano pong nangyari?”

“Accident.” simpleng sagot niya.

Nag-aayos na ng mga gamit na dala ang mga ito ng magsalita ang isa. “Ang gwapo nung pasyente sa ICU noh?”

“Shh... Wag maingay. Pero tama ka. Sayang hindi pa siya nagkakamalay.”

“Sana maging okay na siya. Inoobserbahan pa rin siya ng mga doctor, eh.”

“Ano nga palang name niya? Natanong mo ba?”

“Aeroll. Ang gwapong name noh?”

Bigla siyang napalingon sa mga ito. Pasarang pintuan na lang ang nakita niya. Ibang kaba ang naramdaman niya.  “Si Aeroll ba yung tinutukoy nila? Nasa ICU siya? Akala ko ba okay na siya? The way they talk about him bakit parang kritikal siya?” Sunod-sunod siyang umiling. “Hindi pwede ‘to.”

Kailangan niyang makapunta kay Aeroll pero nakasuot siya ng patient gown. Mahuhuli siya. Napatingin siya sa bag ni Cath. Umalis lang saglit ang mga ito. Nakaisip siya ng paraan.

Tinanggal niya ang swerong nakakabit sa kaniya. Dahan-dahan siyang tumayo at parang pagong na lumapit sa pintuan. Ni-lock niya ‘yon. Pagkatapos ay lumapit sa bag ni Cath at kumuha ng damit nito. Short at long sleeve polo na white ang kinuha niya para hindi siya masyadong mahirapan sa pagsuot no’n.

Makirot man ang tahi niya sa tagiliran niya, hindi niya pinansin ‘yon. Kailangan niyang makita si Aeroll. Nanghihinang napasandal siya sa pader matapos niyang makapagbihis. Binuksan niya ang pintuan at saglit na sumilip. Dahan-dahan siyang lumabas.

Nang mapadaan siya sa nurse station ay iniwas niya ng mukha niya. Baka makilala siya ng mga ito. Hinanap niya kung sa’n ang ICU. Napahinto siya sa isang kwarto ng makita niya ang pangalang nakapaskil sa taas ng pintuan.

ICU

Lumingon muna siya sa kaliwa’t kanan niya bago binuksan ang pintuan. Maikling pasilyo na pahaba ang nakita niya. Sa dulo no’n ay may nakita siyang nurse na nakaupo sa likod ng table at may hawak na chart. Napalingon siya sa kwartong nasa kaliwa niya. Kitang-kita niya ang isang taong nakahiga do’n dahil glass wall ang dingding.

“Miss? Kaano-ano ninyo po ang pasyente?” narinig niyang tanong ng nurse.

“He’s my fiancé.” hindi lumilingong sagot niya. Idinikit niya ang kamay niya sa glasswall. “Aeroll...” May tubong nakakabit sa bibig nito. May benda ang balikat at braso nito. Kinuyom niya ang kamao niya. “Kamusta na siya?”

“Inoobserbahan pa rin siya ng mga doctor.”

Pinikit niya ng mariin ang mga mata niya. “Pwede ba kong pumasok?”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon