Chapter 57

3.2K 42 1
                                    

Palapit na si Princess sa puntod ng papa niya ng may matanaw siya. Mero’n na naman. Nang tuluyan siyang makalapit ay nakita niyang may bulaklak na nakalagay sa tabi ng puntod ng papa niya. Tulips ang bulaklak. Ang paboritong bulaklak nito pati ng mama niya. Magkatabi ang puntod ng magulang niya.

“Papa, may nauna na naman saking dumalaw sa inyo. Sino po kaya siya?”  Tuwing death anniversary ng papa niya, hindi nawawalan ng tulips sa puntod ng papa nito. Hanggang ngayon, wala siyang ideya kung sino ang dumadalaw na ‘yon.

Inilabas niya sa bag niya ang tela niyang dala at inilatag sa damuhan. Saka siya umupo. Itinabi niya sa puntod ng mama niya ang isang basket ng tulips. At sa tabi ng puntod ng papa niya ang isa pang basket.

“Kamusta na po kayo, papa?” Nilingon niya ang puntod ng mama niya. “Mama?” Umihip ang hangin. “Ako po ba? Hindi ko po masasabing okay ako ngayon dahil may mga problema. Pero masasabi ko pong masaya ako. Ang gulo noh?” Napangiti siya ng maalala niya si Aeroll. “Hayaan ninyo po, ipapakilala ko rin siya sa inyo pagbalik ko dito.”

“Alam ninyo po, Ma, Pa, simula ng mawala kayo, ngayon lang uli ako naging masaya. Naging totoong masaya. And that was because of Aeroll. He always find his ways to make me smile. Makita ko lang ang ngiti niya, nagiging okay na ko. Kahit hindi siya magsalita, basta alam kong nasa tabi ko siya, I feel safe. Minsan nakakaasar siya. Minsan nakakainis siya. Madalas nga kaming mag-away no’n. Para kaming aso’t pusang dalawa. Lagi ko kasi siyang binabara at sinusungitan. At ‘yon ang kinaiinis niya. Eh, kasi naman siya, wala na siyang ginawa no’n kundi ang pakialaman ang bawat galaw ko.”

“Now I know the reason why. Because he loves me.” She smiled. “Everyday, he always treated me in a special way. Hindi pa rin nawawala ang mga kalokohan niya. Pero sanay na ko do’n. He’s very sweet. Parang ikaw, papa. Lagi mong pinagbibigyan ang gusto ko basta alam mong magiging masaya ako. Pero hindi niya tinotolerate ang mga bagay na alam niyang mapapahamak ako.” She sighed. “Papa, yung tungkol sa panaginip ko. Alam ko namang hindi ninyo ko ipapahamak. I know you have reasons. At ‘yon ang aalamin ko.”

Umihip ang hangin. Niyakap niya ang sarili niya nang maramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya na nasa bulsa ng pants niya. Kinuha niya ‘yon. Si James ang tumatawag. Kinansel lang niya ang tawag at nilagay sa bag ang phone niya.

“Pa, Ma. Hindi ko pa nasasabi kay Aeroll na mahal ko siya. May problema pa po kasi kami James.” She sighed. “Ganito ba talaga ang magmahal? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang ako ng wala akong nasasaktan?”

Umihip na naman ang hangin. Pumikit siya at nagdasal. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakapikit ng maramdaman niyang may umupo sa tabi niya. The smell. That masculine smell. Idinilat niya ang mga mata niya. At nakita si Aeroll na tahimik na nakatingin sa puntod ng magulang niya. Kumunot ang noo niya. Bakit parang may kakaiba dito ngayon?

“Aeroll...”

Hindi ito lumingon sa kaniya. Yumuko lang ito at pumikit. Sa pag-aakalang kinakausap nito ang magulang niya ay hinayaan muna niya ito. Tiningnan niya ang puntod ng magulang niya. Naramdaman niyang hinawakan ni Aeroll ang kamay niya. Ng mahigpit.


* * * * * * * *


Tinawagan ni Aeroll si Cath kanina para tanungin kung nasa’n si Princess. Sinabi nitong nasa cemetery si Princess dahil death anniversary ng papa ni Princess ngayon. At naisip niyang hindi ito ang tamang oras para pag-usapan nila ang tungkol sa mga nalaman niya.

Natanaw na niya ito na nakaupo sa damuhan pagbaba niya ng kotse. Lumapit siya dito. Nakita niyang nakapikit ito. As he saw her face, unting-unting nawala ang inis na nararamdaman niya. Ganito ba ang epekto nito sa kaniya?

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon