Chapter 40

3.9K 65 6
                                    


Mula sa mall na pinagkitaan nila ni Cath, sumakay sila ng tricycle papunta sa subdivision kung sa’n ‘to nakatira. Nag-baon na lang si Aeroll ng damit at nagpalit sa hospital kanina.



“Nandiyan pa si bhest?” narinig niyang tanong sa kung sino mang kausap nito. “Ah, okay. Pauwi na ko.”

Nakapasok na sila sa subdivision. “Malayo pa ba?”



“We’re here.” Bumaba sila ng tricycle. Matapos makapagbayad ay nag-doorbell ito sa isang bahay. Para siyang excited na bata habang naghihintay.

 Maya-maya ay lumabas na ang hinihintay niya. His Princess with her messy and tangled hair, carrying a white cat.

Mukhang nagulat itong makita siya base na din sa panlalaki ng mata nito. Nabitiwan pa nito ang pusa nito. Hindi niya mapigilang pagmasdan ang mukha nito. How he miss her so much. Kung hindi lang nagsalita si Cath, malamang hindi na niya napaigilan ang sarili niya at nayakap ito.

“Hello, bhest! Mukhang magulo ang mundo natin, ah.”



Hindi rin niya mapigilang mag-comment sa buhok nitong magulo. Nothing change, huh. “Cath, sigurado ka ba sa bahay na pinuntahan natin? Mukhang bahay ‘to ng mangkukulam. Ng magandang mangkukulam.”



* * * * * * * *



“Cath, sigurado ka ba sa bahay na pinuntahan natin? Mukhang bahay ‘to ng mangkukulam. Ng magandang mangkukulam.”



“Sigurado ako, Aeroll. Parang hindi ka sanay. Laging magulo ang buhok niyan. Gotta go. Iwan na kita dito. Bye, bhest.”



“A-nong gina...Anong ginagawa mo dito?”Iyon lang ang lumabas sa bibig ni Princess. Hindi na nga niya napansin na umalis na si Cath. Para lang siyang estatwa sa kinatatayuan niya.

“Hindi mo ba ko papapasukin?” Nilagpasan siya nito. Saka lang siya natauhan. Sinundan niya ito. Pumasok na ito ng bahay niya!

“What are you doing here?”



Hindi ito sumagot. Nilibot lang nito ang tingin sa living room. “Nice home.” Lumapit ito sa display table sa tabi ng bintana. May kinuha itong picture frame. Napangiti ito.

Saglit siyang natigilan. Ang ngiti nito. Bakit parang maiiyak siya ngayong nakita niya uli ang ngiting ‘yon? Aning-aning talaga siya!

“Ang cute mo pala nung bata ka. Para kang lalaki.”



Mabilis siyang lumapit dito at kinuha ang picture frame niyang hawak nito. “What are you doing here?”



Tinalikuran siya nito. Dumeretso ito ng kusina niya. Ba’t ba hindi siya nito sinasagot?

“Iniinis mo ba ko?! Tinatanong kita! Anong ginagawa mo dito?!”



“Wala bang makakain dito? Nagugutom na ko.”



“Aeroll!!!” Sobrang naiinis na siya! Sumulpot na lang itong bigla sa bahay niya. Hindi nito pinapansin ang tanong niya at dinidedma lang siya! At siguro, sa sobrang bwisit dito ngayon, sa sobrang stress niya nitong nakaraang araw ng dahil din dito, hindi niya namalayang napaiyak na siya.

“Princess...” Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya. Umangat ang kamay nito at pinunasan ang luha niya.

Okay. Inaamin niya. Namiss niya ito. Namiss niya ang feeling na safe siya kapag nasa tabi niya ito. She miss this guy so much!

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon